CHAPTER 10

3230 Words
  “I’m right here in front of your house”     Nabulunan naman ako nang marinig iyong sinabi niya dahilan para mapainom ako ng tubig ng wala sa oras. Agad ko namang pinindot ang mute button sa phone saka tumakbo palapit sa bintana at hindi niya marinig kung ano ang ginagawa ko.   I peeked through the small space between my curtains. My eyes swiftly darted into a guy wearing a black leather jacket over his uniform leaning against a matte black buff looking motorcycle with his phone close to his ear looking straight at my house.   “C’mon, huwag ka na sumilip nakikita kita,” rinig kong sabi pa niya mula sa tawag.    Napakamot naman ako ng pisngi ko at napatingin kay Nanay Neli na naghahain pa ng pagkain sa lamesa bilang almusal. Napatingin naman siya sa akin saka napakunot ang noo nang marinig niya ang boses ni Jax mula sa phone ko.   Naglakad na ako palapit sa pintuan saka binuksan ang pinto para tanawin iyong si Jax na naka-park sa tapat ng bahay ko.   “Sabi na nga ba hindi mo ako matitiis eh,” nakangiting saad niya nang makita ako saka ibinaba na iyong tawag at umayos ng tayo.   Tinaasan ko naman siya ng kilay dahilan para mapawi iyong ngiti niya.   “Pa’no mo nalaman bahay ko, aber?” tanong ko sa kaniya saka sumandal sa pintuan habang nakahalukipkip.   “Research,” he simply answers and walks into my gate saka sumenyas na pagbuksan ko siya. Napabuntong hininga nalang ako saka pinagbuksan siya ng gate at hatakin papasok ng bahay.   “Nice house,” he commented as he roams his gaze around my living room.   “Boyfriend mo?” tanong ni Nanay Neli na kalalabas lang ng kusina at mukhang gulat na gulat na may bisita rito.   Well, I can’t blame her naman dahil kahit kailan hindi pa ako nagdala ng bisita rito—technically, hindi ko naman dinala itong asungot na ‘to eh.   “No, stalker. He’ll eat breakfast here,” sagot ko kay Nanay Neli na napailing nalang sa akin.   I am a little annoyed because I don’t really know how to treat visitors. Too hectic.   “Good morning po. Pasensya na po sa abala,” bait-baitang bati ni Jax kay Nanay Neli dahilan para mapangiti sa kaniya si nanay.   “Kumain na kyo roon, Hijo. Mabuti nalang at marami akong inihanda ngayon,” sabi pa ni Nanay Neli.   "Nako, mukhang alam ng tadhana na pupunta po ako ngayon dito ah? Sakto po at gutom na gutom na ako!" rinig ko pang sagot ni Jax kay Nanay Neli.   Hindi ko na sinubukan pang pakinggan usapan nila at dumiretso na ako ng kusina para ituloy iyong pagkain ko. Agad din namang sumunod si Jaxen papasok sa kusina nang nakangiti.   "What?" He asked after he caught me staring at him badly.   "Go eat," I said as I revoke my gaze and sighed.   "It's fine if you don't want me here," he said making me look at him. Pinigilan ko naman ang sarili kong mapakunot ang noo dahil sa nakangiti pa siya nang sabihin niya iyon. Hindi iyong ngiti na masaya kundi ngiti na parang may binabalak na masama.   "Hindi naman sa ayaw kita rito. Hindi ko lang talaga alam paano mag-entertain ng bisita," I said honestly trying not to bite on his trap.   Muli kong itinuon ang atensyon ko sa kinakain ko. Napadako naman ang tingin ko sa hungarian sausage na paborito ko at bagong luto lang ni Nanay Neli kaya naman kumuha ako ng tinidor para kumain noon.   "Khatalina, stop," rinig kong saad ni Jaxen na lumapit na saka naupo sa tabi ko.   Tinignan ko naman siya nang nakakunot ang noo.   "Bakit?" Tanong ko nang mapahinto ako sa pagkagat ng sausage.   "You are biting your lips while looking at that sausage earlier," natatawang sagot naman niya saka kumuha rin noong sausage.   "Really? I didn't notice. I have been craving for this kasi ilang araw na," paliwanag ko sa kaniya saka nagpatuloy sa pagkain ko.   “Halata nga,” nangingiti-ngiting saad niya saka nangalumbaba at tinignan lang ako kumain kaya naman napahinto ako at tinignan siya nang masama.   “Kumain ka na nga! Kala ko ba makikikain ka?” naiinis na saad ko sa kaniya saka tinignan ang orasan.     04:07 A.M.     Muling nabaling ang tingin ko kay Jax na ngayon ay nagsasandok ng sinangag sa plato niya saka tinanggal iyong jacket niya at isinampay sa upuan.   “How did you know that I am already awake at this hour?” I asked.   Our class starts at 6 in the morning and I usually wake up around 3:30 in the morning because I usually review some paper works for Ethereal. My mind works better after I wake up and at night that is why I have to do that.   “I told you, research,” he answered not bothering to look at me while nodding on his food.   “Taste good?” I asked as I continue to eat as well.   “Yeah,” he answered shortly.   “You seem so hungry…” I uttered.   “Yeah, pumunta kasi ako sa Bulacan kagabi nag-road trip ako,” maikling sagot niya.   “With your motor?” I asked.   He then nods as he took my glass of water and drink from it. Gusto ko sana hatakin mula sa kaniya iyong inumin ko kaso baka naman matapunan pa siya sa uniform niya kaya naman tumayo nalang ako at kumuha ng bagong baso saka nilagyan ng malamig na tubig at nilagyan ko pa ng napakaraming ice cubes.   Hindi ko naman mapigilang kagatin iyong labi ko bilang pagpipigil sa ngiti ko.   “Here’s your water,” saad ko saka inilagay sa gilid ng plato niya.   “Thanks,” he said still busy eating. Mukhang gutom na gutom ang loko.   I suddenly feel a little happier this morning dahil for the first time, I have someone to eat breakfast with.   Napatingin naman ako sa kaniya nang mapaubo siya nang mahina at parang nabulunan sa bilis niya kumain kaya naman napatawa ako nang mahina.   “Takaw mo kasi kala mo mauubusan ng pagkain,” sabi ko sa kaniya saka nag-focus nalang sa pagkain ko para ubusin.   “KHATALINA, WHAT THE HECK—” sigaw ni Jax nang uminom siya sa tubig niya na sobrang lamig na binigay ko sa kaniya. Halos mailuwa naman niya iyong tubig sa sobrang lamig at pagkabigla.   I then bit my tongue to stop myself from laughing seeing him look so red and biting his lips from the cold water. He then looks at me as if he was planning something.   “What?” I calmly asked still preventing myself from laughing.   “Bakit naman puro yelo ‘to?! Is this how you treat your bisita?” hindi makapaniwalang saad niya saka napatawa pa.   “Wow, conyo,” I commented.   “You’re the first one to know my house,” pahabol ko pa.   Napahinto naman siya sa pagtawa saka napatingin sa akin na nanlalaki ang mata.   “Really?!” hindi makapaniwala niyang saad na tinanguan ko naman.   “Why?” he asked.   “I can’t just reveal my address to anyone. Especially si Nanay Neli lang naman madalas na nakabantay rito sa bahay tuwing wala ako,” sagot ko.   “Sabagay. Don’t worry wala naman akong pinagsabihan ng address mo,” sagot niya.   “So, paano mo nga nalaman itong address ko?” tanong ko ulit sa kaniya saka tumayo para ligpitin mga pinagkainan namin.   “Tinanong ko sa secretary mo noong hinatid kita sa Ethereal noong nakaraan,” simpleng sagot niya.   Napailing lang ako sa sagot niya saka itinaas muna ang sleeve ng uniform ko para hugasan iyong pinagkainan namin.   “Oh, bakit ikaw maghuhugas?” tanong niya nang maramdaman ko iyong presensya niya sa gilid ko na nakapamewang pa na parang matanda.   “Bakit? Bawal ako maghugas ng plato sa sarili kong bahay?” balik na tanong ko sa kaniya saka sinimulan na ang paghuhugas ng plato.   “Hindi naman pero malambot kasi iyong kamay mo eh kala mo hindi kumikilos sa bahay,” prenteng sagot niya na ikinabilis ng t***k ng puso ko.   I manage not to show any emotion and ask him still looking at the dishes. “Paano mo naman nasabing malambot kamay ko, aber?” tanong ko.   “Kunyari ka pa hawak ka nga nang hawak sa kamay ko noong nakaraang hinanap natin phone mo,” pang-aasar niya dahilan para makaramdam ako ng pagiinit sa pisngi ko.   “Hinihila lang kita at hindi hinahawakan,” paliwanag ko saka nagpunas ng kamay saka inayos iyong sleeve ng uniform ko at saktong katatapos ko maghugas ng pinagkainan namin.   “Utot mo! Alam kong nag-enjoy ka hawakan kamay ko!” pang-aasar niya parin.   Nailing nalang ako at hindi na sumagot dahil alam kong walang patutunguhan iyong pakikipagtalo ko sa kaniya saka naglakad palabas ng dining room at naglakad papunta sa hagdan.   “Where you going?” tanong niya at humahabol sa akin ng lakad.   “Diyan ka lang sa sala kukunin ko lang gamit ko,” sagot ko saka tumakbo paakyat ng hagdan papasok ng room ko. I am already wearing my uniform skirt and long sleeve. Iyong coat nalang at iyong bag ko ang kukunin ko.   Agad ko nang dinampot iyong mga dapat kong kunin at palabas na dapat ako ng room ko nang mapadako ang tingin ko sa digital camera kong nakapatong sa study table ko. Napangiti naman ako saka inabot ito at lumabas na ng kwarto papunta sa sala.   Jaxen was sitting properly on the couch making me furrow my eyebrows.   “Bakit ganiyan ka maupo?” tanong ko sa kaniya kasi naka-staright body lang siya at nakatingin lang sa bintana habang ang dalawang palad niya ay nakapatong lang sa lap niya. hindi ko naman maiwasang mapahalakhak sa itsura niya dahilan para mapatawa narin siya.   “Tara na,” saad niya na tumatawa parin saka tumayo na at sinuot muli iyong leather jacket niya.   “Anong tara na?” tanong ko.   “Tara na at papasok tayo sa school?” patanong na sagot niya.   "Oh, eh bakit kasama mo pa ako?" Tanong ko sa kaniya pabalik.   "May sasakyan ka?" Balik na tanong niya rin sa akin.   Napakamot naman ako sa pisngi ko saka isinuot na iyong coat ko at kinuha ang bag ko saka iyong camera. Tama naman siya wala iyong sasakyan ko rito.   "Wow, sino ba may kasalanan?" Sabi ko nalang.   "Kaya nga ako pumunta rito kasi nga alam ko aala kang masasakyan papasok at naiwan sa parking lot sa school sasakyan mo," sagot niya saka lumabas na ng bahay.   Sumunod naman na ako sa kaniya saka ko ni-open iyong camera ko.   "Bakit may camera ka pang dala?" tanong niya nang nakakunot ang noo nang makalapit kami sa motorcycle niya.   "Wala lang," saad ko at hindi maiwasang mapangiti.   I then look at my camera and pointed it at him who is looking at me while he was wearing his motorcycle gloves. I hurriedly press the shutter button.   "As we can see, this guy kidnapped me last time and now he's trying to kidnap me again," I said as I walk closer to him as if I am vlogging.   "I-kidnap kana nagawa mo pang mag-vlog," he commented smiling at me.   I cannot help but focus my camera on his face.   "You know, you can be a model," I said as I reach out to the helmet and give him my camera.   He then pointed my camera at me as I wear the helmet that he gave.   "I know," he answered shortly.   Napatawa naman ako nang marahan at tinignan siya.   "Too full of yourself, huh?" I commented and look at his motor.   "Your bike looks cool," I commented saka kinuha na iyong camera ko sa kaniya at ni-video iyong motor niya.   "I am not too full of myself. It is just the way you stare at me. I know you are admiring my great looks," he said smirking.   "Yeah," I answered staring straight at him as I pointed my camera lens back at him to capture his reaction.   Mukha namang hindi niya inaasahan iyong sagot ko as a surprising look appeared on his face.   "But that doesn't mean that I am attracted to you, okay. I want to make that clear. I just appreciate your looks. Your parents created a good model," I explained and winks at him.   I then notice that he blushed but tried to brush it off as he wears his helmet and said that we should go.   Sumakay naman na ako sa motorsiklo niya saka kumapit sa jacket niya.   "Wait, ayusin ko lang palda ko," sabi ko sa kaniya saka inilagay ang bag ko sa lap ko para hindi hanginin iyong palda ko saka muling ni-play ang camera ko.   "Why are you recording?" He asked again.   "Ayaw mo ba? I can turn this off if you're uncomfortable naman--"   "I am fine as long as you are happy," he uttered and started the engine of his bike.   His comment made my heart beat faster than normal as it caught me out off guard. I then shook my head as I try to avoid questions forming in my head.   "Khatalina, this bike runs fast. You might want to grip tight on me," he said.   "Nah, I am fine," I said as I grip my left hand tightly to his leather jacket.   "You sure?--"   "Actually, no," I said cutting him off and hug him with my left arm as my right hand is still recording. I felt his body flinched a little and he nods. I can not help but bring my face a little closer to him as I smelled his cologne again making my heart beat out of its normal phase.   Agad niya na ipinaandar iyong motor niya nang pagkabilis-bilis dahilan para impit akong mapatili.   Mabilis naman akong nakapag-adjust saka nagpatuloy sa pag-video ng mga tanawing nadadaanan namin. Sakto rin namang unti-unti nang lumiliwanag gawa ng araw.   I can't help but feel a little relaxed as the rushing breeze of air blows into my hair letting out a smile from my lips.   I then looked at his reflection on the mirror of his bike. He was just staring straight in the way with some strands of his hair being blown by the wind.   Para namang segundo lang ang itinagal ng paglalakbay namin nang makarating na kami agad sa school at dumiretso kami sa parking lot para i-check narin iyong sasakyan ko.   Agad naman akong bumaba mula sa bike niya saka itinanggal iyong helmet ko at ni-off ang camera ko.   "Seems like you enjoyed riding my bike," he commented smiling at me.   I then look straight at his ferocious eyes and nods smiling.   "Yeah, thank you for the lift!" I said and put my camera in my backpack and wear it properly. Ni-park niya narin naman iyong motor niya saka sinamahan na ako maglakad para lapitan iyong sasakyan ko.   Nagkatinginan naman kami ni Jac at sabay oang napahinto nang makita ko ang sasakyan ko which is 4 feet away from us. There are papers taped on the windshield of my car.   Napatakbo naman kami agad palapit sa sasakyan ko para tignan iyong nakasulat.       Seems like you two enjoy each other's company       Napakunot iyong noo ko nang mabasa iyong nakasulat sa printed papers na may picture namin ni Jax sa mall noong nakaraan kung saan nakayakap siya sa akin.   I then looked at him. He looked pissed.   "Who the f*ck did this?" He said gritting his teeth.   Agad naman niyang pinagtatanggal iyong mga papel na nakadikit sa sasakyan ko. Tinulungan ko narin naman siya dahil mukhang naiinis siya. I mean, I should be mad right now but... I feel like I have to calm down when someone is already mad. Just so we can work clearly. Kinuha ko naman iyong phone ko saka kinuhanan ng picture iyong sasakyan ko na puro papel.   "Hayaan mo na. Wala lang siguro magawa," saad ko saka inaya ko na siya maglakad papunta sa building namin.   Napadako naman ang tingin ko sa kamay niyang nakakuyom.   "Kumalma ka na... We'll figure it out," saad ko sa kaniya saka marahan siyang tinapik-tapik sa balikat.   Tumango naman siya nang marahan saka namulsa sa pants niya.   Tahimik lang kami naglakad kasama ng tahimik na paligid dahil wala pang gaanong estudyante sa ganitong oras.   It would be hard to find someone in a place so big. It is either buong weekends pa nandiyan iyong mga papel sa sasakyan ko o kalalagay lang kanina.   I suddenly got a feeling that I should look at the bulletin board kaya naman inaya ko si Jaxen at sumang-ayon naman siya.   Sakto namang nakabukas na ang mga ilaw sa building namin kaya naman agad kaming dumiretso sa bulletin board and as expected, there are also papers posted in the bulletin board sayong that Jaxen and I were dating. There are pictures of him hugging me from behind. Him giving me a gift and putting the hairpin on my hair. And a picture of me holding his hand as I pull him.   We hurriedly took pictures of the bulletin board and later take all of the papers and napagpasyahan ko namang itabi muna sa bag ko iyong mga ebidensya.   "Considering this kind of rumors, I think kalalagay lang niyang papel rito dahil may mga nag-stay at pumupunta rito sa school during weekends and siguradong may makakakita na niyan at makakarating sa atin," he explained and I agreed.   "Should we go to the guardhouse?" I asked.   "I don't think the guard will remember whose student got in here before us," sagot niya na para bang naiintindihan niya iyong gusto kong gawin.   "Where should we look then?" I asked.   "Let's go to the central control room," he answered smiling making me smile as well.   We then hurriedly run to the stairs papunta sa central control room kung saan ako na-lock noong nakaraan.   Napabilis naman ng pagtakbo namin ang t***k ng puso ko kasabay ng kaunting pamamawis ng palad ko sa taimtim na pagiisip na sana ay wala pang tao sa kuwaetong iyon para makita namin iyong kuha ng CCTV sa tapat ng building at sa hallway kung saan nakalagay iyong bulletin board.   Nauna namang maglakad si Jaxen papunta sa tapst ng control room. Lumapit namsn ako sa may likod niya saka niya dahan-dahang inilapat iyong kamay niya sa doorknob ng kuwarto.   Tumingin naman siya sakin as he mouted asking me if I am ready. I then nod saka inihanda ang sarili kasabay ng pagbukas niya ng pinto ng central control room.   It was then followed by the familiar creaking noise of the door and its dark yet cold atmosphere. I rested my hand against my chest as I grab Jaxen's arm. He then looks at me out of surprise and gently smiled at me.   "There is no one in here," he announced saka kami pumasok sa central control room.   Pinauna niya naman akong pumasok saka niya inalalayan ang pinto para hindi ito maisara knowing na may sira ang pinto na ito.   "Do you know how to use these kinds of computers--"   I was then cut off when I was suddenly pushed by him making us fall to the ground and his land above me. Shocked, I was frozen and wasn't able to utter any single word as the door was suddenly closed by someone trapping us in the control room freaking once again.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD