Chapter 23

1258 Words
Drake decided to stop by the groceries before heading home. It was already 6 in the evening when we arrived at Glorietta.  “Ubos na ba yung mga stocks mo sa condo?” I asked him because I notice that today was just Saturday usually kasi Sunday of the third week on the month sya nag gogroceries. “Meron pa naman pero I am planning to give this to Mang Cando. Pasasalamat at saka kaonting regalo lang naman ito para doon sa matanda.” Nakangiti na sabi nya habang kumukuha ng cart. I smiled at him and gave him a nod. Drake was busy getting noodles and coffee when I saw a man looking at him. He looked familiar to me siguro nakita ko sya somewhere. I just shrugged and continue walking. After half an hour he decided to go back to the condo. Pagdating naming sa condo inabutan naming si Damon sa labas. He was holding a cigarette and leaning on the veranda. He immediately throw the cigarette at the bin when he saw Drake approaching him. “Pare gabi na ah? Miss mo na ko agad? Kaka-kita lang natin kanina at magkikita naman tayo bukas ng maga. Baka mainlove ka sakin nyan?” biro ni Drake sa kanya at saka nagbukas ng pintuan. “Pasok pare,” sabi nya kay Damon na dumerecho naman agad sa kitchen. Naghalughog agad sya sa kitchen at sa ref at nag-simulang maghanap ng pwedeng lutuin. “Dude, anong problema?” tanong ni Drake sa kanya. “It was negative.” Damon answered shortly. He was still busy finding something when Drake stopped him. “What do you mean its negative?” Drake asked Damon. Damon seriously looked at Drake and heaved a sigh. “Pare negative yung test. Hindi katawan ni Avie yung nakalibing sa puntod na yon. Tama ka pare. Malaki yung chance na buhay pa si Avie.” Damon answered to him. Drake doesn’t looked surprised, alam nya naman na hindi ko talaga katawan yong nakalibing sa puntod na yon. “Sabi ko naman sa inyo pare, nararamdaman ko na buhay pa talaga si Kiesha,” sabi ni Drake kay Damon sabay awat sa kanya sa paghahanap pa din ng ingredients. Hindi ko alam pero something is wrong with Damon, para syang balisa. Ganyan naman sya pag nagpupunta sa condo ni Drake, talagang kusina ang una nyang pinupuntahan pero ngayon parang nalilito sya sa kung ano yung gagawin nya. “Something’s bothering him.” I told Drake. He looked at me then at Damon. “Pare may problema ba?” tanong ni Drake kay Damon. Damon just sit down and face palm. “Pare yung bangkay na natagpuan, anak ni Mang Ernesto. Nag-match yung DNA niya sa DNA ni Mang Ernesto. This case is different pare, I’m really worried about Avie,” Damon said to Drake. I can see that he’s really scared of the situation, bihirang bihira kong makitang ganito si Damon. “Pare panong nangyari na anak ni Mang Ernesto yung bangkay ng babae na natagpuan sa sasakyan? Panong nangyari yun?” tanong ni Drake kay Damon. “Hindi ko rin alam pare, pero pinadala ko na sa laboratory ni Caleb yung mga DNA samples, gusto kong makasigurado pa din tayo. We cant trust anyone at this point. Pero nakuha ko na yung information ng babae. Siya si Angelica De Leon, panganay na anak ni Mang Ernesto at nagtatrabaho sa isang BPO company sa Taguig. Dawalang araw na syang nawawala bago pa nangyari yung aksidente,” sabi ni Damon kay Drake habang iniaabot ang picture ng anak ni Mang Ernesto. Napatutop nalang ako ng bibig ko. Ibig-sabihin nung araw na dapat ay ihahatid ako ni Mang Ernesto, nawawala na yung anak nya pero pinilit nya padin akong ihatid. Oh God! I couldn’t help but cover my mouth. Ayoko nang umiyak. Tama na. Ibig bang sabihin dalawa ang nawalan ng buhay sa pamilya ni Mang Ernesto dahil sa akin? Nanglalambot akong napa-upo sa mga narinig ko. Drake looked at me with so much concern in his eyes, I want to tell him that I was fine but I just can’t. Hindi ako ayos, hindi ayos na may mga buhay na nasakripisyo para sa akin. Bakit ba kailangang mangyari ng lahat ng to? Minsan naiisip ko na sana pinatay nalang ako, yung kahit wala na akong chance na mabuhay wag lang yung ganito. Wag lang yung may ibang nagsasakripisyo para sa akin kasi sobrang bigat sa puso. Nagi-guilty ako at nasasaktan ako para sa kanila at para sa mga pamilya nila. Hindi dapat nasasayng sa isang tulad ko lang yung mga buhay nila. Kahit pa sabihin na matalino ako na mayaman na maganda o kahit ano pa, hindi magiging sapat lahat ng yon para sa buhay na nawala ng dahil sa akin. “Pare pupunta din yung tropa dito mamaya, para pag-usapan kung ano yung pwede nating gawin,” mahinahon na sabi ni Damon kay Drake. Drake was now furious, makikita mo talaga sa mukha nya yung galit at poot na nararamdaman nya. “Pare nakikiusap ako sa inyo pare, tulungan nyo ko. Buhay ni Akiesha ang nakasalalay dito. Hindi natin alam kung nasaan na sya o kung ano naba yung ginagawa sa kanya ng hayop na kumuha sa kanya pare para kong mababaliw pag-naiisip ko kung ano yung pwede nyang gawin kay Akiesha,” frustrated na pakiusap ni Drake kay Damon habang sumusuntok ng malakas sa pader. Naka-tatlong suntok ata sya sa pader bago sya tuluyang huminto. Dumudugo na ngayon yung mga kamao nya pero parang wala lang sa pakiramdam nya. Damon just looked at him and didn’t even tried to stop him. I was crying when he looked at me. “Stop please Drake, stop.” Pakiusap ko sa kanya habang umiiyak. Nahimasmasan naman sya at tumigil sa akma nyang pagsuntok ulit sa pader. I hate to see him like this. Ayoko ng makita ulit yung Drake na ganito. Kasi noon, may pwede sana akong gawin para pigilan sya, para tulungan sya at para patigilin sya pero hindi ko ginawa. Kasi galit ako, pero ngayon kahit anong gusto ko na pigilan sya at pakiusapan sya na tama na, hindi ko pa din magagawa dahil sa sitwasyon ko. Drake now look like a lost puppy, namumula sya at nakatingin lang sa akin. Damon was also just looking at him. He is not saying anything. Gusto ko sanang batukan si damon kasi bakit hindi manlang nya pigilan tong kaibigan nya sa pagwawala. Pero yeah hindi ko kaya. I was still crying when I get up my chair and walked towards Drake. “It’s okay Drake, eto lang ako. Nakikita mo pa naman ako hindi ba? Hanggang nakikita mo pa ako ibig-sabihin ligtas pa ako. At saka di baa ng sabi naman ni Mama Eya I still have until the next full moon? We’ll figure this out okay? Andito lang ako, nandito pa ako kaya sigurado kang okay pa ako.” I said as I touched his face. I was shocked because when I touched his face, I felt his skin! Hindi ko alam kung naramdaman nya din ba pero ako naramdaman ko yung balat nya! I tried doing it again pero hindi ko na naulit. I don’t know if it was just a hallucination of mine or talagang I was able to touched him. Drake calmly looked at me and tap his head probably trying to calm himself. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD