Nakikita ni Zards ang malaking pagbabago ng kanyang asawa. Sa mga pagtrato nito sa kanya at sa pagiging sobrang malambing nito. Palagi na rin itong nakangiti, maliban na lamang kung ibang tao ang kaharap nito, tumingkad pa rin ang pagka-mataray nitong dating, at sa palagay niya'y hindi na nga iyon mawawala sa postura ng kanyang asawa, Rebecca is Rebecca. Pero hindi niya maitatangging may busilak na puso ang kanyang asawa. Sa kabila ng pagiging mataray nito at maarte, nagtatago ang isang mabait na Rebecca. "I need to go," paalam ni Zards sa asawa, ipinulupot niya ang isang braso sa maliit na bewang ng asawa, saka sinakop ang malambot at matatamis nitong mga labi, kasalukuyang nasa kusina ito, yes, marunong ng magluto ang isang brat na si Rebecca. At sobra iyong ikinatutuwa ni Zards, hindi