Julianna "Hihintayin na lang kita rito," pahayag ko nang ipinarada ni Jercie ang sasakyan sa parking ng isang restaurant. Baka mayroon siyang i-mi-meet rito. Hindi ko na kailangang sumama pa sa kanya. Nakakaramdam pa rin ako ng hiya dahil baka late na siya ngayon. Kahit pa na sinabi niyang hindi ko na kailangang mag-apologize. Hindi ko lang talaga napansin ang bawat takbo ng segundo. Sobrang bilis lumipas ng mga sandali nang hindi ko man lang namamalayan. Parang kauupo ko pa lamang sa roon sa sofa, dalawang oras na kaagad ang dumaan. "Nope." Kita ko ang pag-iling ni Jercie. "You will come with me. And besides, you've made me wait for you for two hours, Julianna. You owe me." Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. Parang hindi niya sinabi kanina na kung limang oras lang ang si