"Okay Matthew, tita Ivy na lang ang itawag mo sa ‘kin. Magpakabait ka Matthew para magkasundo tayo." "Talaga po? Okay po tita Ivy, daddy pumayag na po si tita Ivy." "Okay, anak kung ‘yan ang gusto mo." nakatingin si Michael kay Maxine at nag-smile lang ito sa kaniya. "Daddy puwede bang ikaw na po ang maghatid sa ‘kin sa school? Para po may daddy na rin ako, kasi ang sabi po ng mga classmates ko wala po akong daddy eh. Naiinggit po ako sa kanila. Meron silang daddy, samantalang ako wala. At ipakikilala na rin po kita sa kanila daddy Michael." "Anak, kawawa ka naman. Sige anak, ihatid kita sa school huh. Araw-araw ako na ang maghatid sundo sa ‘yo." "Yehey, mommy huwag niyo na po akong ihatid sa school. Si daddy na lang po. Okay lang po ba mommy?" "Okay anak kung ‘yan ang gusto mo." nat