Chapter 4

2378 Words
"Callie kamusta ang lakad mo?" Bungad sa kanya ni manang tess pagkababa niya ng sasakyan "nandyan na po ba si Dane?" "wala pa iha" Tumango siya pagkatapos ay naglakad sa loob. "kumain ka na ba? Ano bang gusto mong kainin? Pinaglutuan kita ng handa, tumikim ka muna kahit kaunti habang hinihintay mo ang asawa mo" Tipid na ngumiti si Callie "aakyat na muna po ako nang, medyo masama po pakiramdam ko" "ha? Edi inuman mo na ng gamot ano bang--" hindi na natuloy ni manang tess ang sasabihin dahil direderetsyo na si callie na umakyat sa silid. Pagkarating doon ay agad siyang napabagsak ng higa sa kama at hindi napigilan ang mga luha niya. Naalala niya yung araw na naikasal siya kay Dane. Iyon ang kauna unahang beses na nakita niya ang ama na ngumiti at naging proud sa kanya.  Mayaman ang kanilang pamilya, ngunit ng dahil din sa pag-iisa ng pamilya nila at ng mga Villaranda ay mas lalong naging matibay ang estado ng kumpanya nila. Dumami ang investors at mas lalong napalago ang business lalo pa ng si Dane ang pumalit sa kanya sa posisyon sa kumpanya. Dahil doon akala niya din na ang kanyang pagiging Villaranda ang isa sa magiging dahilan para maging maayos na ang kanilang relasyon mag-ama. Pero hindi pa din pala. Hanggat nanatili siyang anak nito na nabubuhay sya ay hindi maaalis ang bigat ng nararamdaman ng kanyang ama sa kanya. Ngayon ang ika 26th na kaarawan niya, at sya ding ika-26th death anniversary ng kanyang ina. Namatay ang kanyang ina ng ipanganak siya. 26 years na ang lumipas pero pakiramdam niya na siya pa din ang sinisisi ng ama sa pagkawala ng kanyang ina. 26 years na yung lumipas na ang mga taong malalapit lang ang nakakasama niya sa kaarawan niya dahil ipinagbabawal ng ama ang celebrasyon sa sariling tahanan. Kaya kanina sumubok siya.. Akala niya ay magiging iba ang celebrasyon sa araw na to hindi pala. Umiyak lang sya hinayaan na inilabas ang sama ng loob na kanyang kinikimkim hanggang sa makatulugan niya nalang ito. Nagising nalang sya ng marinig ang tunog ng cellphone niya na "Hello?" "Callie" Napabalikwas sya ng tayo ng mabosesan na si Dane iyon. Napatingin siya sa oras at napangiwi ng makitang mag aalas onse na ng gabi "Dane!--umm sorry nakatulog kasi ako. kanina ka pa ba tumatawag? Pauwi ka na ba?" "kanina pa ako nandito" Mas lalo syang napangiwi "bumaba ka na nga dito" "oo ito na love pababa na.. Sorry talaga" Dali dali syang lumabas ng silid at nagmamadali na bumaba ng hagdan Kinakabahan sya kasi baka galit na ito sa kanya. Pero agad syang napahinto ng makita ito sa harapan niya. Nanatiling blanko ang mukha nito pero may hawak na cake habang nakasindi ang mga kandila. Nasa tabi naman nito si manang tess na may hawak hawak na baloons. "Happy birthday Callie! Happy birthday callie!" kanta ni manang tess sa kanya. Napasapo sya sa kanyang dibdib at dahan dahan na inihakbang ang paa hanggang sa makalapit sya. "happy birthday! Happy birthday! Happy birthday Callie!" ng matapos ni manang tess ang kanta ay sakto na tumapat siya kay Dane. "happy birthday" seryoso ang boses nitong sabi sa kanya habang wala pa ding mga ngiti sa labi pero si Callie ay halos abot taenga na ang ngiti habang pinagmamasdan ang asawa. "make a wish!" wika ni manang tess kaya pumikit si Callie at Sunod sunod na pumatak ang mga luha, ilang saglit ay hinipan niya ang candle kaya napapalakpak si manang tess "yey!" Nagtama ang tingin nila ni Dane, ganon pa din at hindi nagbabago ang tingin nito sa kanya pero nakakaramdam din siya ng iba.. Labis ang kanyang tuwa. Hindi niya inaasahan to. Ang buong akala niya ay hindi alam ni Dane na kaarawan niya ngayon. Simple lang ang ginawa ng asawa pero para sa kanya sobrang napakaespesyal na. Kaya muling nag-unahan ang mga luha niya kaya naman napakunot ng nuo si Dane. "ano nanaman yan?"  hindi na napigilan ang sarili at hinapit ito ng yakap. "Dane!, thank you love! Thank you so much!" hinaplos niya ang mukha ni dane bago siniil ng halik ang labi nito "I love you! I love you so much!" Napahinto nalang si Callie ng makita ang isang flash. Kinukuhaan pala sila ng picture ni Manang Tess. .... "Grabe manang tess! Pinaka the best birthday ko po talaga to! Kahit hindi naging okay nung una talagang bawing bawi naman na nung gabi! Tapos ang gaganda pa ng kuha mong litrato namin" "papaanong hindi ko kayo kukuhanan ng litrato eh ang sweet sweet niyong dalawa." napalabi si callie pagkatapos ay muling tinignan ang mga litrato na kinuha ni manang tess gamit ang kanyang cellphone. Yung isa nga ginawa na niyang wallpaper ng cellphone niya. At sa tuwing tinitignan niya yon hindi niya talaga maiwasan na kiligin. "so kamusta naman ang celebrasyon niyo kagabi? Tinanghali kayo ng gising" napasapo ulit si Callie sa mukha niya bago pinagmasdan si Dane sa litrato. "manang tess talaga, makakahindi ba ako eh love na love ko eh" "ay sus! Nasa honeymoon stage pa talaga kayong dalawa. Sana hindi mo muna pinapasok pwede naman na umuwi muna ako sa amin para masolo niyo tong mansion" Mas lalong namula ang mukha niya "may trabaho daw siya nang at hahanapin siya ni Dad." "kung sa bagay, haay sana makapag bakasyon kayong dalawa" Yon din talaga ang gusto niya, ang makapagbakasyon sila ni dane, bukod kasi na hindi nila nagawa yon pagtapos ng kasal ay subsob na sa trabaho sa kumpanya si Dane. Gusto naman niyang makapagpahinga ito at higit sa lahat ay magkaroon sila ng oras para sa isa't isa. "Kapag natapos ang party sa kumpanya nang yayayain ko siyang magbakasyon. medyo luluwag na ang schedule niya non for sure. O kaya kakausapin ko si dad para naman pumayag na bitawan niya muna si Dane kahit isang linggo lang" "excited na sya!" ngisi pa ng ginang bago muling nag spray sa orchids na nasa kanilang harapan. "excited na talaga ako nang. Saan kaya magandang magpunta? Gusto ko yung hindi ko pa napupuntahan na lugar para talaga exciting dahil si Dane ang makakasama ko doon" "maganda nga yon" "tapos pagkauwi namin non saka ko nalang aasikasuhin yung pagpaplano ng cafe na itatayo ko dito sa subdivision. Anong tingin mo nang?" "magandang idea yan anak" Napapalakpak si Callie bago muling tumingin sa mga bulaklak na kanyang iginuguhit. Pero wala talaga doon ang isip niya kundi sa mga plano na ngayon ay tumatakbo sa isipan niya. ... "kamusta ang araw mo? Maayos lang ba?" tanong ko kay dane bago inalis ang coat na suot niya. "okay" ngiting tugon ni Dane kay Callie bago naupo ito pumunta naman si Callie sa paanan ni Dane at inalis ang sapatos at medyas niyo iniabot niya ang baso ng juice sa asawa pagkatapos na inumin iyon ni Dane ay nahiga ito sa sofa na nasa silid nila at napahimas pa sa kanyang nuo "siguro napagod ka? Gusto mo ba ng masahe?" "wag na" pagsusungit pa nito. Kaya napangiti nalang si Callie "masakit ba ulo mo?" "mawawala din to" Napailing siya at kumuha ng gamot sa medicine cabinet bago bumalik kay Dane. Umupo at inalalayan ang ulo ni Dane pahiga sa kandungan niya bago kinuha ang basong tubig at gamot "inumin mo na to at wag ng hintayin na humupa yan mamaya mas lalo lang sumakit" inalalayan ni Callie ang ulo nito maski na ang baso. Agad siyang napangiti ng tinangap ni dane ang isinusubo niyang gamot. "yan..--teka dahan dahan" ng mainom iyon ni dane ay marahan niyang inihiga ang ulo nito sa kanyang kandungan bago hinilot iyon. Mukhang hindi nga ayos ang pakiramdam ng asawa dahil agad na napapikit ito ng dumampi ang kamay ni Callie sa gilid ng mga mata nito. "aayaw ka pa eh mukhang kailangan mo din ang haplos ko" Hindi nagsalita si dane at pinanatiling nakapikit ang mga mata, pinapakiramdaman niya lang ang lalim ng paghinga niyo habang nakahiga sa kanya. "masyado mong pinapagod ang sarili mo" hinilot niya ang nuo hanggang sa batok nito. Hinaplos haplos ang ulo. Nakangiti lang sya habang hinahaplos yon. Ginagawa niya lang ang tungkulin niya bilang asawa at napakasimple sa ibang mag-asawa ang ganitong tagpo pero para kay Callie ay napakaespesyal ng mga sandaling ito. "Mahal? Mas okay siguro kung lilipat na tayo sa kama para tuloy tuloy na ang pagpapahinga mo--teka aayusin ko na ang higaan" huminto siya sanpaghaplos sa ulo nito at akmang tatayo ng pigilan sya ni Dane at hawakan ang kamay niya" "pero mas komportable kung sa kama ka na hihiga" "mas komportable pag ganito" Pigil siyang ngumiti at tinago ang kilig na nararamdaman. Lalo pa ng sumiksik si dane ng higa at pumaharap pa sa tyan niya "sige kung yan ang gusto mo mahal--dito lang tayo" hinimas niya ulit ang ulo nito habang nangingiting pinagmamasdan ang asawa. Ilang saglit lang ay napansin niya na ang mumunting hilik nito. Kaya mas lalo siyang napangisi "kawawa naman pala ang asawa ko. Talagang napagod" Pinagpatuloy niya lang ang kanyang ginagawa hanggang sa hindi magtagal ay maski siya at naantok at hindi namalayan na makatulog habang nakaupo at nakahiga sa hita niya si Dane. Nagising na lang sya ng ilang saglit ay maramdam na namamaluktot ito habang nakayakap pa sa bewang niya Napangiti pa siya ng una pero agad na dinapuan ng pagalala ng makita ang pamumutla ng mukha nito "Dane?" Hinaplos niya ang nuo ni Dane at doon niya napagtanto na inaapoy ito ng lagnat "Diyos ko! dane! Nilalagnat ka!" Hinaplos niya ang mukha nito "ililipat na kita sa kama" inalalayan niya itong tumayo sa sobrang bigat ni dane ay nahirapan sya kaya naman ay parehas silang napabagsak sa kama. Inayos niya ng higa ito, pinaunan at agad na kinumutan bago sinuri ulit "ang init mo" Ng mapansin na halos mangatog ang asawa dulot ng nararamdaman ay agad na hindi niya napigilan ang kanyang mga luha. "Mahal naman eh" natataranta na siya at hindi na alam ang gagawin "saglit tatawagin ko lang si Manang, babalik agad ako ha?" Dali dali syang lumabas ng silid at kinatok ang kwarto ni manang tess. Nagalala pa nga ang ginang sa kanya ng mapansin na umiiyak siya "manang tess tulungan mo po ako" "teka anong nanagyayari?" "si Dane po kasi" "ha?! Anong nangyari sa asawa mo?" .... "Wag ka ng umiyak, medyo bumaba na ang lagnat niya. Naguulan kanina baka naulanan, kaya yan natuloy" Pinahid niya ang luha niya. Kinabahan talaga sya. Kulang nalang ay dalhin na niya si Dane sa hospital sa labis na pag-aalala. Mabuti nalang talaga at nandyan si Manang Tess dahil hindi niya alam kung papaano ang gagawin kay Dane. "ayos na ba talaga sya manang? Dalhin ko na kaya sa hospital?" Napangisi si manang tess "nilagnat lang ang asawa mo. Ganyan talaga yan si Dane kapag sobrang pagod. Saka bumaba na ang lagnat niya kaya wala ka ng dapat na isipin pa." "talaga po?" Tumango lang si manang tess at kinuha ang palangana na ginamit nila kanina. "Bukas ayos na yang asawa mo--imposibleng hindi lalo pa at puno ng pagmamahal ikaw mag-alaga sa kanya" "hindi ko nga po alam ang gagawin ko kanina eh. . Ikaw lang po ang nagturo sakin" Ngayon lang siya nakaranas na mataranta ng ganon. Pakiramdam niya kasalanan niya at nagkasakit ito.. Baka dahil hindi niya masyadong naalagaan kaya nangyari yon "magpahinga ka na din anong oras na oh" "hindi ako makakatulog ng maayos hanggat di ako sigurado na ayos na talaga sya manang" "ikaw naman magkakasakit niyan sige ka.. Naku baka si Sir Dane naman ang magalala sayo" "ayoko nang.. Kapag nagkasakit ako hindi ko maalagaan si Dane" Napangiti ang ginang at tinapik ang balikat niya "kaya magpahinga ka na muna. Bukas sigurado magaling na si Dane. Mabuti nalang talaga at nspainom mo siya ng gamot ng maaga kundi baka mas lalong tumaas ang lagnat niya" "sana talaga ayos na si Dane bukas.. Thank you po ulit nang" "wala yon, sige na babalik na ko sa kwarto. Kapag kailangan mo ako anak katukin mo nalang ulit ako" "opo nang salamat po talaga" Pagkalabas ng silid ni manang tess ay napabuntong hininga si Callie. Muli niyang pinigaan ang bimpo sa pagkatapos ay idinampi sa nuo ni Dane. 'wag mo na akong pagaalalahanin ng ganito" Humiga siya sa tabi nito pagkatapos ay niyakap.. Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Hindi na din maiinit si Dane at medyo bumalik na sa dating kulay ang mukha nito. Bumangon sya at pumunta sa kusina pagkatapos ay nagluto ng lugaw para sa asawa. Inilagay niya iyon sa isang tray kasama ang mga gamot at isang pitchel ng tubig. Naghiwa din siya ng mga prutas pagkatapos ay muling bumalik sa kwarto. Nanatili pa din na tulog si Dane kaya naman ay inilapag niya muna ang tray sa maliit na mesa ng kanilang kwarto pagkatapos ay dinampot ang mga damit ni dane na nagkalat sa sahig. Sa sobrang taranta niya kasi para punasan ito kagabi ay hindi na niya nailigpit ng maayos ang mga damit nito. Dinampot niya iyon para ilagay sa basket. Ngunit ng damputin niya ang polo nito ay may pumukaw sa kanyang pansin. Napakunot ang nuo niya ng makita ang mantsya na kulay pink. Hugis labi din iyon kaya napaisip siya wala naman akong ganitong kulay na lipstick Lalo at malimit din sya mag makeup dahil madalas ay dito lang siya sa bahay. Sa mga oras na yon alam na niya. Hindi naman siya tanga para hindi maisip ang nagiisang bagay kung bakit may lipstick ang polo nito na marka ng halik na hindi mula kanya. Baka nga may babae sya Hindi na kailangang itanong. Hindi naman na din sya magtataka. Pakiramdam niya ay piniga ang puso niya, hindi niya napigilan ang mapaluha ganon pa man ay mabilis niya iyong pinahid ng marinig ang pag-ubo ni Dane. Lumingon siya dito at nakitang gising na nga at dahan dahan na umupo ng higa. Ngumiti siya "Goodmorning mahal, maayos na ba pakiramdam mo?" dinampot niya ang tray pagkatapos at lumapit kay dane "Breakfast in bed, tapos inom ka ulit ng gamot para okay na ulit pakiramdam mo tinawagan ko na din pala si Dad na hindi ka muna makakapasok ngayon. Dito ka muna sa bahay. Ang gusto ko magpagaling ka muna okay ba yon mahal?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD