-BALANCE P.O.V-
Sumasakit ang ulo ko sa mga tauhan ko sa Airlines,maliliit lang na problema hindi pa nila masolusyunan.Pasalamat sila at mabait ako dahil kung hindi baka isa-isa ko silang sisantehin.Ang dami ko pang documents na pipirmahan,may flight pa ako mamayang 2pm dahil hindi makakapasok ang isa kong piloto due to his wife na naglalabor ngayon.Pinoproblema ko pa din ang paghihiring ng mga ilang staffs dahil madadagdagan na naman ang Airlines ko sa Zamboanga at kailan ko ng mga tao doon.
Ang mga trabaho na natambak ko noon ay binabawian ako ngayon,sa dami ng aasikasuhin ko ay hindi ako makakapunta sa hide out,magpapainom pa man din si Lu dahil may isang misyon sila na napagtagumpayan.Minsan lang manlibre yun tapos hindi pa ako makakapunta dahil sa mga tambak na trabaho na gagawin ko.Nakuha pa ni Lancellot na inggitin ako,bwisit talaga ang isang iyon,ang lakas ng loob mag pa easy easy samantalang marami din naman syang natambak a trabaho sa Office nya.Naaawa tuloy ako sa secretarya nya dahil sya nalang ang sumasalo sa dapat na trabaho ni Lancellot.
Nag unat ako ng ulunan ko at binuksan ko ang drawer ng lamesa ko para kunin ang sign pen ko ng umagaw sa pansin ko ang isang maliit na pulang box na nasa gilid ng drawer ko.Three weeks has passed simula ng muntik na akong malunod at maiwan sa akin ang kwintas na ito.Three weeks na din simula ng walang babaeng lumilitaw sa harapan ko para kunin ang kwintas na ito sa akin,hindi ko din nasunod ang naisip ko noon na si LAY ang pagsauliin ko ng kwintas na ito,may pakiramdam kasi ako na ayokong ibigay ito sa iba at dapat ang tunay na may ari nito ang kumuha sa akin na malabong hindi na magpakita dahil tatlong linggo na ito sa akin.
Kung Pagmamay ari nga ito ng isang Vitalis member ay dapat pinaghahanap na ito dahil tulad ng sinabi ni LAY na natatandaan ko ay importanteng heirloom ito sa Vitalis Royal Clan.
Bakit kasi tinatago ko pa ito?Dapat dito ay sinasauli ko na sa may ari.Nagresearch ako tungkol sa Vitalis Royal Clan na yan,Maharlika nga sila pero isang maliit na clan lang sila hindi tulad ng Pamilya ni LAY pero sa mga nabasa ko mukhang makapangyarihan sila at hindi sila pinakikielamanan ng Yvanov Family.Naghanapdin ako ng mga litrato ng Pamangkin at anak ni Count Rivielo pero wala man lang ako nakita,ang Social media talaga mag bibigay lang ng impormasyon kulang-kulang pa.
Kinuha ko na ang sign pen ko at sinarado ang drawer at nilock iyon.Hihintayin ko nalang na may maghanap noon at isasauli ko kaagad,ano ba kasing pumasok sa utak ko at tinago ko pa ito?
Hindi ko naman siguro tinago ito para makita ang babaeng nagligtas sa akin?Aish!Hindi kasi matahimik ang konsensya ko na dapat akong magpasalamat sa kanya ng personal,i awe my life to her.
Tumayo ako sa kinauupuan ako at sumilip sa bintana ng opisina ko,naiinis na ako minsan sa sarili ko.Bakit ba bigdeal sa akin na mapasalamatan ang babaeng nagligtas sa akin?
Aish!!
*Creak*
"Boss!Madedelay po ang flight nyo papuntang Bahrain."
Napalingon ako sa sekretarya kong kakapasok lang ng opisina ko.I assume na may problema kay madedelay ang flight ko.Problema na naman.
"Why?What happened?"
"Uhmmm. .kasi po nasira po ang engine ng eroplano na paliliparin nyo kaya inaayos pa po ng technician,ang problema po Boss mga nagagalit na po ang mga pasahero na may byaheng Bahrain.Gusto po nila kayong makausap." paliwanag ng sekretarya ko na mahihimigan ko ang kaba sa boses nya.
Damn it!Bakit ngayon pa nasira ang eroplano na yun?Pipilitin ko pa sanang tapusin lahat ng trabaho ko para makahabol sa hide out mamaya tapos may sasalubong na problema sa akin.
"Pakalmahin mo muna ang mga pasahero na nagrereklamo,susunod ako." utos ko sa kanya na agad nyang sinunod.Umalis agad sya sa opisina ko at bumalik naman ako sa pagkakaupo ko sa lamesa ko at hinilot ang sintido ko.Langya sasakit pa ata ang ulo ko sa mga problema ng Airlines ko eh.
*Tok tok tok*
Napalingon ako sa pintuan na dahan-dahang bumukas at sumilip doon ang isa pang maingay na babae na nakakarindi sa tenga ko.
"What do you need Ms. Navales?" irita kong tanong sa kanya na malawak na ikinangiti nyang pumasok sa office ko at agad umupo visitors chair na nasa harapan ko.
"Bad mood ka ata Kiosk ha?Kadarating ko lang eh naiirita ka na dyan." sabi nya na poker face na ikinatitig ko sa kanya
She's one of my new flight attendant na feeling close sa akin.Mag aapat na linggo na syang nagtatrabaho sa akin at masasabi kong maiirita ka sa ugali ng isang ito.Sya lang sa attendant ng Airlines ko ang malakas ang loob na pumasok sa opisina ko na akala mo eh matagal ko nang kaibigan.Sya lang din ang may lakas ng loob na tawagin ako sa epilido ko at wala man lang Boss o Sir.Isa pa napasok lang yan dito para bwisitin ako na hindi ko alam kung bakit naapektuhan naman ako sa pambubwisit nya.
I admit that she's f*cking beautiful but she's too much annoying.Walang araw na hindi nya sinisira ang araw ko,ako naman nagpapasira naman kaya mas naiinis ako sa sarili ko.
"What are you doing here Ms. Navales?Wala ka bang flight at pasok ka na naman ng pasok sa office ko?" sita ko sa kanya na ikinangiti nya lang.Langya isa pa yang ngiti na yan,ang lakas ng dating ng ngiti nya sa akin kahit naiinis ako.
"Sungit mo naman!Syempre meron kaya lang nadelay kasi may problema ata yung eroplano na sasakyan ko.Ang dami na ngang pasahero papuntang Bahrain ang nagrereklamo eh!Hinahanap ka." sabi nya sa akin
Oh!Great kasama ko pa ata sya sa flight ko.Kapag minamalas ka nga naman oh!
"Tss!Lumayas ka na nga sa opisina ko!Imbis na tumutulong ka sa pagpapaliwanag sa mga pasahero naandito ka at binubwisit ako.Isa pa,You should call me Boss because i am your Boss Ms.Navales!" seryosong sita ko sa kanya na assusual hindi nya sineryoso.
Kakaiba ang babaeng ito!
"Oo na po BOSS! Masama bang tingnan ka bago simulan ang araw ko." sabi nya na nakanguso pa sa akin and f*ck!Why do i find her cute while pouting on me.Sh*t!May problema na ata ang mata ko.
"Do you have a f*cking crush on me?" tanong ko na ikinatayo nya ng ayos
"Oi!Boss porket gusto kitang tingnan para masimulan ang araw ko eh gusto na kita, hindi ba pwedeng hindi lang nabubuo ang araw ko pag hindi kita binubwisit?Tsaka kung magkaka crush na ako kay Sir. Amadeus na,mabait na may sense pang kausap.Dyan ka na nga!" sabi nya bago naglakad palabas ng opisina ko
Bwisit na babaeng yun ang lakas talaga makasira ng araw.Tsaka bakit sa sinabi nyang mas gugustuhin nya pang kay Lancellot magka crush eh parang gusto kong puntahan si Lancellot at burahin ang mukha nya?
Aish!!Ang babae lang na yun ang nagpapawala ng pagiging kalmado ko eh!Sisantehin ko na kaya?
Padabog akong lumayas sa opisina ko dahil hindi ko naman kayang gawin ang iniisip ko at hindi ko alam kung bakit.
Naglalakad na ako papunta sa departure area para kausapin ang mga pasahero na nagrereklamo dahil sa flight nila ng madatnan ko sya na kumakausap dito na bahagya kong ikinahinto di kalayuan sa kanila.
"Sorry Ma'am,Sir for the delay of your flight in Bahrain,may kaunting techinal problems lang po na inaayos para masiguro ang kaligtasan nyo.Ayaw nyo naman po sigurong magcrash ang eroplanong sasakyan nyo diba?" nakangiti nyang sabi sa mga pasahero na mukhang naiintindihan naman nila maliban sa isang babaeng hindi ata tanggap ang paliwanag ni Ms.Navales.
"Im waiting here for almost three hours tapos hindi parin nagagawan ng paraan ang technical problem na yan?Kumikilos ba talaga kayo para ayusin ang problema o hindi?Ang alam ko ay maganda ang Airline na ito pero mukhang nagkamali ako." sabi nung babae na ikinasingkit ng mata ko.
Is she insulting my f*cking Airlines?
Lalapit na sana ako para kausapin ang mahaderang babaeng ito na nagpadagdag ng init ng ulo ko ng matigilan ako ng magsalita si Ms.Navales.
"Excuse me lang Miss ha!Unang una, waiting is worth of the time lalo na kung magiging ligtas ang byahe na sasakyan nyo.Pangalawa,we assured you na kumikilos ang staff namin para mapabilis ang pag aayos ng technical problem ng flight nyo at pangatlo,kung nadidissapoint ka sa Airline namin you are free to leave and find another Airlines na tatanggap sa ugali mo." mataray na sita nya sa babae na mukhang ikinaasar naman nito.
Isa pa sa problema ko sa babaeng ito,hindi lang mapang asar,matapang pa,akala mo eh amazona na susugod sa laban.Ilang beses na ba sya nagkaroon ng kasagutang pasahero dahil sa ugali nya.
"You---"
"Excuse me Miss.What is the problem here?" singit ko nang mabilis akong magpagitna sa kanila at harapin ang nagrereklamong pasahero ng Airline ko bago pa magkaroon ng rumble dito.
Natahimik naman ang babae at nakatitig lang sa akin.
"Hi!I'm Balance Kiosk owner of this Airline and the pilot of your flight from Bahrain.Is there any problem here?" kalmado kong tanong sa babae kahit naasar ako sa mga sinabi nya kanina.
Nilingon ko naman si Ms.Navales at poker face syang tingnan.
"What?"
"Move!Ako ng bahala dito!" sabi ko sa kanya at ang babaeng ito hindi man lang ako sinunod dahil humalukipkip lang sya at matapang akong tiningnan.
Tigas ng ulo!Hindi marunong makinig ng isang ito!
"Ms.Sariya Navales,i said Go!" ulit ko na pang asar na ikinangiti nya lang sa akin.
Bakit ba nagagandahan ako sa babaeng ito na walang ginawa kundi ang bwisitin at sirain ang mga araw ko.Wala na akong nagawa kundi ibaling ang tingin sa babaeng nagrereklamo na mukhang naka get over na sa pagkakatulala sa akin.
"H-hi!I'm Dorothy Figueroa." pagpapakilala nya sa akin sabay lahad ng kamay nya na tinanggap ko nalang.Narinig ko pa ang pagbulong nga babaeng amazona sa likuran ko.
"Hi!I'm Dorothy Figueroa!Psh,Ang arte mo girl.Flirt!"
Napapailing nalang ako sa babaeng ito.Bakit ba tinanggap ko sya sa Airlines ko?
"Im sorry for the delay of your flight!Don't worry maaayos na din namin ang problema.We assure you na makakarating kayo sa Bahrain ng ligtas." sabi ko sa kanya na ngiting ikinatango nya
"Yeah!Sure so ikaw pala ang pilot namin.Kung delayed pa ang flight namin can i invite you for coffee Mr.Pilot." malambing na pag aya nya sa akin na ikinangiti ko.
She's hitting on me because i am handsome.Sanay na ako,most of girls want to have me.
"Yeah su~~~~"
"HOY!IKAW NA MALANDI KA!KANINA NUNG NAGPAPALIWANAG AKO SAYO HINDI KA NAKIKINIG!!"
Naputol ang sasabihin ko ng nakita kong nasa unahan na si Ms.Navales at sinisita ang babaeng pasahero na nakasagutan nya na halatang nagulat sa inakto nito.
Amazona talaga kahit kailan!
"What are you saying?" sabi nung pasahero
"Ms.Navales stop it!" suway ko sa kanya na hindi naman nya pinansin.
"WHAT I AM SAYING?KANINA LANG KUNG MAKAANGAL KA WAGAS TAPOS NAKAHARAP MO LANG ANG LALAKING ITO NAWALA NA ANG NIREREKLAMO MO!GRABE KA DIN EH ANO!"
"Ms.Navales your getting the attention of other passengers here!" sita ko sa kanya na hindi parin nya pinakinggan.
"ANG LAKAS MO PANG AYAIN NG KAPE ANG BOSS KO SAMANTALANG AKO KAHIT MINSAN AY HINDI SYA ININVITE MAG KAPE KAHIT GUSTO KO!" sabi pa nya na bahagya kong ikinagulat dahil sa narinig ko sa kanya.
Did i heard it right?
Huminga ng malalim si Ms.Navales na parang kinakalma ang sarili bago lumapit pa ng bahagya sa babaeng pasahero.Hindi pa ba sya tapos?
"Huwag kang flirt Miss ha!Alam mo bang---WAAAHHH!ANO BA KIOSK IBABA MO KO!BAKIT BA NAMBUBUHAT KA DYAN!" sigaw nya na nakakuha ng atensyon ng mga tao sa airline ko ng buhatin ko sya na parang sako na ikinagulat ng mga pasaherong nasa harapan namin at ng babaeng nagrereklamo kanina.Nakalunok ata ito ng megaphone sa lakas ng boses eh!
"Shut up!" sita ko bago ngiting nilingon ang mga pasahero.
"Im sorry for her action.Just wait for the inconvinience of your flight.Good day!" sabi ko bago naglakad palayo buhat buhat ang maingay na babaeng ito.
"IBABA MO KO BAL!!ANO BA!!" sigaw pa nya at ng masiguro ko na malayo na kami sa mga tao ay padaskol ko syang ibinaba na muntik nya ng ikatumba na agad syang nakahawak sa pader at masama akong tiningnan.
"Hindi ka ba marunong magbaba ng dahan-dahan ha?" bulyaw nya sa akin na ikinasimangot ko.
"Sabi mo ibaba kita!Ngayong binaba kita nagrereklamo ka pa!" sita ko sa kanya
Hirap intindihin ng mga babae.
"Ewan ko sayo Bal!" sabi nya na kunot noong ikinatingin sa kanya
"What did you call me?Bal?"
"Oh bakit?Bal as in Balance pinaikli ko lang dahil ang weird ng pangalan mo.Reklamo ka pa dyan." sabi nya
Sino sya para tawagin ako sa pangalang maisip nya?Tsaka kasalanan ng magulang ko kung bakit Balance ang pangalan ko,isa pa pwede naman nya akong tawaging Lance ah. .Teka teka?Bakit nya ako tatawagin sa pangalan ko eh Boss nya ako!
"Stop calling me in other names.Call me Boss understand." sita ko sa kanya na ikinanguso na naman nya.
"Will you stop pouting Ms.Navales para kang bibe." dagdag na sita ko pa dahil iba ang dating sa akin ng ginagawa nyang pag pout.
"Problema mo sa pag nguso ko?Ngumuso ka din kung gusto mo."
Napapailing nalang talaga ako sa ugali ng babaeng ito.Iiwan ko na sana sya ng may maalala ako.
"Sandali lang Ms.Navales,totoo ba yung narinig ko sa sinabi mo na gusto mo akong ayain mag kape?" tanong ko sa kanya na bigla nyang ikinalaki ng mata at lumingon sa akin.
"A-anong sinasabi mo dyan?Ba-bakit naman kita aayaing magkape?"
"I heard you said that you can't invite me for coffee eventhough you want to ask me.Yun yung narinig ko sa sinabi mo kanina." sabi ko na bahagya nyang ikinaatras sa akin.
"Nabibingi ka na ata Boss.Wala akong sinasabi nuh!Tsaka kung mag aaya man ako para magkape si Sir.Amadeus nalang nuh!Dyan ka na nga!" sabi nya bago ako layasan habang naririnig ko pa ang sinasabi nya
"Kape!Wala naman akong sinasabi eh!"
Baliw na siguro ang babaeng yun.Ano bang meron kay Lancellot at bukang bibig ata ngayon ng babaeng yun?Pinapainit na naman ng babaeng yun ang ulo ko sa totoo lang!
Lance, bakit kasi di mo magawang sisantihin para mabawasan ang sakit sa ulo mo!
Badtrip!