Four

1062 Words
Nakapasok na sila sa Fairy Land. Nakasuot ng kapa sina Pipe at Airy. Naglalakbay na sila sa kadiliman ng gubat ng Fairy Land. "Pipe. Ikaw ba si Pipus?" tanong sa kanya ni Airy. "Ako? Si Pipus?" tanong din niya. "Well?" "Uhm..." "Sabi mo magpapaliwanag ka?" Tumingin si Pipe kay Airy at nabasa ang iniisip nito. "Please, kailangan ko ng kausap ngayon. Ayoko munang isipin si mama. Please." "Airy. Tara umupo muna tayo dito." pag-aaya niya at umupo sila sa ugat ng isang malaking puno. "So?" "*sigh* Oo. Ako si Pipus." "I knew it. Sabi ko na eh. Nalaman ko yun nung niligtas natin sila Shaina." "Pasensya na. Hindi ko sinasadyang magsinungaling sa'yo." "Hm? Nagsinungaling ka kasi baka hindi ako maniwala sa'yo. Kaya ginawa mong pusa ang sarili mo para mas kapani-paniwala." "Hindi ka magagalit sa'kin?" "Hindi. Ano pa bang gagawin ko? Ito ako di ba? Ito ang tadhana ko." "Hehe. Pasensya na kung ginulo ko ang normal mong pamumuhay ha." "Huh? H'wag kang magsorry. Ako naman ang pumili nito." sabi niya. Tumahimik lang ang dalawa panandalian at nagsalita si Airy ulit. "Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon. Naguguluhan ako. K-kailangan kong maging matapang pero hindi ko alam kung paano." sabi ni Airy habang nakayuko. "Maging matatag ka Airy. Eto ang tirahan mo kaya kailangan nating ipagtanggol ang sa atin." sagot ni Pipe at tinapik niya sa balikat si Airy. Bigla na lang umulan at nataranta sila. Isinuot nila ang hood ng kapa nila at tumayo na. "Kailangan nating humanap ng masisilungan." sabi ni Pipe. "Kailangan mo ko?" pagrerepresenta ni Airy. "Ha? Hindi ko hinihiling na gamitin mo ang magos mo. Maghanap na lang tayo." Pero nagmatigas pa rin si Airy at tumigil. Hinintay na lamang siya ni Pipe. *GASP* "Tatlongpu't pitong malalaking puno bago tayo makarating sa isang abandonadong bahay." "Ganon kalayo?" "Oo. Ang galing ko noh?" sabi ni Airy at bigla na lang siyang bumagsak. "Airy. Oy. Gumising ka." sabi ni Pipe pero hindi siya gumigising. Naubos na ang lakas niya at hindi pa rin siya kumakain magmula nang umalis sila. * * * Binuhat niya si Airy sa likod niya at sa harap niya ang mga gamit nila. Binilang niya ang malalaking puno na nakikita niya at nakita niya ang isa ngang abandonadong bahay. Ayos na ayos ito pero may mga bakas ng labanan. Bukas ang pinto kaya pumasok siya agad at inihiga niya sa sofa na mahaba si Airy. Nakaramdam na parang may nagmamasid sa kanila kaya inihanda niya ang kanyang espada. "Name : Pipe Quiane Age : Twenty two years old Magos : Capable of doing Invisibility, Mind Reading and Animal Transformation. Skills : Swordsmen and making runes Weapon : Two swords. Positon : Prince of Fairy Land from the North. Other information : Many to mention" Sabi nung boses ng lalake mula sa dilim. "Sino ka? Magpakita ka. Bakit mo ako kilala?" tanong niya sa dilim. Bigla na lang may lumabas sa dilim na lalaki. "Ikinagagalak ko po kayong makilala mahal na prinsepe. Ako nga po pala si Wolf." sabi niya at yumuko siya as a sign of respect. Si Wolf ay isang tao, gray ang buhok at kulay ng mata, may tenga ng hayop na wolf, naka gray t-shirt at pantalon, mas maliit ng konti sa kumpara kay Pipe. "Hindi ikaw yung kanina. Sino yon?" tanong ni Pipe kay Wolf. "Ah. Si Data po yon. Ang robot ko." sabi niya at lumabas ang isa pang lalake mula sa dilim. Si Data ay may katawan ng tao. Dilaw ang buhok at asul ang kulay mata, mas matangkad kay Wolf, nakasuot ng punit-punit na v-neck shirt at naka pantalon. "Masaya akong nagkita tayo, mahal na prin-" "Pipe nalang." "Bakit naman?" walang emosyon na tanong nung robot. "Basta." "Paano nga pala kayo napadpad dito, Pipe?" tanong ni Wolf. Tinago naman ni Pipe ang kanyang espada at umupo sa may paanan ni Airy. "Galing kami sa mundo ng mga ordinaryo." "Bakit mo ginawa yon?" Tumingin silang tatlo kay Airy na natutulog ng mahimbing sa sofa. Agad namang nagsalita si Data. "Name : Airy Motore Age : Eighteen years old Magos : Locator and Dream Traveller Skills : Archery and Swordsmen but not yet developed. Weapons : Wood, the Fairy Ring (Bow-and-Arrow), and Blue's scarf-sword. Position : Last Fairy Warrior Other information : Secret" "Dream traveller?" "Ibig sabihin non. Kaya niyang mapasok ang isip ng isang tao habang natutulog siya." paliwanag ni Wolf. "So, ibig sabihin may pinasukan na siyang isip ngayon?" "Siguro." "Master Wolf. Malapit na pong dumating ang Three Big Bestia dito." babala ni Data. "Sumama ka na lang sa'min na maglakbay patungo kay Fright." "Gusto ko sana pero hindi pwede." "Bakit naman hindi?" "Kilala nila ako. Kapag tinangka kong umalis dito malalaman nila. Lalo pa't kasama mo ang huling Fairy Warrior." "Labanan natin sila." "Lalong masisira ang happy ending kung mangingilam ako. Hayaan n'yong ibigay ni Data sa inyo ang kailangan n'yong tulong." "Sigurado ba kayo, Master?" tanong ni Data kay Wolf at walang emosyon. "Sigurado ako." "Kung ganon. Kailangan na naming umalis." "Sige. Mag-ingat kayo at sana maging maayos na ang lahat." sabi niya at hinawakan niya sa balikat si Data na noo'y nakaharap kina Pipe. "Data. Protektahan mo ang prinsepe at ang makakasama niya. Ibigay mo ang kailangan nilang impormasyon. Maging normal ka lang at magiging maayos ang lahat." "Jahe ysbqps vdusfq iept djdywbsod d dudpsvw usnduepdvs haodvte pqceu us sudvs haiscsu" sabi ni Data habang kumikislap ang ibang bahagi ng katawan nito. "Anong nangyayari?" "Tinatanggal ko ang magos ko sa kanya. Ilagay mo ang kamay mo sa balikat niya." ginawa naman ito ni Pipe at tinanggal ni Wolf ang kamay niya. "Hdsykxs sytsvi wurhowpx guwyidfbeq grehseipx dyqoffyv io rcyvretof trskefvos fsayfxruv frvv" patuloy pa rin si Data hanggang sa tumigil siya bigla. "Pipe?" tanong niya nang may pagtataka. "Ah. Oo. Uhm. Data, sino siya?" tanong ni Pipe kay Data habang nakaturo kay Wolf. "Si Wolf, Twenty-five years old, kaya niyang magbura ng alaala at sumigaw ng malakas, marunong siyang gumawa ng robot, may toolbox siya as a weapon at isa siyang antagonist. Kung gusto n'yong malaman ang iba pang impormasyon, siya ang gumawa sa'kin." "See. Normal siya." sabi ni Wolf. "Okay." "Nandito lang yung Wolf na yon. Nagtatago na naman sa bahay na 'to" "Nandyan na sila. Kailangan n'yo nang umalis. Dumaan kayo sa underground. Papunta yan sa kabilang dulo ng syudad. Pag nahanap n'yo si Salt paki sabi kamusta siya." sabi niya at binuksan ni Wolf ang isang pintuan sa ilalim ng fireplace. Binuhat na ni Pipe si Airy at binuhat naman ni Data ang mga gamit nito at sinigurado niya pang walang maiiwan. "Salamat." "Isang karangalan yon sa'kin. Ito lang ang tandaan mo. Hindi lahat ng kontrabida masama, minsan kailangan nila ng atensyon." sabi niya at isinara ang pintuan. Bumukas naman ang mga ilaw sa underground. Saan nga ba patungo ang underground na yon? Maililigtas ba sila nito o lalo pa silang ipapahamak nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD