May kumatok sa pinto, ang akala nila ang kanilang secretary pero nagulat silang dalawa nang makita nila kung sino ang kanilang bisita. “Michael? Anong ginagawa mo rito? Pati ba naman dito natonton mo na rin? Puwede ba, tigilan mo na kami ni Matthew!” singhal ni Maxine. “Maxine, I'm sorry pero humihingi ako sa ‘yo ng isa pang pagkakataon para makasama ko kayo ng anak ko. Patawarin mo ako Maxine, gusto kong mag umpisa tayo ulit kasama ni Matthew.” nagpaalam na umalis si Albert para magkausap sila nang maayos. “Sir iwanan ko muna kayo. Maxine, makinig ka gawin mo ang tama.” paglabas ni Albert ay tumitig si Maxine kay Michael, at tumulo ang kaniyang mga luha. “Michael bakit mo ako iniwan? Hindi mo ba alam kung anong pinagdaanan ko noong nawala ka na lang ng walang paalam? Araw-araw at ga