"Mansing Sing! Nandito ka lang pala. Hindi ka man lang nagsasalita. Kanina pa ako tawag nang tawag sa pangalan ko. Saka, kanina ka pa rin hinahanap ni Sir Kevin!" Napalingon akong bigla sa babaeng sumulpot sa aking harap. Isa rin itong kasambahay rito sa bahay ng lalaking langaw na iyon.
"Wala ka namang sinabi na sumagot ako sa pagtawag mo sa aking pangalan. Saka, bakit daw ako hinahanap? Wala naman siyang sinabi sa akin kanina na may pupuntahan kami, ah!" naiinis na reklamo ko sa babaeng kaharap ko.
"Mansing, kahit hindi ko sabihin na sumagot ka. Dapat alam mo na ang dapat mong gawin. Kasi nga tinatawag ka na. . . Hindi ko rin alam kung bakit ka hinahana ni Sir Kevin. Punthan mo na lang kaya. Lalo at mainit ang ulo niya," anas ni Helyn sa akin.
Nagulat naman ako sa sinabi nitong mainit ang ulo. Nagsalubong tuloy ang aking kilay.
"May lagnat ba si Sir Kevin?" nagtatakang tanong ko. Samantalang ay ang lakas-lakaa pa nito kanina. At Kung makapagmando sa akin ay wagas na wagas.
"Lagnat? Wala naman akong sinabi na may sakit si Sir, Kevin. Ang sabi ko lang ay mainit ang ulo niya."
"Ano ka ba naman, Helyn. Ganoon din iyon. Mainit ang ulo, ang ibig-sabihin ay may lagnat. Di ba nga, kapag inaapoy ka ng lagnat ay talagang mainit ang ulo mo o kaya ay ang noo!" palatak ko sa babaeng hindi nakakaintindi.
"Jusko ko naman, Mansing! Magkaiba naman ang mainit ang ulo, sa may lagnat. Ilang araw ka pa lang dito. Ngunit parang matutuyuan na ako ng dugo sa 'yo!" bulalas na sabi nito.
Nagsalimbayan naman sa pagtaas ang kilay ko. Nasa mukha ko rin ang pagtataka. Dahil sa mga pinagsasabi ng babaeng kahirap ko.
"Helyn, ayos ka lang ba? Teka, bakit nga pala natuyo ang dugo mo? May sumipsip ba?" tanong kong may nagtataka sa mukha ko.
Nakita ko namang napahilamos ito sa mukha niya. pagkatapos ay tumingin sa akin na umiiling ang ulo. Napaisip tuloy ako kung anong problema ng babaeng ito? Tila nahihibang na yata!
"Mansing, huwag mo na lang akong pansin. Sige na, puntahan mo na lamg si Sir, Kevin sa library niya," pagtataboy sa akin ng babae.
"Okay," maikling sagot ko rito. Pagkatapos ay nagmamadali akong umalis sa harap ni Helyn.
Malalim na lang akong nagbuntonghininga nang maalala ko na naman kung bakit ako nandito sa poder ng langaw na iyon. Kung ano ang tatanungin ay mas gusto ko sa bahay nina Master Blake.
Ngunit wala naman akong magagawa kung gusto ni Master Blake na rito muna akong magtigil sa bahay ng lintik na langaw na iyon. Wala raw akong kasama sa bahay nila. Lalo at aalis ang pamilya sila papuntang ibang bansa. Walang katiyakan kung kailan ang balik nila rito sa pinas.
Kaya ayon kahit labag sa aking kalooban ay napilitan akong sumama sa kaibigan ni Master Blake, walang iba kundi si Kevin Langaw. Unang kita ko pa lang sa lalaking iyon ay nasusura na ako.
Saka, ang nakakainis pa'y ginawa pa akong alila ng langaw na iyon. Ang katwiran nito ay pinapakain daw niya ako, gumagamit din daw ako ng tubig at kuryente. Kaya dapat daw na magtrabaho ako sa bahay nito. Ang sama talaga ng pag-uugali nito.
Ang sarap ilagay sa tadtaran ng langaw na iyon, tapos pagtatadtarin ko nang pinong-pino para mawala na ang hininga!
Nagpapadyak tuloy ako bahang naglalakad. Hanggang sa makarating ako sa harap ng pinto ng library ni langaw. Walang pakundangang akong pumasok sa loob.
"Hindi ka ba marunong kumatok sa pinto, Mansing?!" pasinghal na sabi ni Kevin sa akin.
"Wala ka namang sinabi na kumatok ako, Sir, Kevin. Ang sabi lang ni Helyn puntahan kita rito sa opisina mo."
Nakita ko namang marahan itong nagbuga ng hangin. Hinilot din nito ang sintindo at tila na iinis.
"Magbihis ka, may pupuntahan tayo," anas nito sa akin.
Bigla naman akong napatingin sa aking katawan. Para tiyakin kung wala akong suot na damit. Ngunit mayroon naman, ah? Bakit pinagbibihis pa ako?
"Mawalang galang na po, Sir Kevin. Hindi naman ako nakahubad para pagbihisin mo."
"Daman! Mansing, magpalit ka ng damit dahil aalis tayo!" mariing sabi nito sa akin.
"Ah, ganoon ba, Sir, linawin mo kasi nang pagsasalita. Magulo ka ring kausap, eh. Teka, ngayon na ba ako tayo aalis?" tanong ko pa.
Marahas naman itong tumingin sa akin. Nakikita ko ring lalong nagdilim ang mukha nito.
"Yes, ngayon na! Hindi bukas, hindi mamaya at lalong hindi kahapon, Mansing!"
"Sabi ko nga, Sir, ngayon na. Sige po. Magbibihis ba ako," paalam ko kay langaw. Agad naman akong pumunta sa aking kwarto para magpalit ng damit. Isang pantalong maong at black t-shirt lang ang suot ko. Pagkatapos ay humarap na ako sa salamin.
Pinusod ko lang ang aking buhok. Naglagay lang ako ng kaunting lipstick. Sabi kasi sa akin ni Ate Rosana, dapat daw kapag aalis ng bahay ay magpapahid ng kaunting lipstick at maglalagay ng polbos sa mukha. Kaya sinunod ko lang ang bilin nito sa akin.
Laking pasasalamat ko rin kay Ate Rosana, kasi ito ang bumili ng mga magaganda kong damit. Ito rin ang nagturo sa akin kung papaano pagandahin ang aking sarili. Ang sabi rin nito ay hindi kailangang makapal ang paglagay ng lipstick sa labi. Dapat light lang. Kaya iyon ang sinunod ko.
Napangiti tuloy ako sa harap ng salamin. Hindi ko maiwasang purihin ang aking sarili.
"Ang ganda ko talaga!" palatak ko pa at malakas din ang pagkakasabi ko.
"Kaya pala hindi ka pa bumababa. Nagpapaganda ka pa!" Maliksi akong lumingon sa taong basta na lang pumasok sa aking kwarto.
Nagsalubong tuloy ang kilay ko nang tumingin dito.
"Sir, Kevin, hindi ka ba marunong kumatok?"
"What?!" pasinghal na tanong nito.
"Aba! Sir, dapat kumatok ka man lang bago pumasok sa loob ng aking kwarto. Samantalang kung sabihin mo ako kanina ay wagas na hindi ako kumakatok sa pinto ng library mo. Tapos ikaw rin pala ay ganoon! Saka, wala ka namang sinabi na bumaba ako ng kwarto ko. Ang sabi mo lang ay magbihis ako ng damit," tuloy-tuloy na litanya ko sa lalaki.
Napahilamos naman ito sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang nangyari rito. Ngunit wala akong balak na usisain iyon. Hindi naman ako si Marites para gawin iyon.
"Sumunod ka na sa akin, kailangan na nating umalis, Mansing!"
"Sir, Kevin, hindi ka ba muna kakatok sa pinto ng kwarto ko?"
"Hindi ko kailangang kumatok, dahil bahay ko ito! Bilisan mo riyan!" pasinghal na sabi ng lalaki sa akin. Pagkatapos ay nagmamadali na itong tumalikod para lumabas ang aking silid.
Walang salita naman na sumunod na lang sa lalaki. Pababa ako ng hagdan nang makasalubong ko si Helyn. Ngumiti pa nga ito sa akin, ngunit hindi ako gumanti ng ngiti rito.
"Ang ganda mo ngayon, Mansing. Saan kayo pupunta ni Sir, Kevin?" Tiningnan ko lamang ito at hindi ako sumagot.
Mansing, may galit ka ba sa akin?" tanong nito sabay hawak sa aking balikat. Kaya napahinto ako sa paglalakad ko.
"Sabi mo kasi huwag kitang pansin, Helyn. Magulo ka ring kausap. Diyan ka na nga!" palatak ko. Sabay takbo papalabas ng bahay para maabutan ko si Sir, Kevin.
Nakita kong pumasok na rin ito sa loob ng kotse. Kaya sumunod na rin ako sa lalaki.
"Mansing, baka gusto mong isadaro ang pinto ng kotse!"
Napatingin tuloy ako sa pinto ng kotse na dinaanan ko. At hanggang ngayon ay bukas pa pala.
"Wala ka namang sinabi na isara ko ang pinto," sagot ko sa aking Among langaw.