“Hindi na puwede anak. Halika na,” hinawakan ni Maxine ang kamay ni Matthew at lumabas sila sa kuwarto. “Anak, may gagawin pa si mommy sa opisina eh. Nextime na lang huh." “Max... Max... Maxine?” sa wakas naibuka na rin ni Michael ang kanyang bibig pero umalis agad si Maxine. “Maxine... Maxine... Wait. Mag-usap tayo please. Hayaan mo muna akong magpaliwanang.” “No! Hindi ako si Maxine! Huwag mo kaming sundan!” “Mommy lier po kayo, Maxine po ang name ninyo. Huwag po kayong mag lie masama po 'yan di 'ba?” “Anak huwag ka nang magsalita. Let's go.” “Mommy, bakit po kayo nagmamadali? Madadapa po tayo eh.” “Maxine! Maxine! hintayin mo ako please, kausapin mo ako.” naabutan sila ni Michael, hinawakan ni Michael ang kanyang braso. “Michael, bitiwan mo ako! Anong kailangan mo?” nakita ni M