“Buhay ka pa, pero muntik na akong mamatay sa pag aalala sa 'yo! Ikaw huh, huwag ka nang lumabas ng bahay! Mabuti na lang ang bait ng Professor mo!” Singhal ni Carmen. "Bakit kasi hindi mo ako kinuha doon? ‘Bat mo inutusan ang mokong na 'yon? Pahamak ka naman yaya eh.” “Umayos ka Maxine. Kung hindi dahil sa kanya hindi ka naka labas doon. Magpasalamat ka sa kanya.” “Tapos na yaya sobra sobra pa nga eh.” “Anong sobra Maxine huh? at saan na siya para ma pasalamatan ko?” tanong niya. “Kinuha niya po ang scooter ko yaya. Naiwan sa bar.” Mahinahong sabi nito. “Tingnan mo naman grabe ka Maxine. Nadamay siya sa katarantaduhan mo.” Wika ni Carmen. “Yaya shut up! Ang ingay mo eh, Nakakabingi ka na po yaya! bayad na siya sobra-sobra ang kinuha niyang bayad! kaya tumahimik ka na!” Saad ni Max