Napabuntong hininga si Callie bago tumunga ng wine. Kanina pa niya hinihintay si Dane, mag papasado alas onse na nga pero wala pa din ito. Siguro hindi ito uuwi. Matapos ang pagtatalo nila dahil sa paguungkat ni Callie tungkol sa pangbababae nito na hindi naman malabong mangyari ay malamang hindi uuwi si Dane. "magkasama kaya sila ni Emma?" Mahinang bulong niya bago muli nagsalang ng alak sa baso. Ng maikasal sila halos lahat isinuko niya para sa asawa. Ibinigay niya ang buong puso niya kahit alam niyang hindi sya mahal nito. Binigay niya ng buong tiwala niya kay Dane kahit alam niya na may posibilidad na magloko ito. Gusto niyang paniwalaan si Dane sa sinabi nito na wala siyang babae pero papaano niya mapapaliwanag yung marka na nakita niya sa damit? Maiintindihan niya si