Chapter 25

1314 Words
I woke up feeling light today, I was still in the sofa this is where I usually sleep. Ayoko naman yung literal na para akong kaluluwa na tagus-tagusan sa pader. I think that would really scare me also. Kaya napag-desisyonan ko na dito nalang matulog sa sala. Pagka-gising ko Drake has already taken a bath, naka-gayak na din sya at mukang pupunta sya ngayon ng opisina. He smiled at me when he saw me. “Anong oras na? ang aga mo naman nakagayak? Papasok ka ba ngayon?” tanong ko sa kanya habang nag iinat-inat pa. “It’s already 8 in the morning princess, kaya tumayo ka na jan dahil pupunta tayo ngayon sa opisina.” Sagot nya sa akin habang nag-aayos ng polo na suot nya. He is now looking far away from the man who wears wayfearers and kaki shorts, he is now looking like the CEO of their company, though he really is the CEO. “Ahh, kumain ka na ba? Sorry tinanghali ako ng gising ha? Kanina ka paba naka gayak? Bakit di mo ako ginising agad.” Sabi ko sa kanya habang nagsusuklay ng buhok gamit ang mga daliri ko. “Bakit pa kita gigisingin eh hindi mo naman kailangang gumayak?” May point nga naman sya, wala naman akong gagawin, hindi naman ako kakain, hindi mag-totoothbrush at hindi maliligo. “Sabi ko nga, pupunta k aba ngayon sa kompanya mo?” tanong ko sa kanya. He started packing the foods that he bought from the groceries yesterday. “Oo pero sandal lang ako don, kailangan ko langn din kasi ipaalam sa board na nakabalik na ako. And plano ko sanang libutin ngayon si Mang Cando para ibigay tong mga binili natin kahapon,” he said while putting all the foods in the eco-bags. “I am sure Mang Cando will be really delighted, pero baka hindi nya din tanggapin yang mga yan. Nakakatuwa sya hano? Naalala mo ba si Ate Elsia? Para syang si Mang Cando.” Naka-ngiti na sabi ko sa kanya. “tikman mo to oh, masarap to! Alam mo babe suking-suki ako ni ate Elsia kase sya ang reyna ng kwek-kwek dito sa UP.” Sabi ni Drake sa akin habang inaabot sa akin yung kwek-kwek. Matagal ko nang naririnig tong kwek-kwek na to pero hindi ko naiisipan na itry, siguro dahil wala akong time para lumabas at bumili or talagang dahil nawiwirdohan ako sa kulay nito. “Okay okay, wag mo na akong subuan! Nakaka-hiya kay ate baka isipin napaka-kerengkeng kong babae. Ako naaa!” sabi k okay Drake habang pinipilit na agawin sa kanya yung stick ng kwek-kwek. I took a bite and realize that it was actually good! And mind you! Yung 20 pesos mo makakabili na ng 6 pieces na kwek-kwek how affordable diba? “Babe dahan-dahan lang, hindi ka paba busog? Pang 120 pesos mo na yan babe,” awat sa akin ni Drake. I didn’t mind him, I really liked kwek-kwek! Isasama ko na to sa listahan ng mga paborito kong pagkain. One day I’ll probably ask Nana Gina to cook one for me. After another row of kwek-kwek my mouth and  stomach was already full. I asked for the s**o and realize that it is also good! 15 pesos lang yon! Hay napaka mura pala talaga ng pagkain dito sa labas. I should try to eat often outside the campus Malaki din ang matitipid ko. Pwede ko na ding ipang-dagdag  yung matitipid ko sa mga savings ko. “Okay na ako babe, busog na ako,” naka-ngiti kong sabi kay Drake. “Ate Elsia magkano po yung nakuha namin?” tanong ni Drake sa tindera.  Nag-compute compute naman si Ate Elsia sa calculator nya bago tumingin kay Drake, “Drake na 320 kayo, ang daming nakain nitong nobya mo, ay kay ganda at kay sexing babae pero ga ang lakas kumain? Mabuti ga at hindi ka nataba ineng?” nakangiting sabi sa akin ni Ate Elsia Napa-kamot nalang bigla si Drake ng ulo nung tumingin sya sa wallet nya. “Nako ate, wala po pala akong dala na cash, pano ba yan? Okay lang po ba na magwithdraw muna ako? Aalis na din po ba kayo?” tanong ni Drake kay Ate Elsia kasi mag-gagabi na nga naman at mukhang uulan pa. “Ay ayos lang ga sa susunod na pagkikita nalangnatin ka magbayad iho, ay wag ka na gang tumakbo pa ay iiwanan mo ga itong iyong nobya? Ay baka mapano ito dine, ay kaganda pa naman nire, ako naman ay patpatin laang na babae, ay hindi ko maipagtatanggol ang iyong nobya,” naka-ngiti na sabi ni Ate Elsia kay Drake. Nagsimula na syang magligpit ng gamit dahil mukhang uulan na nga talaga, nung tinignan ko yung lalagyanan ni Ate Elsia ng pinagbilhan nya napansin ko na halos wala pa iyon sa 500, kaonti lang siguro ang naging benta nila ngayong maghapon, kaonti lang din kasi ang estudyante dahil sa isang lingo palang mag uumpisa yung enrollment. I checked my wallet hoping that I have some cash para maipangbayad namin kay ate sadly, wala din akong cash. Hindi na kasi ako sana nang nagdadala ng cold cash I usually use my cards whenever I have to pay. “Pero ate pano po ito? Ang dami po  namin nabili,” sabi ni Drake kay Ate Elsia. Ngumiti lang si Ate at saka ipinagpatuloy yung pag-liligpit nya. “Ano kaba iho, maliit na pera lamang yung nakuha ninyo ikumpara mo naman sa lagi mong hindi pagkuha ng sukli sa akin, ay kulang pa iyang nakain ninyo ng nobya mo para ako ay makabayad sa iyo.” Sabi ulit ni Ate. Nung makatapos syang magligpit pinabaunan nya pa ako ng kwek-kwek na huli nyang iniluto. “Iha ay pagtyagaan mo itong makulit na batang are ha? Ay napaka bait ga nito kahit pa pipilyo pilyo! Ay sana ay wag mong pagsawaan kay ganda mo pa naman. Ay paano? Mauna na ga ako sa inyo at ako’y hinihintay na ng aking asawa diyan sa kanto,” sabi ni Ate Elsia sa amin habang naka ngiti. “Ate babayaran ko nalang ho bukas, kahit doblehin ko po pasensya na po sa abala naming, nakakahiya po sa inyo,” kakamot kamot sa ulo na sabi ulit ni Drake. “Ay hindi na ga? Ang kulit mo talagang bata ka, ay hayaan mo naman ga akong makapag-balik ng utang na loob ay ayoko ga ng napaka-dami kong utang na loob ay hindi ga ako sanay? At isa pa ay kulang pa ga iyang kwek-kwek na nakain ninyo ng gelpren mo sa ibinayad mo ga sa ospital nong nasagasaan ga iyong bunso ko, kung pwede lang ga na araw araw kitang ipagluluto ay gagawin ko, para lang makabayad ako ng utang na loob sa iyo” naiiyak na sabi ni Ate Elsia. May mga tao pala talaga na hindi sanay sa puro pabor na ibinibigay sa kanila, mga tao na marunongn magpahalaga at tumanaw ng utang na loob, mga tao na hindi mananamantala sa kabaitan ng kapwa. That day I saw another part of Drake that I have never seen before. His care and compassion towards others. I smiled as I reminisce that day during our college days. Drake also smiled. “Oo nga eh sapalagay ko din, isa pang ate Elsia si Mang Cando. Magaan din talaga yung loob ko sa kanya eh sana kahit papano mapilit ko sya.” He said while smiling. Drake didn’t changed a bit, kung ano sya noong naghiwalay kami noon mukang na-maintain nya pa din. He is still kind and caring specially to those people who are in need. You don’t have to have all the riches in the world for you to help, all you need is a willing heart. Just like Drake’s.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD