-SARIYA P.O.V- Gaano ba talaga kaliit ang mundo at ang mga hindi mo inaasahang makita ay bigla nalang susulpot sa harapan mo? Hindi ko alam ang dapat kong ikilos sa harapan nya lalo na at sinabi nyang pamilyar ako sa kanya.Hindi ko akalain na sa dami ng pwedeng maging kaibigan ni Bal ay kasama doon si Prince Leighton! Makilala kaya ako ng Prinsipe kahit may kaunting pagbabago sa ayos ko?Sana naman hindi dahil sa tuwing may gathering ang mga mahaharlikang pamilya sa Greece ay isang beses lang kami nagkita.Yun yung nagkausap ang Pamilya Vitalis at Pamilya Yvanov.Pag nakilala nya ako malalaman ni Bal ang totoo kong pagkatao at im sure na magagalit sya sa akin dahil nagsinungaling ako sa kanya. Na ang isang mahirap at ordinaryong Flight attendant ay Maharlika pala. Nakatingin lang sa akin