PROLOGUE

3059 Words
  Khatalina, where are you?     I was dazzled by the light from the screen of my phone reading Kimberly's text message. My room is still dark as the light from my phone is the only source of luminance.   I was about to throw my phone under my pillow but then I feel a vibration from it. So, I had to open my phone again and fight against the blinding brightness of my phone.   Khatalina, wake up!   "Oh, gosh," I uttered as I pull my leg to support myself to sit on my bed.   My phone then vibrates once again but this time, it was long.   "Gising na," I said as I answer her call.   "Bakit hindi ka nagrereply?! Hay nako, maghanda kana at marami kang aasikasuhin ngayon!" sigaw sa akin ni Kimberly.   Napataas naman ang kilay ko saka bumangon na at inayos ang kama ko.   "Ang aga-aga highblood kana," turan ko saka naglakad palabas ng kuwarto ko.   Madilim rin sa sala kaya naman agad akong dumiretso sa switch ng ilaw para buksan ito. Wala pa rin iyong roommate ko, kailan kaya uuwi iyon?   "Basta kumilos kana," sagot naman ni Kimberly at ibinaba na ang tawag.   Napatawa naman ako nang bahagya saka kumuha ng itlog sa refrigerator para magprito nito bilang almusal. Mabuti na lang at may natira pa akong kanin kagabi, puwede kong isangag.   "Okay lang 'yan, prutina," saad ko nang may makita aking egg shell sa itlog na ngayon ay binabati ko na.   Nakakatamad naman kasi damputin pa.   Napadako naman ang mata ko sa wall clock habang humihikab.     3:30 A. M     "Oh, sh*t!" sigaw ko at nagmamadaling iprinito iyong itlog at saka isinabay ko nalang iyong kanin sa itlog para isahang subo nalang ako.   Napatakbo naman ako pabalik sa kuwarto ko para kumuha ng maisusuot ko pang-alis. Ikinuha ko nalang iyong navy-blue coat ko kasama ng kapares nitong pencil-cut skirt at isang blusa na kulay puti na mayroong disenyo ng mga bulaklak. Mabilis ko itong ihinagis sa kama saka tumakbo papunta sa kusina para patayin iyong kalan dahil baka masunog iyong niluluto ko. Nang mailagay ko na sa lamesa ang pagkain ko ay agad ko nang kinain iyong sangag na may itlog.   "Ang init!!!" sigaw ko nang mapaso ang dila ko pero hindi nako nag inarte pa at itiniis ko nalang ang pagkapaso ng dila ko saka inubos ang pagkain.   Nang maisubo ko na lahat ng pagkain ay hinugasan ko na kaagad ang nga plato at mga kubyertos na pinagkaininan ko kasabay ng pagnguya ko.   Argh, paniguradong sasakit tagiliran ko nito katatakbo.   Nang matapos ako maghugas saka ako dumiretso sa banyo para maligo na at binalikan pa ang damit ko sa kuwarto para sa banyo na ako magbihis.   I didn't know how I manage to do all of that under 30 minutes as I have 5 minutes more to drive from my apartment to my office. Agad na akong sumakay ng sasakyan.   Good thing, napilit ko sila mama at papa na bumili ako ng sasakyan. My car is a black Nissan Almera. It was cheap so I get to convinced them na mababawi ko rin iyong pera na ipangbibili ko once na lumago na ang studio ko.   My parents stayed in Cebu, which is where I grew up because they have to look after my two younger siblings. I wonder if they miss me though.   Napatingin ako sa window ng sasakyan ko nang makarinig ng katok mula sa labas. It was Kimberly.   Agad ko nang kinuha iyong handbag ko saka bumaba ng sasakyan. Mabilis lang akong nakarating sa office dahil maaga pa at wala pang gaanong sasakyan sa kalsada.   "Wow, hindi ka naligo, ano?" natatawang saad ni Kimberly kasabay ng mahinhin niyang pagtawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin saka naglakad na papunta sa office.   "Good morning, Ma'am," bati sa akin ng guard kaya naman nginitian ko siya.   "Tahimik ah?" utal ko nang mapansing busy iyong mga empleyado ko sa kani-kanilang trabaho.   "Kahiya nga sa boss namin, late," naiiling na sabi ni Kimberly.   Muli ko siyang sinamaan ng tingin at inambaan. Napatawa lang siya nang mahina saka na kami pumasok sa office.   My eyes automatically darted on the pile of papers sitting on my desk.   "Wow, kasing taas ng building natin ah?" saad ko saka hinubad iyong coat ko at naupo sa swivel chair ko.   Dumiretso naman si Kimberly sa desk niya na narito lang din sa loob ng office ko. Binili ko lang kasi itong building na ito at walang gaanong office room maliban sa office ko. Iyong mga empleyado naman ay nasa production floor.   Napatahimik naman na kami at agad nang sinimulan ang kani-kaniyang trabaho.       Dear Khatalina Zyliania Maia,   This letter is in response to your May 3rd, 20** business proposition.   Even though you submitted a well-crafted business proposal for the upcoming event in July, we regret to inform you that your proposal was not accepted.   The contract was awarded to Mercopolo Media because they made a superior price in addition to providing to service the machines for free.   We appreciate your desire to collaborate with us. You can still submit a proposal for the next event the following year.   Please contact us if you require any additional information about this project.   Regards, Joey Kim Group C. E. O. ACG Agency     I bit my lips as I closed the email and open another one from another agency that I have submitted a proposal to three days ago.     Dear Ms. Maia,   I'm writing to express my gratitude for your interest in collaborating with us. Our board of directors, however, rejected your idea.   A close examination of our terms and conditions revealed that the deal may not be cost-effective for our organization, and we may suffer losses. We wish you success in your business and look forward to working with you in the future.   Please contact my office for more information if you have any questions.   Once again, we appreciate your interest in collaborating with us.   Sincerely, Kian Gregory Managing director SEAMLESS     “Not cost-effective my ass,” I uttered between my sigh as I shut my laptop close.   “You okay?” tanong ni Kimberly.   “Yeah, another rejection,” I answered as I lean on my swivel chair and press my index finger against my temple.   “Oh, I’m sorry...” she said looking at me in empathy.   I then bit my tongue as I recognize that look from her whenever we were rejected by our proponents.   The moment I started this company, I know it would be hard for me as I am still young and will be looked at as an inexperienced businesswoman. It’s been a year since I started this business, luckily, it is stable and has a good net income but I know we can’t stay like this forever. We have to come up with a better strategy to get to the top just like the CLAW, my admired studio which is in top agencies in the country.   “Ehem, Ma’am?”   Napatingin akong muli kay Kimberly. Hindi ko napansing nawala na pala sa kaniya ang atensyon ko. I just really don’t want to see her looking at me like that. I want my employees to be happy and not looking so down. I hate it when someone looks at me as if I can’t do anything better.   “Mr. Trinidad offered a meeting tomorrow. Would you be fine with that?” my secretary asked smiling.   Napangiti rin naman ako sa kaniya at masayang tumango-tango. Maybe Mr. Trinidad wants to know me personally? That's a great way that I can propose to him. Napatawa lang naman si Kimberly nang makita iyong reaksyon ko.   Kimberly is a decade older than me and since we are still a small business, she’s the only one who advises me.   Agad ko nang hinarap ang mga paperworks na dapat kong matapos ngayon para maaga akong matapos at makauwi nang maaga.   Napatingin naman ako sa pinto nang makarinig ng katok mula rito.   "Come in," saad ko.   Bumukas naman ang pinto saka sumilip si Nathan.   "Ma'am, may nagpadala po sa inyo nito," sabi niya saka pumasok na may dala-dalang bulaklak.   Napakunot naman ang noo ko sa nakita. Ganoon din si Kimberly na nakangisi at nakataas ang kilay na nakatingin kay Nathan.   "Kanino galing?" tanong ko sa kaniya.   "Uhm... wala pong n-nakalagay..." saad niya saka napahawak sa batok niya.   I then lean on my chair as I look at him looking at the walls with his cheeks blushing.   Nathan is wearing a dark green long sleeve paired with black slacks. What he's wearing is way different than what he usually wears, I wonder what's with him.   "Pakilapag nalang diyan sa lamesa, thank you," saad ko sa kaniya saka umayos na ng upo para bumalik sa ginagawa ko kanina.   "Uhm... Ma'am?" saad niyang muli.   "Hmm?"   "5 minutes nalang po at breaktime na--"   "You can now take your break if tapos mo na gawain mo," pagputol ko sa sinasabi niya.   "Eh kayo po?" tanong pa niya.   Napahinto naman ako sa pagpirma ng mga papeles at napatingin sa kaniya nang nakakunot ang noo.   "Anong ako?"   Napakamot naman siya sa ulo niya saka napaiwas ng tingin sa akin.   Ano bang problema nito?   "Kayo po ba, Ma'am? Tapos na po ba k-kayo sa ginagawa niyo?" tanong niya saka tumingin sa akin at napakagat ng labi niya na para bang nahihiya sa sinabi niya.   "Hmm... Meron pa. Marami pa akong gaga--"   "Ma'am Khatalina, I can help you with that later. Mag-break po muna kayo," nakangiting sabi ni Kimberly na ikinataas ng kilay ko dahil sa kakaibang ngiti ni Kimberly.   "Hindi pa ako gutom," seryosong saad ko naman sa kaniya dahilan para itaas ni Kimberly iyong dalawa niyang kamay na para bang surrender na siya.   Nilingon ko naman si Nathan at nginitian siya nang marahan.   "Mauna na kayo. Don't worry, hindi pa naman ako gutom," sabi ko sa kaniya at nginitian siya.   He then smiled awkwardly and walk out of the room.   "Napakasama ng ugali mo," sabi ni Kimberly saka napahalakhak pa.   "I'm not interested, okay?" I said as I did not bother to look at the flowers and continue with my work.   Mabilis lang natapos ang mga gawain namin saka hinatid ko na pauwi si Kimberly sa bahay niya dahil gabi narin kami natapos.   I then parked my car at the parking lot and went straight to my unit. Agad kong inihagis ang katawan ko sa kama at agad nang nakatulog dala ng pagod nang maghapong pagtatrabaho at pag-aaral.     3:00 A. M.     I hurriedly got off my bed as I heard my alarm to prepare for my food to go to school.   Napagdesisyonan kong magluto nalang ng sinangag at itlog bilang almusal saka agad na dumiretso sa banyo para maghanda sa school.   I bit my lips as I feel like I was about to yawn.   “I only have four hours of sleep. Maaga ata akong mamamatay nito,” biro ko sa sarili ko saka sinampal nang marahan ang pisngi para tuluyang magising.   I can’t be sleepy. I have a lot of things to do in school and mayroon pa akong meeting with Mister Trinidad after class.   I chose this, I can’t complain. Khatalina, magbubunga rin lahat ng pagsasakripisyo at paghihirap mo...   Napatingin naman ako sa phone ko nang mayroong notification na lumabas.     Reporting in Science Presentation of project Meeting with Integrity Club...     It was my to-do list for today. I then sighed at the sight of an endless list. Agad kong ipinalis sa isipan ang nagbabadyang panghihina ng loob ko saka tuluyan nang naghanda para pumasok sa school.   Agad din naman akong nakarating nang school saka agad na dumiretso sa library.   “Good morning po, Kuya Rolando!” masiglang bati ko sa guard ng building.   “Good morning rin, Khatalina! Aba, ang aga-aga pupunta kana ng library?” tanong naman niya.   “Ahh opo. Hihiram lang po ako ng libro na puwedeng basahin pampalipas oras ko po sa room,” sagot ko sa kaniya saka nagpaalam na pupunta na ako sa library.   “Khatalina!”   Napatakbo naman ako nang mabilis nang marinigbang pamilyar na boses na iyon. Dumiretso ako sa pinskadulo at pinakamadilim na parte ng library para taguan si Sasha.   “Khatalina naman eh! Inagahan ko na ngang pumasok tapos tataguan mo parin ako? Babayaran naman kita eh! Sige na, please?!” rinig kong bulalas ni Sasha na mukhang nakaoasok na sa library.   Mabuti na lamang ay wala iyong striktong librarian pa ngayon kundi ay pareho pa kaming mapagagalitan ni Sasha.   “C’mon, sigurado namang easy lang sa iyo na gawan ako ng research. Maawa ka naman sa akin oh! Babagsak na ako this school year if hindi pa ako makakapagpasa ng research ko...”   Napairap naman ako sa narinig. Delikado na pala siya, ayaw pa niyang magseryoso sa pag-aaral. Ako ito ngayong iistorbohin niya. Tsk. Narinig ko ang palapit na yabag niya kaya naman dahan-dahan akong naglakad papunta sa kasalungat na puwesto nang pupuntahan niya.   “Para namang wala tayong pinagsamahan, Khatalina”   Napahinto naman ako sa narinig kasabay ng pagkuyom ng mga palad ko saka naglakad papunta sa direksiyon niya. She was looking at me as if nothing happened. As if everything is normal. As if she just doesn't talk to me whenever she needs something from me.  As if we were still friends. I guess we were never friends. Hindi niya naman ako itrinato bilang kaibigan eh.   “Mayroon ba?” seryosong tanong ko sa kaniya saka naglakad palabas ng library.   “Oh, kala ko kukuha ka ng libro—”   Hindi na natuloy ni Kuya Rolando ang sasabihin niya nang tumakbo na ako palayo ng building papunta sa building ng classroom namin.    Just like how my day always is, the day went by me doing all my tasks together with my responsibilities in some clubs that I belong in.   “Mamayang 1 o’clock pa iyong meeting mo with Mister Trinidad,” paalala ni Kimberly na nakaupo sa swivel chair ko.   “Can you describe to me what he looks like?” pakisuyo ko sa kaniya habang binubutones ko iyong blouse ko.   Agad na akong dumiretso rito sa office galing school at dito na ako nagbihis sa office ko.   “Hmm, he looks like he's in the mid-20s but he is actually 43 years old. I wonder what is his skincare—I mean, nice physique, moreno, at around 5”9 iyong height niya,” natatawang saad niya.   Tinignan ko naman siya nang hindi makapaniwala at nangingiting umiiling-iling.   “What? Age doesn’t matter!” depensa niya.   “Wala ba iyong asawa?” tanong ko na sinagot niya naman nang malawak na ngiti kaya naman muli akong napailing saka inaua na siyang pumunta sa meeting place namin ni Mister Trinidad.   Mabilis na kaming nakapunta sa restaurant na sinabi ni Mr. Trinidad. Isa itong Japanese type restaurant kung saan wala itong lamesa gaya ng mga nakasanayangnrestaurant dahil per room ito at sa mga unan nauupo na nakalapag sa sahig.   Sinabihan ako ni Kimberly na sa may lobby siya maghihintay sa akin dahil sa request ni Mr. Trinidad na ako lang ang makausap. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.   Nanlaki naman ang mata ko nang pagpasok konsa kuwarto ay nakita ko na si Mister Trinidad na nakaupo na at naghihintay sa akin.   “G-good afternoon, Mr. Trinidad,” bati ko sa kaniya at agad na tumingin sa wrist watch ko.     12:07 P. M.     Nagtataka man ay pinigilan ko nalang ang pagkunot ng noo ko.   “Sorry, have you been waiting for so long?” I asked as I handed him my hand for a handshake as he just looks at me seriously and said that I should sit.   “You’re late”   Sinunod ko naman siya saka humingi ng paumanhin kahit hindi naman talaga ako late. Lalo lang lumakas ang kabog ng puso ko dahil seryoso lang siyang nakatingin sa akin.   “Uhm, shall we start?” nakangiti at magalang na tanong ko sa kaniya.   Humalukipkip naman siya at tinitigan ako nang maigi.   “Isang taon pa lang iyong Ethereal, am I right?”   “Yes, Mr. Trinidad. In fact, I reach out to you as I—”   “You’re being ambitious,” he said cutting me off as he taps his pen on the table as if he was bored.   “Yes, Mister Trinidad,” I responded smiling at him.   He then stopped tapping his pen on the table and looks at me as if a new head just pop out of my face.   “Isn’t it what all successful business started with? With their ambitions?” pahabol ko pa at muli siyang nginitian kahit pa sobra-sobra na ang bilis ng t***k ng puso ko.   “Hah...” napapatawa naman siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.   “Ms. Maia, you really are still young. You don’t know anything. This is the real world, wake up,” saad niya.   “Business field isn’t a playfield. Hindi ito playground, hija... Do you know why some companies are rejecting you?”   Offended, I still managed to ask him why with temper and respect.   “It is because you are young as well as your company. Like, what can you offer to us na mas mataas na ang narating? You can’t easily earn our trust just because kumikita iyong company mo. You have to give us something na mapakikinabangan namin sa kumpanya mo. Hija, you shouldn’t reach out sa mga company na gaya ng akin,” natatawa niyang paliwanag.   What the heck? Did he just want a meeting just so he can taunt me?   “What’s with that look? You’re 16, marami ka pang mai-experience pero hanggat bata ka pa, sa bata ka muna makipaglaro. You won’t change my mind with that paawa effect,” he said saka tumayo na at may inilapag na envelope sa harap ko.   “Here, rejection letter. Pang-ilan mo na ito ngayon?” natatawang saad niya saka umalis na ng kuwarto.   What the heck just happened?    Napatawa naman ako nang bahagya.   Is this what the business field really is? Just freaking brutal? Just so y'all wait.   "F*ck it. I won't show my emotions again then"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD