Chapter 40

1822 Words
Tahimik kaming lahat habang nakatingin sa monitor kung saan sinusubukan ni Chase na i-hack or maka-connect sa satellite para makita yung nangyare kagabi kay Mang Cando, kinailangan na sa satellite pa kumonnect dahil walang cctv footage na pwedeng maukha don sa area dahil nagkaron ng power interruption sa lugar na yon kagabi. “This is insane.” Sabi ni Damon habang naka-kuyom. “Yeah it is. Hindi basta lang nagkaroon ng power interruption kagabi. Sinadya na mawalan ng power supply.” Sagot naman ni Wayne. “ Boss D, yung bulaklak na ipinakain don sa biktima mukha pong isinupalpal pa sa matanda dahil halos hindi po nalusak yong mga bulaklak, eto po yung picture nung bulaklak na nakuha sa katawan.” Sabi ni Alexis kay Damon at saka ipinakita yung picture nung bulaklak kanila Damon. And just as we expected it is a cypress flower katulad nung bulaklak na nakita nila noon sa libing ko kuno. It was pure red, and pagtitignan mo talaga yung picture hindi sya mukhang nanguya, it looked like it was shoved through his mouth which is very heart breaking for me. Hindi ko mapigilan isipin kung gaanong hirap ang maaring pinagdaanan ni Mang Cando ng dahil sa akin, gusto kong humingi ngn tawad sa kanya pero hindi ko alam kasi pakiramdam ko kahit pa hindi ako yung mismong gumawa ng mga yon sa kanya parang andon din ako. Alam mo ba yung tipong hindi ikaw ang kumalabit ng gatilyo pero ikaw ang may hawak ng baril? Parang ganon yung pakiramdam ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ako yung may gawa nun sa kanya pero alam ko din sa sarili ko na kung hindi dahil sa akin hindi sana nya yon aabutin. Iniwas ko nalang yung tingin ko sa mga pictures na ipinakita ni Alexis. “Bingo!” sigaw ni Chase na biglang naka kuha ng attention naming lahat. Ngiting tagumpay sya, pero kami naman naka abang pa din sa screen na puro numbers lang ang lumalabas. “Nasan na?” tanong ni Axel na para bang inip na inip na sya. Ganon din actually ang nasa isip ko, kasi wala naman kaming ibang nakikita sa screen kung hindi puro numbers. “Easy my friend, patience is virtue.” Sabi ni Chase at saka tumayo para pumunta sa kitchen. Ang tagal nya din na naka harap sa computer more than hours bago nya na sabi yong bingo nya, ang sabi ni Drake sakin isa si Chase sa mga web masters na meron lang apat sa buong mundo. He said that Chase was actually a genius. Chase has always been like that even when we were kids, lagi lang syang nasa isang tabi naglalaro ng phone or nagkakalikot sa mga gadgets. Yung mga ibang pinsan nga naming iniisip na abnormal sya or introvert. Lagi syang nabubully nong mga kuya nya dahil nga ganon sya, pero never ko nakitang nagalit o gumanti sa kanila si Chase. Sa tuwing binubully or inaasar sya palagi lang syang lumalayo sa kanila at nananahimik sa isang tabi. Kaya din siguro nagulat ako sa kung ano sya ngayon, sobrang tagal na din naming hindi nagkita. Sa pagkaka alam ko kasi umalis si Chase sa kanila nung nag 18 years old na sya, tapos hindi na sya madalas na nagpapakita sa mga family gatherings. Sa pagkaka alam ko kaya sya umalis sa kanila kasi pinipilit sya ng daddy nya na ma take ng political science, gusto kasi ni Tito Carlos na katulad nya maging politico din sila Chase , Carlson at Chester, wala syang naging problema kay Carlson at Chester pero si Chase na bunso ang hindi nya napa-sunod. Sa pagkaka alam ko din ang isa pang dahilan ng pag alis ni Chase sa kanila ay dahil kay Jandra, yung asawa ni Chester na dating girlfriend ni Chase. Pag-balik ni Chase may dala na syang cup noodles at saka dalawang tinapay. Sakto din naman na pagbalik nya nagsimulang magstart yung video. “Told you.” Sabi ni Chase sa kanila at saka prenteng naupo ulit sa upuan nya. Nagsimula yung video ng mga bandang alas dyis ng gabi makikita pa yung mga sasakyan nilang lima don sa gilid ng kalsada malapit kanila Mang Cando. May mga ilan na nagdadaanan sa lugar hanggang nag alas dose ng madaling araw, lumabas silang lima sa kalsada at pumasok na sa kani-kanilang sasakyan. Ilang minute lang isa isa na silang nagsi-alis. Makalipas lang ang 5 minuto nung pag alis nila Drake sa bahay ni Mang Cando nawalan na ng power. Napasuntok si Damon sa lamesa. “f**k it, inantay lang tayong umalis.” Nang gigil na sabi nya. Dumilim bigla sa lugar, nawala yung mga ilaw sa mga bahay pati na rin sa mga poste. “Hindi mo ba kayang ienhance yan?” tanong Drake kay Chase. Instead of answering Chase only gave him a shrug, tinignan sya ng masama ni Drake pero nginisihan lang sya ni Chase. “Do it and we’re quits.” Sabi lang ni Damon kay Chase. Mabilis naman na nagpipindot si Chase at saka nag eencode nung ilang minute lang medyo may naaaninag na kami. Hindi Ganon kalinaw at kaliwanag pero maaaninag na yung lugar. “Sagad na ba yan?” tanong naman ni Wayne na parang naiinis na. So far, mula nung nakakasama ko silang sila (of course without the four of them knowing that I was actually there) parang nawala yung cool nila dito sa nangyari kay Mang Cando, talagang itinuring syang kaibigan nitong lima, and I guess yung urge nila na mahanap yung gumawa nito ay hindi lang para magkaron ng lead sa kaso ko kung hindi para mabigyan din ng hustisya yung nangyari kay Mang Cando. Sa kanilang lima sina Wayne at Damon ang pinaka apektado, kasi sila yung nakahanap don sa matanda. Yung team nina Wayne at Damon ang nag imbestiga sa kung sino ang tao na pwedeng nakakita don sa sasakyan ko. “I am a genius dude, but I am no genie.” Sabi ni Chase kay Wayne. Ilang minute pa yung lumipas habang nanonood kami nung biglang may naaninag kami na pumasok sa bahay nung matanda. “I-slow mo Chase balik mo ng 23 seconds,” sabi ni Damon. “Dyan okay play mo na.” sabi ulit nito kay Chase. It seems like Chase was quick to understand Damon, nung pina-playback ni Damon kay Chase may mga pinindot pa sya na ilang codes and all at saka medyo mas luminaw yung video. “Huli ka boy.” Sabi ni Wayne nung makita naming ang isang lalaki na pumasok sa bahay ni Mang Cando. Naka itim sya ng t-shirt at pantalon, naka cap din ng itim at saka naka-suot ng face mask. “Kaya mo bang kuhanin pa yung nasa loob?” tanong ni Damon. Nag type ulit si chase sa isang bar at saka nag encode pero umiling na ito. “Hindi na kaya Damon, yung isang footage nay an nakuha ko yan sa cctv dalawang bahay ang layo kay Mang Cando, walang kuryente at swerte lang tayo na may back-up memory yung cctv at night vision. Nahirapan na akong pasukin yang cctv nay an, buti lang sa nagamit ko yung access sa satellite pero pare wala nakong ibang mahanap bukod don sa isang cctv na yon,” bigo na sabi ni Chase sa kanila. Pare-parehas kaming napa hilamos ng palad sa mukha at napabuntong hininga. Para kaming mga sinisilihan sa upuan namin habang hinihintay naming na lumabas yung lalake. Naka pangalumbaba si Damon sa table, habang si Drake naman ay mataman pa din na nanonood, lumabas naman sina Caleb, Axel at Wayne para mag sigarilyo. Ilang minute pa yung lumipas nung pasado alas 3 ng madaling araw nung nakita naming na lumalabas na yung lalaki. Naglakad sya lagpas doon sa poste ng cctv kaya nawala sya sa monitor naming bigla, mabilils naman na kumilos si Chase para i-zoom out yung video coverage na galling sa satellite. Ilang minute lang dalawang kanto matapos yung kanto sa papunta kay Mang Cando may isang kotse na lumabas. Matulin ang takbo nito kahit pa wala naman ng masyadong sasakyan sa lugar. “That’s him,” mabilis na sabi ni Drake. Agad naman na humanap si Chase ng Cctv or kahit na anong video device na maaring makatulong para makita yung sasakyan. Sinubaybayan niya yung sasakyan hanggang sa makarating sa highway, pagdating sa highway medyo bumagal ang takbo nito. “walang cctv sa area na to.” Nanlulumo na sabi ni Chase sa kanila. Napahilamos nalang ng palad sa mukha nya si Damon sa sobrang frustration. Tinabig nya din yung stack ng mga papel at ballpen sa harap nya sa sobrang inis. “May kotse sa likuran nya. Kita yung markings ng plaka di ba? Kaya mo bang pasukin? Panigurado may front or dash cam yan na pwede nating pakinabangan,” sabi ni Drake kay  Chase. Wala namang sinayang na oras si Chase at ginawa ang sinabi ni Drake. Ilang minute lang ang monitor nan mg front cam ng sasakyan yung nakikita namin. Sa kasamaang palad, walang plaka yung kotseng sakay nya. Napahampas nalang sa keyboard si Chase sa sobrang gigil. “f**k this. Pinapahirapan ako nitong masyado.” Asar na asar na sabi nya. Pinause muna ni Chase yung footage at saka nagdesisyon na lumabas. Sobrang nakaka frustrate yung nangyayari talagang pinaghandaan. Ibig sabihin ba may mga tao talagang sobrang pinaghahandaan lahat para lang pumatay? Parang walang mahanap na kahit anong bakas ng pagkatao ng gumawa nito. Para syang anino o hangin na basta nalang dumating at nawala. Lumabas silang lahat pero naiwan kami ni Drake dito sa control room. “Parang wala pag-asa na makita natin kung sino yung taong to Drake,” malungkot na sabi ko sa kanya. “Sobrang pinaghandaan nya to. Tulad nung ginawa nya saken.” Naiiyak na sabi ko sa kanya. “Walang plano na walang butas Kiesha, lahat meron ang kailangan lang mahanap natin kungn nasan yung butas na yon.” Sabi ni Drake sa akin. Napa hinga nalang ako ng malalim at napatitig sa monitor. Wala sa sarili akong nag-hahanap ng kahit anong pwedeng makatulong na bagay samin nung mahagip ng mata ko yung reflection sa salamin nung sasakyan sa gilid nya. A.S.D.T That’s it!A.S.D.T! Thas is his loop hole!  “I knew it!” masayang sabi ko. “Ano yon Kiesh? May nakita kaba?” tanong sa akin ni Drake na parang nabuhay bigla yung dugo nya sa pagkaka-sigaw ko. Mabilis akong tumayo at itinuro yung reflection sa salamin nung nakita kong acronyms. Medyo maliit yung reflection pero mababasa naman yung mga letters, I mean visible naman sila. Drake proudly smiled at me. “I told you Kiesh, may butas din to.” Naka-ngiti nyang sabi sa akin. “Magaling kasi akong maghanap ng butas eh diba? Mula noon hanggang ngayon.” Biro ko kay Drake para pagaanin ng kaonti ang sitwasyon namin  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD