Chapter 20

1490 Words
Wala pang 10 minutes narating na namin yung bahay ni Mang Cando, pinaka dulo pala dito sa barangay nila itong bahay ni Mang Cando.  Tumingin ako sa paligid at walang  nakitang kapitbahay man lang kahit isa. “Tao po?” tawag ni Drake mula sa labas. Pinagtagpi tagpi na lona at mga sako ang bahay ni Mang Cando, walang kahit anong kongkreto sa bahay nya. “Tao po? Mang Cando?” tanong ulit ni Drake. Damon lit up a cigarette while waiting, on the other hand Wayne was busy again playing on his phone. Drake was about to call again when an old man suddenly appeared. “Ano ho ang kailangan ninyo?” tanong ng matanda sa tatlong lalaking kasama ko. “Mang Cando mga kaibigan ho kami  ni Tata Selo, may itatanong lang ho sana kami,” sagot naman ni Drake sa matanda. Pagkasabi ni Drake ng pangalang Tata Selo ay agad din silang pinapasok ni Mang Cando. Naglabas ng mga upuan ang matanda at saka pinunasan ang mga upuan bago nya iginiya ang mga bisita nya para umupo. “Ano ho ba ang maipaglilingkod ko sa inyo mga ser?” tanong ng matanda habang nagpupunas ng kanyang pawis. I noticed that he was fixing something at the back of his house, kaya siguro hindi nya kami napagbuksan ng maayos. Mang Cando looked like a kind man, pagtinignan mo sya ang aliwalas ng mukha nya kahit pa parang hirap na hirap sya sa buhay. “Mang Cando may itatanong lang po sana kami sa inyo nung minsan ho nag nagtinda kayo ng balut sa tapat po ng amerigas,” sabi naman ni Wayne. “Sige ho, ano ho ba ang itatanong ho ninyo? Halos mag-iisang lingo na din ho nang huli ho akong magtinda ng balot sa madaling araw, neto hong mga naka lipas na araw ay nagtbabakal bote ho muna ako dahil mahirap na ho magtinda sa medaling araw, ay nakakatulugan ko ang mga paninda ko dahil na rin siguro sa katandaan.” Sagot ng matanda at saka tumayo. “Ano ho ba ang maari kong mai-alok ho sa inyo? Gusto ho ba ninyo ng kape?” tanong ni Mang Cando dito sa tatlo nagtinginan sila at saka nagsitango. Naglabas ng apat na tasa si Mang Cando at saka nag-umpisang magtimpla ng kape. Yung kitchen nya andito lang din sa gilid nya kaya nakikita naming sya habang nagtitimpla sya ng kape. “Ahm Mang Cando noong huling pagtitinda nyo ho ba ng balot ay may napansin po ba kayong pulang kotse na nagdaan sa amerigas?” tanong ni Wayne kay Mang Cando. Napaisip naman ang matanda habang naghahalo ng kape. “ pula ho na kotse ser? Teka ho at iisipin ko ho. Matagal na din ho kasi ng huli akong nagtinda ng balot doon ho sa amerigas at ako nga ho ay nananakawan at ako’y nakakatulog,” sagot naman ni Mang Cando kay Wayne. Nung natapos ng magtimpla ng kape si Mang Cando isa-isa nyang inabot yung mga tasa sa mga bisita nya. “Mang Cando yung pulang kotse ho na---” may sasabihin pa sana si Wayne nung biglang nagsalita si Mang Cando. “Ay oo! Ser may nakita nga ako noon na pulang kotse ay naalala ko nga na kay gara ng kotseng inyo at noon ko lang nakita nga ang ganoong kotse na nagdaan dito sa gawi naming dahil medyo liblib nga ho itong aming lugar, ay oho naalala ko na iyong pulang kotse ho na may korona ho sa likod baa ng sinasabi ninyo?” tanong ni Mang Cando sa kanila. Tumingin naman sa akin si Drake, “Yeah that’s definitely my car.” I confirmed to Drake. “Napansin nyo po ba yung mga sakay? Mga anong oras po kaya nagdaan yung pulang kotse Mang Cando?” tanong naman ni Drake sa matanda. Napaisip naman ulit si Mang Cando, “Mga alas kuwatro y medya ho siguro ser, o baka ho mga por terti, sa pagkakatanda ko ho ay may apat na sakay iyong kotse kasi ho may driver at saka yong katabi nya at nong makalagpas ho sila ay may dalawang tao po ho ako na naaninagang sakay ho noong kotse.” Napatingin naman sina Drake, Damon at Wayne sa isa’t isa. “Mang Cando namukhaan ninyo ho ba yung driver noong sasakyan?” tanong naman ulit ni Drake sa matanda. “hindi ko ho masyadong namukhaan ser yung mukha po nung driver e pero sa palagay ko ho ser, babae ho yung nagdadrive ng sasakyan. Kasi ho mahaba ho ang buhok noong drayber.” Sagot ulit ni Mang Cando na syang nagpalito sa aming apat. May itatanong pa sana si Drake kay Mang Cando ng biglang mag ring ang cellphone ni Drake. He excused himself and answered the call. “Mang Cando pano nyo po nasabi na babae ho yung driver?” tanong naman ulit ni Damon kay Mang Cando. “Ulit ulit Damon? Sinabi na nga na mahaba ang buhok?” sabi naman sa kanya ni Wayne. Sinimangutan lang sya ni Damon at saka inirapan. Hahahaha these guys are really funny. “Bakit? Hindi kaba aware na may mga lalaking mahaba ang buhok? At isa pa ikaw ba si Mang Cando? Bat ikaw ang sumasagot? Ang epal mo!” sagot naman ni Damon kay Wayne. Napatawa nalang ako at ganon din si Mang Cando sa kanilang dalawa. “Eh Ser kaya ko ho kasi nakitang babae ho yung driver eh nilingon ho ako, ay kay gandang babae pa nga ho!” sabi naman ni Mang Cando. Bigla tuloy akong kinilabutan. Babae ang nagddrive ng sasakyan ko? Nagkatinginan sina Damon at Wayne at sabay na naglabas ng cellphone. “Eto ho bang babaeng ito ang nagda-drive ng sasakyan Mang Cando?” tanong ni Damon kay Mang Cando habang ipinapakita ang picture ko sa matanda.   Tinitigan nyang mabuti ang picture ko at saka nag-isip. “Hindi ko ho kayang siguruhin ser pero kahawig nitong babaeng to, hindi ko lang ho masigurado kung sya nga ba ho ang drayber noong kotse pero kahawigan nga ho nitong babaeng ito, ay kagandang babae ho ser hano? Nobya ho ga ninyo iyang babae?” tanong ni Mang Cando kay Damon. Damon just laughed and pointed his finger to Wayne. “That’s his girlfriend Mang Cando, not mine.” Sagot naman ni Damon kay Mang Cando. Agad naman syang binatukan ni Wayne. “Siraulo ka talaga gusto mo talagang mawalan ako ng investor sa agency?!” singhal ni Wayne kay Damon. Nagtatalo pa silang dalawa nung dumating si Drake na mukhang balisa. “Mang Cando magpapaalam na po sana kami, may importante po kasi akong kailangan na asikasuhin maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa amin,” magalang na sabi ni Drake kay Mang Cando. “Dude may problema ba?” tanong ni Wayne kay Drake. “Oo pare, si Nana Gina nasa ospital e, inatake.” Sagot ni Drake saka malungkot na tumingin sa akin. “Paano po Mang Cando? Babalik nalang ho kami bukas, may mga itatanong pa po kasi sana kami sa inyo, pero nagmamadali po kasi itong kasama naming. Sana po tanggapin nyo po itong kaunting pasasalamat namin sa masarap po ninyong kape,” sabi ni Damon kay Mang Cando habang nagaabot ng tatlong libo kay Mang Cando. “Ay nako ser, hindi ho ako tumatanggap ng bayad ser sa pag-asiste ko ho ng bisita,” nahihiyang tanggi naman ni Mang Cando kay Damon. Ngumiti lang si Damon at saka pilit na iniabot sa matanda ang tatlong libong piso. “Mang Cando, hindi po ito bayad ng pag-asiste ng bisita, bayad po ito ng napaka sarap po ninyong kape, dadalaw po ulit kami bukas sa inyo sana po pagkapehin po ninyo kami ulit,” nakangiti na sagot ni Damon kay Mang Cando. “Ay napaka dami naman po nito ser para po sa tatlong tasang kape ho na itinimpla ko sa inyo, ni wala nga ho iyong coffeemate, naku ser salamat nalang ho pero huwag na po, maari po kayong dumalaw dito sa akin ano mang oras po ninyo gustohin,”  sagot naman ni Mang Cando na ayaw pa din tanggapin ang pera. Tama nga yung pagkakatingin ko kay Mang Cando, mabuti nga syang tao katulad nni Mang Ernesto hindi mapanlamang at mapagsamantala. “Basta ho Mang Cando, tanggapin niyo na po ito, isipin nyo nalang po na hulog to ng langit at isa pa, napaka sarap po talaga ng kape nyo, kung sa five star hotel po kami nagkape baka kulang pa itong tatlong libong to, pero hindi po mapapantayan dun yung timple nyo. Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa amin.” Sabi ni Damon kay Mang Cando at saka nagpasya na silang umalis. Kumaway pa at ngumiti sa kanila si Mang Cando bago kami umalis. Nung magawi ang tingin ko sa kanya ay nakangiti pa din syang kumakaway sa mga bago nyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD