-SARIYA P.O.V- Matapos ang tagpo namin ni Bal ay inalalayan ako nina Morgan at Ali na makapasok sa loob ng bahay,pilit akong pinapangiti ni Ali pero sa tuwing naiisip ko ang galit ni mata ni Bal,kung paano nya bitawan ang mga salitang nagpasakit sa puso ko ay hindi ko maiwasang hindi na naman mapaluha. Ganito pala kasakit ang pag-ibig,akala ko sa mga napapanood ko lang makikita ito pero iba pala pag naranasan mo na lalo na at mahal na mahal mo ang isang tao. Akala ko madali akong maiintindihan ni Bal pero nagkamali ako.May trust issue na sya pero ang ginawa ko ay sinira ko ang tiwalang iyon.Baka pag pinuntahan ko sya at subuking magpaliwanag ay baka lalo nya akong ipagtabuyan.Ayoko nang marinig ulit ang huling sinabi nya bago sya umalis kanina na walang emosyon akong naramdaman,kahit an