Chapter 26: Decide

1686 Words

Julianna "Tell Dad we can't make it home tonight," ani Jercie habang nakasilip sa nakahawing kurtina ng bintana. "On it," sagot naman ni Jeraine na pumipindot na sa phone. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at inihanda ang sarili sa malakas na kulog nang tumagos mula sa salamin ng mga bintana ang liwanag ng kidlat. "Dammit," rinig kong nai-usal ni Jercie. Nakita ko pa sa sulok ng mata ko ang mabilis nitong paglayo sa tapat ng bintana. Kaninang umalis kami sa gilid ng kalsada ay nagsisimula nang dumilim ang paligid dahil sa makapal na ulap. At nang malapit na kami rito sa bahay ni Jeraine, doon bumuhos ang ulan. Ngayon naman ay mas lalo pa yatang lumakas na may kasama pang pagkulog at pagkidlat. Pinigilan kong tumili nang mapasigaw si Jeraine dahil sa malakas na kulog. Halos dumagund

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD