"Yaya, ang sama ng mga classmates ko. Binu-bully nila ako, umiiwas ako pero gustong gusto nila akong nakikitang nasasaktan. Kung hindi lang ako pinigilan ni Sir Michael baka nasa kulungan na ako." Sumbong ni Maxine
"Maxine may nangyari ba sa school mo kanina? Sabihin mo sa ‘kin." Tanong ni yaya Carmen.
"Wala po yaya sige mag sho-shower na po ako para sabay na tayong mag dinner." Tumakbo si Maxine sa taas ayaw niya kasing malaman ng kanyang yaya ang nangyari baka mag-alala pa ito sa kanya.
"Maxine! Maxine! Bumalik ka dito! Sagutin mo ang tanong ko! Hindi pa tayo tapos mag usap!" sigaw ni yaya Carmen sa kanyang alaga.
"Yaya, tumigil ka nga. Ang ingay ingay mo!" pumasok siya sa kanyang kwarto at nag lock ng pinto. Alam niya kasi na kukulitin siya ng kanyang yaya na magsabi ng totoo.
"Michael kumusta ang mga student mo? Mga mababait na ba sila? Yung transferee? Kumusta na nagbago na ba ang ugali?" tanong ni Ivy kay Michael.
"Si Maxine ba ang tinutukoy mo Ivy? Ganoon pa rin makulit pero kapag nakilala mo ang totoong siya ang bait niya pala. May pinag dadaanan lang pala siya sa kanyang pamilya kaya nagka ganoon siya." ani nito.
"Pero kanina habang hinatid ko siya sa kanila. First time ko siya nakitang ngumiti. Ang cute niya at ang sweet pa. Kaso pinipilit niyang takpan ang totoong ugali niya. Kung nakita mo lang ang galing niyang makipaglaban. Natalo niya ang tatlong kalaban tapos hindi man lang siya natamaan kahit isa man lang. Haha natutuwa ako sa kanya Ivy ang, galing niya." dagdag pa nito.
"Michael may gusto ka ba sa batang ‘yon? Ngayon lang kita nakitang ganyan katuwa."
"Ivy ano ba ang pinag sasabi mo? Student ko siya, bawal 'yun! ‘Saka naawa lang ako sa kanya at gusto ko siyang makilala."
"Mabuti naman at alam mong bawal, at ayaw kong ma-involve ka sa babaeng ‘yon huh! Pabayaan mo siya kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya." Wika ni Ivy habang nakanguso.
"Ivy estudyante ko siya, kung anong maitutulong ko at kung mayroon man dapat ibibigay ko." sagot ni Michael kay Ivy.
"Nagpapa-alala lang naman ako sa 'yo Michael. Alam mo naman na ang gusto nang daddy mo ay ang magtrabaho ka na sa company ninyo. Ayaw niyang tumanda ka sa university na ‘yon. Tapos po-problemahin mo ang hindi mo naman problema," ani nito kay Michael.
"Sige na Michael, para magkasama na tayo everyday papuntang opisina. Bitiwan mo na ang trabahong 'yan. Sa company na tayo." dagdag pa nito.
"Ivy ito ang gusto kong gawin, masaya ako sa ginagawa ko. Tulungan mo na lang si daddy sa business namin para hindi na niya ako kulitin na umupo bilang CEO."
"Michael alam mo naman ang daddy mo. Gagawin niya ang lahat para sumunod ka lang sa kagustuhan niya. At alam mo na ba ang balita?" tanong ni Ivy.
"Ano ‘yon Ivy? May dapat ba akong malaman?" Seryosong tanong ni Michael.
"Michael, gusto tayong makausap nang daddy mo at daddy ko. Meron silang mahalagang sasabihin sa ating dalawa." Sagot ni Ivy.
"Tungkol saan naman 'yan Ivy? baka ano nanaman ang ipapagawa niya sa ‘kin."
"Hindi ko alam Michael, basta ang sabi nila kailangan dalhin kita bukas sa meeting place." Sagot ni Ivy habang nakangiti.
"Ivy may idea ka ba kung ano 'yon?" tanong ni Michael hindi siya mapalagay dahil alam niya kung ano ang gusto nang daddy niya.
"Hindi ko alam Michael, basta pupuntahan na lang kita dito para sabay na tayong pupunta bukas." Sagot ni Ivy.
"Ahh okay, no problem Ivy." Tumango na lang si Michael kahit labag sa loob niyang pupunta.
"Okay Michael bye, aalis na ako may bibilhin pa ako." Wika ni Ivy at iniwan niya na si Michael.
***
"Maxine bilisan mo late ka na!" tanghali na nang gumising si Maxine kaya nataranta na naman ang kanyang yaya.
"Yaya gagamitin ko ang isang kotse huh. Wala na ang scooter ko eh." Saad ni Maxine habang nagmamadaling nag-shower.
"Huh! Anong wala? Nasaan ang scooter mo? Importante ‘yon sa ‘yo di 'ba? bakit nawala?" Seryosong tanong ni yaya Carmen.
"Basta yaya huwag na po kayong mag tanong. Ang tanda tanda niyo na po pero makulit pa rin kayo."
"Maxine anong sinabi mo? Ulitin mo! Kung gagamitin mo ang kotse, ingatan mo 'yan baka 'yon na naman ang mawala."
"Yaya wala po! Matanda ka na nga bingi ka pa. Hahaha!" tumakbo si Maxine at kinuha niya ang susi ng kotse at umalis na siya papuntang school.
"Maxine! Maxine! Bumalik ka dito! Maldita ka! Ikaw talaga ang bibig mo huh! hindi ako matanda huh! Maxine! Mag breakfast ka muna." kahit ano pang tawag ni yaya niya hindi na nakikinig si Maxine.
Umalis na ito papuntang school. Pagdating ni Maxine sa school, sinabihan niya ang guard na pakibantayan ang kotse niya at baka pagtripan na naman ng mga kaaway niya.
Naglakad siya papuntang classroom at meron siyang nakitang babae na kausap ni Michael. Tiningnan niya ito, ang ganda, mistisa, at ang tangkad pa. Nakita siya ni Michael kaya dumiretso na siya sa paglalakad. Iniisip niya na baka kasamahan lang niyang Professor 'yon.
Pagdating niya sa classroom, hindi pa rin nawala sa isip niya ang kanyang nakita. Pumasok na si Michael ngunit nag kunwari pa rin siyang walang nakita. Nag-umpisa nang magklase si Michael. Tulala si Maxine habang nakatingin siya sa Professor.
Napansin siya nito kaya tumalikod si Michael at palihim na ngumiti. Kinikilig siya kay Maxine, pero nang humarap siya natulog na si Maxine at nakapatong ang ulo nito sa arm chair. Napabuntong hininga si Michael at pinabayaan na lang niya ang dalaga.
Pagkatapos nang klase agad na dumiretso si Maxine sa parking area. Nakita siya ni Michael at tinawag siya nito pero hindi niya ito pinansin. Sumakay agad siya sa kanyang kotse.
"Maxine. . . Maxine. . .bakit mo ako iniwasan? kahapon ang sarap nang ngiti mo sa ‘kin tapos ngayon hindi mo na ako pinapansin? Maxine, ano ba itong nararamdaman ko sa ‘yo!" tanong ni Michael.
***
"No! No! Hindi puwede, first time kong ma-inlove at sa Professor ko pa! What the? No! No! No! Hindi puwede kailangan ko siyang iwasan! Simula bukas hindi na ako titingin sa kanyang mga mata. Pero paano ko siya iiwasan? bakit niya ako hinahabol? may kailangan ba siya sa ‘kin? Pero sino ang babaeng kasama niya kanina? bakit ang sarap-sarap nang ngiti niya kay Michael? Girlfriend niya ba 'yon? bakit ba ako nagka-interest sa kanila! Oh my god! Maxine! Maxine! Stop!" bulong ni Maxine sa kanyang sarili.
Pagdating niya sa bahay agad siyang umakyat sa kanyang kuwarto. Hindi niya nakita ang kanyang yaya na nakaupo sa sofa habang nanunood ng tv.
"Hey! Hey! Maxine! Maxine! bumalik ka dito. Anong problema mo? hindi mo ba ako nakikita? dinadaanan mo lang ako."
"Yaya huwag ka nang makulit. Gusto kong mapag-isa." pumasok si Maxine sa kanyang kuwarto at nag-lock ito nang pinto. Pinabayaan na lang siya nang kanyang yaya Carmen dahil may sumpong na naman ang kanyang alaga. Hindi makatulog si Maxine sa kakaisip kay Michael. Kaya naglalaro na lang siya nang mobile legends.
"Diyos ko po! Huwag naman ganito please. Tulungan mo naman akong pigilan ang nararamdaman ko kay Michael." Bulong niya sa kanyang sarili.