-SARIYA P.O.V-
Ahhh!Sa wakas nakauwi din galing sa nakakapagod at nakaka stress na byahe.Mabuti nalang at walang hassle sa pag uwi ko,makakapag pahinga pa ako bukas dahil wala akong flight as in it's my day off!
Kadarating ko lang galing byaheng Bahrain at andito na ako sa tapat ng bahay namin ng mapahinto ako sa dapat na pagkatok ko ng maalala ko ang mga nangyari sa akin sa trabaho.
Bigla kasing pumasok sa utak ko yung lalaking yun.Ano bang problema nun at ganun ang ikinilos?Gosh!Maalala ko lang yung pagkakalapit namin ay nahihiya ako sa sarili ko dahil mukhang na provoke ko sya kanina pero infairness ha,gwapo na si Bal sa malayuan pero mas gwapo pala sya malapitan.
Sobrang kaba ang naramdaman ko kanina hindi ko nalang pinahalata.Hindi ko lang talaga maiwasang magpapansin sa lalaking yun though wala naman akong gusto sa kanya,crush oo pero hanggang dun lang, hanggat maaari pinagbabawalan ko ang sarili ko na mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya.Bakit?
Kasi kahit maganda ako,malabo namang mapansin ako ng lalaking yun,siguro yung nangyari sa eroplano ay dahil sa nainis na talaga sya sa akin,lagi ko kasi syang binubwisit kasi natutuwa ako pag nagkakasalubong ang mga kilay nya.
Tinatanong ko nga ang sarili ko kung bakit ako nag apply sa Kiosk International Airlines,sigurodahil i love traveling kahit ang balak ko nung una ay susubukan ko lang ang pagiging flight attendant kaya lang ng makilala ko sya nag enjoy narin ako kasi nga naging crush ko na sya.
Napabuntong hininga nalang ako sa sarili ko,dapat lagi kong paalalahanan ang sarili ko na hanggang paghangga lang ang dapat maramdaman ko sa kanya,hindi dahil ayaw ko kung hindi dahil magulo ang buhay ko at delikado.
"Sa tingin mo ba Sariya magbubukas ang pintuan kung tatayo ka lang dyan?"
Naputol ang pag iisip ko ng tumambad sa harapan ko si Aliyah na nakataas ang kilay at nakapamewang na sa harapan ko.Hindi ko napansin na nakabukas na pala ang pintuan at nasa harapan ko na sya,masyado atang nakuha ni Bal ang isip ko ngayon.
"Good evening Aliyah!" masayang bati ko sa kanya na ikinailing nya at pumasok sa loob kaya pumasok na din ako at pagkapasok ko sa bahay ay binagsak ko kaagad ang katawan ko sa sofa.
This is relaxing!!
"Mukhang nag eenjoy ka na sa trabahong hindi naman pang matagalan ah!" puna sa akin ni Aliyah na nakaupo na sa tapat ko at sinusuri ako na parang nanay ko.
"Common Ali,we talked about this,right?" sabi ko na ikinabuntong hininga nya
"I know Sari but look,hindi tayo pwedeng magtagal dito dahil baka malaman na nila na kung anong kalokohan ang ginawa natin.We need to go on London soon as possible." sabi nya sa akin na alam ko na nag aalala lang sya kung sakaling mabuko kami
"Ali,kalma ok!Hindi naman agad malalaman ni Theios(Uncle) na wala tayo sa London,magtanong man sya may nakausap na ako na mag aalibi para sa atin.Kaya relax and enjoy tsaka hindi rin naman tayo makakapunta sa London because we have to find something missing right?" paalala ko na bagsal balikat nyang ikinasandal sa inuupuan nya
"Isa pa yan Sari!I almost go live in that sea side para mahanap ang kwintas ko!Baka nga sa dagat ko mismo nahulog yun eh!Anong gagawin ko?Siguradong magagalit sa akin si Pateras(Father)pag nabuko na ang kalokohan natin at naiwala ko pa ang kwintas ko." malungkot na pahayag ng pinsan ko.
She lost her necklace just a few weeks ago,kung ilang linggo na kaming namamalagi dito ay sya din namang tagal na hindi namin mahanap ang kwintas nya.Hindi ko nga alam kung paano nya yun naiwala eh,basta nakita ko lang syang basang-basa at umiiyak dahil nawawala ang kwintas na pinahahalagahan ng pamilya namin.That necklace was a Vitalis heirloom at parehas kaming meron nun,nakatago nga lang ang akin dahil masyadong agaw atensyon yun at isa pa baka mawala din sa akin.
Kung naitatanong nyo kasi,we came from a Royal family sa Greece,My Theios the Pateras of Aliyah is a Count in Macedonia Greece.Kilala ang Vitalis Empire pero hindi tulad kung gaano kakilala ang Yvanov Royal Family.Ang necklace namin ay isang katibayan na miyembro kami ng Vitalis Clan at hindi dapat yun nawawala sa amin kaya nga hindi na magkanda ugaga si Ali sa paghahanap sa kwintas nya eh.
Ang sabi nya naman sa akin noon nung nakita ko syang basangbasa ay dahil may niligtas lang syang tao na nalaglag sa dagat and boom pag ahon nya at pagkapa sa leeg nya wala na ang kwintas nya kaya minsan naiisip nya na baka napigtas ito sa leeg nya at nahulog sa ilalim ng dagat,minsan nga gusto ko syang biruin na sisirin ang dagat para mahanap yun.Kaya lang wag nalang dahil baka itulak nya lang ako sa dagat hindi pa naman ako marunong lumangoy.
"Don't think too much Ali ok!Mahahanap din natin ang kwintas mo,day off ko naman bukas kaya matutulungan kita sa paghahanap nun.Sinisigurado ko sayo na mahahanap natin yun at makakapunta na tayo sa London bago pa malaman ni Theios ang ginawa natin." ngiting pag assure ko sa kanya na ikinangiti nya na.
Ang totoo kasi nyan eh,wala naman talaga dapat kami dito sa pilipinas eh!Sa London talaga kami pinapapunta ni Theios dahil kailangan naming mag aral ng etiquet and manners as a Princesses of Macedonia na wala naman akong interes.Pamangkin nya lang naman ako at si Aliyah talaga ang tagapagmana nya pero kailangan kong gawin ang tulad na ginagawa ni Aliyah dahil nga isa din akong Vitalis.
I don't care being a Vitalis,kung nabubuhay pa ang parents ko im sure nagagawa ko lahat ng naisin ko,no limitation and no rules pero dahil nga wala na sila at nasa poder ako ni Theios Riveilo ay kailangan kong sumunod sa mga gusto nya and honestly i hate it.Ayoko ng minamapula ang buhay ko kaya lang wala akong magagawa,wala kaming magagawa ni Aliyah.
"Efcharisto exadelfos!(Thank you,cousin)"
"Don't mention it!Were sisters right?Tulungan lang." sabi ko na ikinatayo nya sa pagkakaupo at umupong tumabi sa akin
"So,mukha ngang nag eenjoy ka sa trabaho mo bilang Flight attendant ah!"
"You know me Ali,i love traveling." sagot ko sa kanya
"I know but you told me na hindi mo yan seseryosohin but hindi yun ang nakikita at napapansin ko,parang masaya ka sa ginagawa mo ngayon,inspired pumasok.Don't tell me may napupusuan ka sa pinagtatrabahuan mo?" tanong nya sa akin na may paniningkit na mga mata na ikinatawa ko
Napupusuan?Baka Crush Oo,pero napupusuan?Malabo,bakit ko naman mapupusuan si Bal eh lagi namang parang aburido,kaya minsan hindi ko magawang maniwala sa mga kinukwento ng mga kasamahan kong attendant na mabait at laging kalmado ang lalaking yun dahil pagnakikita ko laging salubong ang kilay at nagsusungit.
"Nagugustuhan ko lang ang trabaho ko,tsaka dagdag income natin to nuh!Hindi tayo pwedeng gumastos gamit ang credit cards natin dahil mabilis tayong mabubuko ni Theios kaya kailangang magtrabaho." paliwanag ko.
Nakatingin lang si Ali sa akin na parang sinusukat ang mga sinabi ko.Wala naman talaga akong napupusuan eh,hinahangaan lang.
"Totoo ang sinasabi ko Ali,wala akong napupusuan sa pinagtatrabahuan ko." pangungumbinsi ko sa kanya.
"Dapat lang dahil hindi magugustuhan ni Pateras kung may magugustuhan kang taga dito,remember Sari nakalaan ka kay Morgan at pagbalik natin sa Greece ay itatakda na ang kasal nyo." paalala nya sa akin na ikinatahimik ko.
Kaya nga ayokong minamapula ang buhay ko eh,kasi pati karapatan ko sila na din ang humahawak.Pati kung sino ang dapat kong mahalin ay sila ang nagdedesisyon.Sino bang gustong makasal sa taong hindi mo naman mahal?Hindi sa ayaw ko kay Morgan,ayoko lang makasal sa lalaking hindi ko pa naman nakikilala at wala naman akong nararamdaman.
Kinausap ko na tungkol dyan si Theios kaya lang napagalitan lang ako.Kaming dalawa ni Ali ay may nakatakda ng lalaki na pakakasalan,ayaw man namin pero wala kaming magagawa kundi ang sumunod lang.
Buhay nga naman!Bakit kasi ako iniwan nina Mitera(Mother) at Pateras!Kung naandito sila hindi nila ako hahayaang maikasal ng dahil lang sa Empire Phyramid.
"Wag mo na nga ka isipin ang sinabi ko,pahinga ka na may misyon pa tayo bukas." sabi nya sa akin bago ako halikan sa noo at umakyat papunta sa kwarto nya.
Napasandal naman ako sa inuupuan ko at napaisip sa sinabi ni Ali.
Ayokong makasal talaga sa lalaking hindi ko naman mahal.Kung tatalikuran ko ang Vitalis clan at hahayaan ang sarili kong mahulog sa ibang lalaki na hindi kasali sa Empire Phyramid ay tiyak akong mapapahamak ang lalaking mamahalin ko.
Bigla naman pumasok sa isip ko si Bal?Bakit naman naisip ko ang lalaking yun?Hindi naman sya yung lalaking tinutukoy ko na magugustuhan ko ah?
Aish!!Ano ba itong pinag iisip ko!
Sariya,i-remind mo sa sarili mo na paghanga lang ang nararamdaman mo kay Bal,wag mong pansinin ang kasiyang nararamdaman mo pag naasar mo sya o pag nakikita mo sya.Alalahanin mo na hindi ka dapat mahulog sa kanya dahil pagnagkataon mapapahamak lang sya.Ayoko naman syang iwasan dahil hindi buo ang araw ko na hindi sya binubwisit.
Nakakaloka!!!Paghanga pa ba itong nararamdaman ko kasi kung hindi kailangan kong pigilan!!!
Tatayo na sana ako ng tumunog ang phone ko na ikinakunot ng noo ko?Sino naman ang tatawag sa akin ng ganitong oras?Imposible namang si Gemiah dahil laging umaga syang nagrereport sa akin.
Mabilis kong kinuha ang phone ko at mas lalong nagtaka dahil unregistered number naman ang tumatawag sa akin.
Sino ito?Hindi naman ako sumasagot ng tawag lalo na at hindi ko kilala.Inignore ko lang ang tawag at nagsimulang umakyat sa kwarto ko para makapagpahinga at ng makapasok na ako ay binagsak ko ang sarili ko sa aking malambot na kama.
"Ang sarap matulog!" ngiting bulaslas ko ng magbeep ang phone ko na agad ko namang chineck at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko at pag upo ko sa kama ko ng mabasa ko ang message na natanggap ko.
from: 092787********
Why didn't you pick up your phone?
It's me Balance,your Boss!
What the f!?!
Paano nalaman ni Bal ang phone number ko?Oh great!Employees files,pero bakit kukunin ni Bal ang number ko?I don't get it!
Me:
Unregistered number duh!
Hawak ko lang ang phone ko at inaantay ang reply nya.Anong pumasok sa utak ng lalaking yun at kinuha ang number ko?Nang mag beep ulit ang phone ko ay agad kong binuksan ang message nya.
Hindi ako excited ha!Curious lang!
Him:
Good!Don't answer any calls if it's unregistered.
Napaarko ang kilay ko sa message nya.Anong ibig nyang sabihin dun?Humiga ako sa kama ko habang nagrereply sa kanya.Nawiwili ata akong katxt ang lalaking ito.
Me:
Yeah!That's why i ignore yours.
"Ano kayang nangyari sa lalaking ito at minemessage ako ngayon?"
Sa ilang linggong nagtatrabaho ako sa Airlines nya bakit ngayon lang nya naisipang kunin ang contact ko sa files ko?Teka?Bakit ba masama sa loob ko na ngayon nya lang pinagkaabalahang kunin ang number ko.Weird?
Nawala ang pag iisip ko ng mag beep ulit ang phone ko at dali-dali ko itong binuksan.
Ali❤❤
Hey!Take a rest and turn off your lights woman.
Kaloka akala ko si Bal na ang nagreply!Bakit hindi na nagreply ang lalaking yun?Hindi sa inaantay ko ang reply nya ha,curious lang.
Nang wala paring reply ang lalaking yun ay bumangon ako sa pagkakahiga ko at nagpalit na ng pantulog sa closet ko,nagtoothbrush at pinatay na ang ilaw bago bumalik sa kama ko.Inayos ko na ang sarili ko para matulog ng marinig ko ang pag beep ng phone ko.
Si Ali ulit siguro yan,iche-check siguro kung magpapahinga na ako.Kinuha ko ang phone ko at binasa ang text nya at ganun nalang ang pagtigil ng pintig ng puso ko sa message na nabasa ko.
Him:
Then save my number para naman alam mong ako ang tumatawag sayo.Anyway,nasa tapat pala ako ng bahay mo,Nice house!
Nanlalaking mata na napabangon ako sa pagkakahiga ko at tinitigang mabuti ang text nya.
Seryoso ba sya?Nasa tapat sya ng bahay ko?
Mabilis akong tumayo sa kama ko at agad pumunta may bintana at hinawi ang kurtina ko para alamin kung totoo ang sinabi nya at ganun nalang ang gulat ko ng makita ko syang nakasandal sa Red mustang nya at hawak-hawak ang phone.
Sh*t!Anong ginagawa nya sa tapat ng bahay ko at paano nya nalaman kung saan ako nakatira?
Agad akong nagtype ng message sa phone ko.
Me:
How did you freakin know my house?
Sinend ko ang message ko at nilingon syang muli mula sa bintana.I saw him tapping his phone while smile is plastered in his lips.Oh great!Ang gwapo nya sa pag ngiti nyang yun!Naputol ang pagtitig ko sa kanya ng magbeep ang phone ko.
Him:
I followed you so i can make sure na makakauwi ka ng safe.
What?He followed me to make sure my safetiness?Is he for real?Why?Bakit nya gagawin yun?
Magrereply na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko na ikinagitla ko dahil tumatawag lang naman sya.
Geez!Bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko?It's just him whose calling!!Argghh!!Yeah right it was just only him!!
I try to compose myself bago sinagot ang tawag nya at dahan-dahang inilagay sa tenga ko ang phone ko.Bakit ba ako biglang kinabahan?
(Hey!Ms.Navales.)
"A-are you a stalker?"
(Ang gwapo ko namang stalker kung ganun.)
Edi sya na ang gwapo,iaangal ko pa ba yun eh obvious naman!
"Bakit mo naman ako sinundan pauwi ha?" mabilis na tanong ko sa kanya.
(I don't know.)
What the?Anong sagot yun?Hindi nya alam?
"Nangtitrip ka ba ha?Gabing-gabi na nakuha mo pang tumambay dyan sa harapan ng bahay ko!Umuwi ka na nga, ang creepy mo!" sabi ko sa kanya na ikinasilip ko sa bintana at tiningnan sya mula doon.
(Creepy?Am i that creepy?)
Tanong nya na ikinakunot ng noo ko.Ano bang trip ng lalaking ito.
"Alam mo Mr.Kio----"
(Don't call me in a formal way Sariya,just call me Bal as you always calling me.)
Napatahimik ako sa sinabi nya lalo na ng marinig kong binanggit nya ang pangalan ko.
Damn!Ganito din ang naramdaman ko ng una nyang tinawag ang pangalan ko doon sa eksena namin sa eroplano.
"A-ano bang trip mo?" tanong ko sa kanya
(I told you i don't know. .pero sa tingin ko nagugustuhan na kita.)
Sabi nya na gulat kong ikinatingin sa pwesto at ganun nalang ang pagbilis ng puso ko ng makita kong nakatingin sya dereksyon ko.
Did he saw me?
And why the h*ck he tells me that he might like me?Seryoso ba sya sa sinasabi nya?Did he confess what he's feeling for me right now?Bakit pakiramdam ko,nag init ang mukha ko sa sinabi nya.
"Y-you what?"
(Nothing.Take a rest,i'll go now.See you tomorrow!)
Te-teka!Parang may mali sa sinabi nya ah!
"Hoy!Anong see you tomorrow?Excuse me Bal rest day ko kaya bukas!" sita ko sa kanya.
(Rest day?)
"Yeah!Rest day as in pahinga ko bukas kaya bakit may pa see you,see you ka pa dyan."
(Is that so?Then im gladly say to you that you have a flight tomorrow.So take a rest and good night!)
"WHAT?!SERYOSO KA BA?BAL IT'S MY FREAKING DAY OFF AND I HAVE A DATE TOMORROW!" bulyaw ko sa kanya sa kabilang linya.
Anong problema ng lalaking ito at pinapapasok nya ako bukas?
(Im serious Ms.Navales and no date for you tomorrow.Pag hindi ka pumasok bukas i'll fired you.)
Sabi nya na may seryosong boses at bago ako makasagot ay pinatayan nya na ako.Hindi makapaniwalang nakatingin lang ako sa screen ng phone ko at agad lumingon sa bintana at makita ang sasakyan ng lalaking yun na umaandar na paalis.
Seryoso ba talaga sya?Day off ko bukas eh!!!
Naiinis na binato ko ang phone ko sa kama at pabagsak na umupo doon.Hindi ako makapaniwala na papapasukin ako ng lalaking yun gayong sinabi ko na day off ko bukas!May lakad kami ni Ali tapos papaasukin nya ako?Naiinis na nagpapadyak ako sa sahig ko dahil sa kalokohan ng lalaking yun.
Naku talaga Bal!!!Babaliin ko ang leeg mo pag nagkita tayo bukas swear!!!!
Ako lang dapat ang nangbubwisit sa kanya eh bakit nakikigaya sya!Anong naisip nun at binubwisit ako ngayon.
Ahhhh!Hindi ko na sya crush!Hindi na talaga!!!