Nagising ako mga hapon na. Napatagal ang tulog ko dahil na din sa pagbubuntis ko. Madalas kasi akong antukin at kapag nakakatulog ako ay hindi ko na namamalayan yung oras. Katulad nalang ngayon. Nakakahiya kay Mama Sam at sa pamilya. Alam kong na-spoiled nila ako lalo na ngayon na nagdadalang tao ako pero nahihiya pa din ako na para magbuhay princessa dito sa bahay habang sila ay abala sa baba. "hindi niya ako ginising" naisip ko din si Dane. Isa pa kasi yon na kung tratuhin ako ay parang lumpo. Pero mas naisip ko yung mga sinabi niya na hanggang ngayon hindi ko alam kung may katotohanan ba. Parang laro nalang sa kanya ang lahat. Ni hindi man lang ako kinausap kung para saan yung mga sinabi niya, yung paghalik niya? "hindi ba sya informed na masama nabpaglaruan ang emosyon ng bunti