Sa pagpapatuloy ng kwento. Inilabas ni Blue ang kanyang scarf at ipinagpag ito at naging espadang kulay pula. At tumindig na parang handang makipagpatayan sa bestia na kaharap nya.
"Hoy baliw. Hindi natin 'to mundo kaya sabihin mo sa amo mo wala siyang kwenta." sabi ni Blue at saka siya sumugod.
"Uhm. Blue? May mga sumusugod pa." sabi ni Airy habang nakikipaglaban ng p*****n si Blue sa bestia.
"Edi labanan mo!" sigaw ni Blue.
"Ano ka hilo? Hindi kayo totoo kaya hindi ako maniniwalang kinakausap kita ngayon." sabi ni Airy at nagcross-arms siya.
Bigla na lang napaluhod si Blue sa pagkakatayo habang itinusok ang espada niya sa lupa at tumakbo naman papunta sa kanya si Airy.
"Kita mo na? Kahit ang isang mandirigma ng kaharian n'yo hindi naniniwala sa inyo." sabi nung bestia habang lumulutang sa ere.
"Anong nangyayari sa'yo?" tanong ni Airy habang hawak niya ang mga kamay nito.
"Isang napakalakas na magos yon. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto nito kapag kaharap mo ang taong di naniniwala sa'min. Airy. Maniwala ka sa amin. Ikaw na lang ang inaasahan namin."
"Wala na kayong magagawa ngayon." sabi nung bestia at bumaba na siya mula sa pagkakalipad at pinalinubtan sila.
"May magagawa pa sila." sabi nung nasa likod niya. Tumingin sila sa likod nila at nakita Airy ang mama niya.
"Ma?"
"Song!" masayang sigaw ni Blue at tumayo siya ng maayos.
"Song? Yun ba pangalan ng mama ko?"
"Song. Hindi mo sinabi?"
"Si Stairs na magpapaliwanag sa kanya. Blue. Hindi lang naman anak ko ang may ayaw sa'yo. H'wag ka nang mag-inarte." masungit na sinabi nung mama ni Airy.
"Fine. As always ganyan ka pa rin." sabi niya at for an instant, bumalik ang lakas ni Blue.
Nilabanan ni Blue at Song ang mga bestia habang nakatulala si Airy sa kanila. Isa laban sa dalawa na lang ang laban. Umatake sa harap si Blue habang sa likod naman umatake si Song. Ipinagaspas ng bestia ang kanyang mga pakpak at tumalsik silang lahat.
"Ma!" sigaw ni Airy nang makita niya ang mama niya na tumalsik sa mga bakod na may mga patusok.
"Haha. Ngayon iisa na lang ang natitirang Fairy Warrior." sabi nung bestia.
Ginamitan ni Blue ng mahika si Song para maibaba ito sa bakod. Umuubo na ng dugo si Song at wala nang magawa si Blue dahil maski sila napuruhan dahil sa atake ng bestia.
"Airy. Kailangan mong maniwala sa kanila. Kontrolin ang emosyon mo. Tapusin mo siya. Ibalik mo ang happy endings sa buong lupain ng FairyLand. Lumaban ka, nandito lang ako lagi at gagabayan kita. Mahal ki-ta." ito ang huling bilin ng mama niya.
"Ma? H'wag kang ganyan. Bilis Ma. Tumayo po kayo d'yan." sabi ni Airy habang umiiyak siya at unti-unti na lang naglaho ang mama niya.
"Airy. Wala na siya. Nasa mabuti na siyang lugar. Kailangan nating tapusin ang isang 'to" sabi ni Blue.
Tumingin si Airy sa kamay ni Blue kung saan hawak niya ang pulang espada nito. Galit na ito at sinisisi ang bestia dahil sa pagkamatay ng mama niya. Kinuha niya ang espada ni Blue at tumayo.
"Anong ginagawa mo? Delikado yan." tanong ni Blue at tumayo rin siya.
"D'yan ka lang." seryoso niyang sinabi kay Blue.
"Anong gagawin mo? Papatay—"
SLASH!
"Tumahimik ka. Hindi ko kailangan ang opinyon mo." sabi ni Airy. Bigla na lang bumagsak ang halimaw sa likod niya at naglaho na parang bula.
Napaluhod na lang si Airy at naisip ang ginawa niya.
"Airy. Delikado ka na sa mundong ito. Kailanga mo nang pumunta sa Fairy La—"
"Hindi. Nakita mo ang ginawa non sa mama ko. Hindi ako papayag na pumunta sa lugar n'yo."
"Kailangan mo. Nanganganib na ang buong kaharian namin. Ikaw na lang ang pag-asa namin. Nagmamakaawa ako."
"Hindi… hindi kayo—"
"NANDITO kami, totoo kami. At kung hindi dahil sa katigasan ng ulo mo. Hindi dapat tayo makikita non."
"Kasalanan ko pa ngayon? Ang tindi mo rin."
"Oo. Kasalanan mo. Hindi magiging ligtas ang mundong ito kung nandito ka."
"Hindi ako sasama."
"Nakakainis. Kung hindi lang ako inutusan di ko 'to gagawin."
"Edi bumalik ka sa inyo."
"Oo. Babalik talaga ako. Sabihin mo nalang sa kanya hanapin n'yo si Salt." sabi ni Blue at saka niya sinuot ang hood na kulay blue at umalis na.
Naiwan kay Airy ang scarf ni Blue. Pinagmamasdan niya ito at hindi makapaniwalang ginamit niya ito panlaban sa isang bestia.
"Airy? Okay ka lang?" tanong ni Pipe na nasa likod ni Airy.
"Pipe?" naguguluhang tanong ni Airy.
"Nandito lang ako. Dadamayan kita sa problema mo." sabi ni Pipe at akmang yayakapin niya si Airy.
"Close tayo? Dun ka nga."
"Ahaha. Sorry."
Naglalakad na pauwi non si Airy at napansin niyang sinusundan siya ni Pipe.
"Pipe. Bakit mo ba ako sinusundan?"
"Nagkakamali ka. Malapit lang dito ang bahay ko."
"Saan ka ba nakatira?"
"Sa tabi ng bahay n'yo."
"Kayo yung bagong lipat?"
"Ah. Oo. AKO ang bagong lipat d'yan. Naisipan kong pumunta kagabi sa inyo ang kaso nahiya ako nung nalaman kong kayo ang nakatira d'yan."
"Well. Ako na lang ang nakatira d'yan ngayon." sabi niya at nakatayo sila sa harap ng bahay ni Airy.
"Bakit? Nasaan ang mama mo?"
"Kamamatay niya lang at parang hindi na siya nag-eexist dito."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Mahaba at magulong kwento. Sige na. Bye." paalam niya kay Pipe at pumasok na sa loob.
Pumasok na sa loob si Airy. Nakalimutan niyang umaga palang pala at marami na agad ang nangyari. Pumasok siya sa kwarto ng mama niya na kailanman hindi niya pa napapasok.
Maraming gamit na kakaiba sa kanyang paningin. Isang kwarto na puno ng kagamitan pang digmaan.
Meow. Meow.
Lumingon siya sa balkonahe at nakita niyang pumasok ang pusang kausap niya tatlong araw ang nakalipas.
"Nakita ko ang nangyari kanina." sabi ni Pipus.
"Kung nakita mo. Bakit di ka tumulong? Sana buhay pa ang mama ko."
"Sa mundo n'yo, wala akong magos. Habang malapit ako sa'yo, ito lang ang kaya kong gawin."
"Sabihin mo nga sa'kin. Ano ba ang mapapala ko sa mundo n'yo?"
"Isa kang Fairy Warrior. Tungkulin n'yong pangalagaan ang kaharian ng Fairy Land."
"Ano ngang mapapala ko?"
"Magkakaroon ka ng happy ending."
"Happy ending? Gusto ko sanang maniwala sa'yo. Ang kaso walang happy ending sa nangyari sa mama ko. Pinatay siya ng halimaw na yon. Tapos gusto mo pang iligtas ko ang happy ending n'yo?"
"Kapalaran yon ng isang Fairy Warrior. Ang magsakripisyo para sa kanyang kaharian."
"So. Ang ibig mong sabihin, ganyan din ang mangyayari sa'kin dahil isa akong Fairy Warrior?"
"Hindi, poprotektahan kita."
"Hindi ako makapaniwala." sinabi niya at humiga sa kama ng mama niya.
"Sasamahan kita. Hindi kita iiwan hangga't hindi ka pumapayag na sumama sa'kin sa Fairy Land."
"Tch. Bahala ka." sabi niya at tumalikod siya kay Pipus. Tinitigan niya ang scarf ni Blue at nakatulog na.
KRIING. KRIING.
Nagising si Airy dahil sa tunog ng cellphone niya. Bumangon siya at tinignan muna ang paligid niya. Natutulog pa rin si Pipus sa tabi niya at palubog na rin ang araw na natatanaw niya mula sa bintana.
"Hello?"
"Airy. Tulungan mo kami." sabi ni Josephine sa kabilang linya.
"Bakit? Anong nangyayari?" tanong niya at biglang napabangon din si Pipus.
"Hinahabol kami ng halimaw."
"Nasaan kayo?"
"Nasa— RAWR! —AHHHHH!"
"Josephine!" sigaw niya at naputol na ang linya.
"Anong nangyari?"
"Kailangan ko silang puntahan."
Automatic na pumikit si Airy at nagconcentrate. Hinanap niya kung saan nanggagaling ang mga narinig niya sa cellphone.
*GASP*
"Alam ko na kung nasaan sila."
Magos - another term for magic