"Albert, okay lang ako, at hindi ako bored. Ayaw ko nang maingay at magulo. Gusto ko ganito, ako lang at walang iniisip." "Bakit naman? Hindi naman kami pabigat sa ‘yo. Tayong tatlo lang ni Fatima para may kaibigan ka naman dito sa school. Mag-isa ka lang kasi eh." sabi ni Albert pero hindi pa rin siya pinapansin ni Maxine. "Albert naaawa ka ba sa ‘kin dahil wala akong kaibigan? Mas kawawa ako kung magkaroon nga ako ng mga kaibigan pero hindi naman totoo sa akin. Kaya huwag ka nang makulit, masaya na ako kay mobile legends." seryosong sagot ni Maxine. *** Uwian na nang mga estudyante at malakas ang ulan sa labas. Hindi pa rin umuuwi si Maxine kasi naka-scooter lang siya. Nakita siya ni Michael pero hindi siya pinapansin nito. Dumiretso lang ito sa pag-drive nang kaniyang kotse. Nagtak