Chapter 27 - Business Partner

2067 Words
"Good afternoon po, Papa!" masayang bati ko kay Papa sabay abot ng kamay niya upang magmano. "Good afternoon, anak. Buti at natuloy ang pag-uwi mo ngayon." "Hindi na po kasi masyadong busy sa opisina, Papa," sagot ko sabay baling sa bandang kusina kung saan nakita kong lumabas si Mama. "Mama, hello po. How's my most favorite person in the world?" Nagmano rin ako kay Mama bago siya mahigpit na niyakap. "Anak naman. Ang Mama mo lang ba ang paborito mo? Paano ang Papa?" tila nagtatampong sabat ni Papa na tinawanan lang ni Mama. "Tumigil ka, Antonio. Alam nating pareho na mahal na mahal ka ng anak natin. Hindi ba, anak? Kumusta nga pala ang lakad mo?" "Totoo ba iyan, anak?" Hindi ko na nasagot si Mama dahil sa biglang paglalambing ni Papa. "Of course, Papa," malapad ang ngiting sagot ko bago ko siya nikayap. "Kaya huwag na po kayong magtampo. Pareho ko po kayong paborito," dugtong ko. Nakatingala ako sa kaniya habang nakayapos pa rin ang mga bisig ko sa baywang niya. "O s'ya, naniniwala na ako." Magaan niya akong hinalikan sa noo bago inakbayan. "Let's take a seat and tell us about your trip to a certain resort. Successful ba ang photoshoot?" Umupo silang dalawa ni Mama sa mahabang sofa, samantalang ako ay pumuwesto sa sofa kaharap nila. "The photoshoot went well. Nagkaroon lang ng kaunting aberiya pero nagawan naman po ng paraan." "Aberiya? Tell us about it, Toni," seryosong saad ni Papa. "It's nothing, Papa. One of the models got sick, so someone had to replace her." "I see. Mabuti at nagkasiya sa iba ang dapat ay isusuot niya." "Truth is, a--ako po ang pumalit sa kaniya." "What did you say, anak?" tanong ni Papa. Halatang nagulat sa sinabi ko. Si Mama naman ay natutop niya ang kaniyang bibig. "Tama po ang narinig ninyo. Naging model po ang inyong anak ng halos isang oras," nahihiya ngunit nakangiti kong sagot. Nakita ko ang katuwaan sa mukha ng mga magulang ko. "Wow! I can't imagine how Monique was able to convince you." "Ahm, actually, Papa. H--Hindi po si Monique ang nagpapayag sa akin." "Kung hindi ang pinsan mo, eh, sino, anak?" nagtatakang tanong ni Mama. "Oo nga, anak. Si Monique lang naman ang may lakas ng loob na pilitin ka," saad ni Papa. "A--Ang bago ko pong b--bodyguard, Papa, Mama." "What?" magkapanabay nilang tanong. Halata sa kanilang reaksiyon ang pagkagulat. "Yes po." "Wow! Anyway, nasaan ang bago mong bodyguard? Isinama mo ba siya, anak? Gusto ko siyang makausap." "Yes po, Papa. Nasa labas po siya kasama nina Alvaro at Jimenez. Wait, tatawagan ko po siya." Pagkatapos kong makausap sa cellphone si Ali ay nakita ko nang papasok siya sa mansyon. Buong kompiyansa siyang naglalakad ngunit hindi kakikitaan ng pagyayabang. Napakanatural ng kaniyang dating. He's wearing a midnight blue suit at dark brown leather shoes. Kung titingnan siya ay alangan siyang maging bodyguard. Mas mukha siyang business tycoon. "Wow!" mahinang sambit ni Mama habang nakatutok ang kaniyang mga mata sa papalapit na si Ali. "Anak, sigurado kang bodyguard mo ang lalaking ito?" "Yes po, Mama." "Good afternoon po, Mam." Unang binati ni Ali si Mama bago binalingan si Papa. "Sir, magandang tanghali rin po." "Ahm, Papa, Mama, ang bago ko pong body, si Alaric Almirante po," sabat ko upang saklolohan si Ali kahit alam kong kayang-kaya niyang dalhin ang kaniyang sarili. "So, ikaw pala ang bagong bodyguard ni Toni. Tell me, Mr. Almirante, hindi ka ba nahihirapan sa ugali ng anak ko?" "Papa!" "Anak, tinatanong ko lang. Baka kasi ginagawa mo rin sa kaniya ang ginagawa mo sa dalawa mong bodyguards." "Hindi naman po, Sir. Mabait naman po ang anak ninyo." "Really? Mabait naman pala," tila hindi makapaniwalang saad ni Papa. "Anyway, just call me, Don Miguel, Mr. Almirante and this is my wife. You can call her Doña Marissa." "Hello, hijo. Kumusta ka? Are you sure na bodyguard ka ng anak namin? Mas bagay kasi sa'yo ang maging actor o di kaya ay maging business man." Nabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni Mama. Actor talaga. Kung alam lang nila. "Ikinagagalak ko po kayong makilala Don Miguel, Doña Marissa. Bodyguard po talaga ako ni Mam Toni, and so far, maayos naman po ang trabaho ko sa kaniya. Hindi naman po niya ako pinapahirapan." "Oh no, hijo. Just call me Tita Marissa. I would really appreciate it," masiglang sagot ni Mama. "I'm happy that you are getting along well with my daughter. Medyo mapili kasi ito sa taong nakakasalamuha." "Marissa, darling," protesta ni Papa. "It's okay, Antonio. Sabik ako sa anak na lalaki, alam mo iyan," sagot ni Mama na pinandilatan pa si Papa. "Alright, alright, darling. Huwag kang highblood," natatawang saad ni Papa bago ako binalingan. "Anak, kakausapin ko muna si Mr. Almirante sa library." "Sige po, Papa." "Antonio, don't be so hard on Mr. Almirante, okay?," malumanay na saad ni Mama. "Wait, pwede lang bang tawagin kitang Alaric, hijo?" baling niya kay Ali. "Opo, T--Tita Marissa. Alaric nalang po." "Great! Go ahead, Alaric. Kakausapin ka sandali ng asawa ko. Alam mo kasi, mahal na mahal niya ang kaniyang prinsesa." "S--Sige po, Tita. Maiwan ko po muna kayo." "Let's go, Mr. Almirante," tanging saad ni Papa bago tumayo at tinungo ang library. Pag-alis ng dalawa ay nagpaalam din ako kay Mama na aakyat ako sa kuwarto ko. "Sure, anak. Ipapatawag nalang kita mamaya kapag handa na ang mga pagkain. Tamang-tama, pagkatapos mag-usap nina Alaric at ng Papa mo ay nandito na rin siguro ang hinihintay niyang bisita." "May bisita po si Papa?" "Yes, anak. Kasosyo natin sa negosyo. May mahalaga yata silang pag-uusapan ng Papa mo." "Ganoon po ba? Sige po, Mama. Aakyat na po muna ako." "Alright, anak. Babalik na rin ako sa kusina," sagot ni Mama sabay tayo at naglakad patungo ng kusina. After slipping into something more comfortable, I made my way back downstairs to join my family for lunch. Dumiretso ako sa dining area kung saan naabutan ko si Papa na masayang nakikipag-usap sa isang lalaki. Sa suot pa lang nito ay halatang ito na ang business partner na sinasabi ni Mama kanina. Kasama nila sa malapad na dining table si Mama habang inaasikaso nito si Ali. "Anak, nandito ka na pala. Halika, ipapakilala kita sa bisita natin," tawag ni Papa sa akin kaya dumiretso ako at tumayo sa kaniyang tabi sa kabisera ng lamesa. Iniyapos ko ang aking kamay sa kaniyang balikat. Nasa kanan niya si Mama na katabi si Ali. Habang ang bisita naman ay nasa kaniyang kaliwa. Diretso akong napatitig sa bisita ni Papa at kulang ang salitang nagulat upang ilarawan ang nararamdaman ko habang napako sa mukha nito ang aking mga mata. Napakagwapo nito at halata sa hitsura na may lahi itong banyaga. "Papa? Sino po ang gwapong bisita natin?" hindi ko napigilang itanong. Narinig kong napaubo si Ali samantalang napangiti naman nang malapad ang bisita ni Papa. "Gwapo? Talaga, anak?" my father asked. There was amusement in his voice. "Yes po. Ang ganda ng asul niyang mga mata, Papa. May asawa na po ba siya?" dagdag ko pa na tila ba biglang nawala ang kahihiyan ko sa katawan. Pakiramdam ko ay isa akong teenager na na-crush at first sight. Mahinang tumawa si Papa bago sumagot. "Yes, anak. In fact, he's happily married with three kids or maybe four?" I heard the man chuckle. But he didn't say a word. "Oh," sagot kong napatango-tango. "What's his name, Papa?" "Oh, I'm sorry, anak. I forgot to introduce you to my friend. Ikaw naman kasi, nakakagulat ang mga tanong mo. Gusto ko na tuloy isipin na may crush ka rito sa kaibigan ko." "Papa naman!" nakangiti kong saad na tila kinikilig. Ngunit biglang naglaho ang ngiti ko nang biglang inihit ng ubo si Ali. Kaagad siyang dinaluhan ni Mama. "Alaric, are you okay?" "Yes po, Tita. Pasensya na po, nasamid lang po ako." "Anyway, anak, please meet my good friend here. Doctor Dela Victoria---" "Miguel, pare, huwag namang Doctor. It's all in the past." "Holy cow!" hindi ko napigilang komento. Napakaganda ng kaniyang boses. "Alright, pare," natatawang saad ni Papa bago ako muling binalingan. "Anak, this is my good friend, Sagittarius Zobel Dela Victoria. Kasosyo natin sa airline company." "Po?" "Yes. He is a Mechanical Engineer and a Certified Pilot," saad ni Papa. "Rius, pare, my one and only princess, my daughter, Marrie Toni. She is the current CEO of the Cuizon Group of Companies." Natutop ko ang aking bibig nang biglang tumayo ang lalaki at nakangiting inilahad ang kaniyang kamay sa akin. "It's an honor to finally meet you, Miss Cuizon. I heard a lot of good things about you from your father. Sobrang proud ang Papa mo sa'yo." "H--Hello po, Mr. Dela Victoria. It's nice m--meeting you po," saad ko na tila na starstruck sa kaharap ko. "Nah! You can call me Rius. Masyadong pormal ang Mr. Dela Victoria," masayang sagot nito. His voice, so confidently warm, only deepened my admiration for him. Ang sarap sa pandinig ng kaniyang boses. Each word he spoke carried an aura of self-assurance and approachability, drawing me in further. Pakiramdam ko ay napakasarap niyang kausap. "Ahm, nakakahiya naman po," tipid kong sagot bago tinanggap ang nakalahad niyang kamay. "I assure you, Toni. It's definitely fine. Oh, is it okay if I call you Toni?" Matamis pa rin siyang nakangiti. Saan ba nanggaling ang lalaking ito at nag-uumapaw yata ang magagandang qualities? He's perfect in every way. Kahit pa sabihing may edad na siya dahil sa mga silver streaks sa kaniyang buhok ay tila hindi man lang niyon nabawasan ang kaniyang appeal. Bagkus ay mas dumagdag pa nga yata iyon sa kagwapohang taglay niya. "Toni, anak, Rius is asking you a question. Bakit natulala ka? May problema ba?" May halong panunuksong tanong ni Papa. "Antonio, huwag mo ngang asarin ang anak mo," saway ni Mama. "Tingnan mo tuloy, namumula na ang pisngi." "Mama!" "Totoo naman, anak. At ang kamay ni Rius, hindi mo ba bibitawan? Baka awayin ka ng pinakamamahal niyang asawa kapag nakita nitong ayaw mo nang pakawalan ang kaniyang kamay," natatawang dagdag pa ni Papa na ikinatawa nilang lahat maliban kay Ali na seryosong nakaharap sa kaniyang pagkain. "Oh, I'm sorry po," hinging-paumanhin ko sabay bitaw ng kamay nito. "At oo po, pwede n'yo po akong tawaging Toni." "That's settled then. Anyway, Toni, please remove the po. Pakiramdam ko kasi ay ang tanda ko na." Nabaling ang atensiyon namin kay Ali dahil tila bumulong ito bago muling sumubo ng pagkain. "Ahm, s--sige po. I mean, alright, R--Rius." "Wait, I have something for you," biglang saad nito na tila may naalala bago may inabot sa katabi nitong bakanteng upuan. Nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang isang bouquet ng nagagandahang bulaklak at isang paper bag na may tatak ng isang sikat na brand ng chocolate. "Wow!" I uttered in admiration. Ngunit natigil ako nang biglang sumabat si Ali. "Excuse me, Sir. I'm sorry, but she's allergic to peanuts." Muling nabaling ang atensiyon namin sa kaniya. "Oh, ganoon ba? I'm sorry, I didn't know. Anyway, itong bulaklak na lang." "She's allergic to flowers too, Sir," muling saad ni Ali na ikinagulat ko. "Toni, anak, may allergy ka sa bulaklak? Kailan lang iyan nagsimula?" nag-aalalang tanong ni Mama. Kahit si Papa ay kakikitaan din ng pag-aalala ang mukha. Lintik na Ali 'to, gumagawa na naman ng kuwento ang loko-loko. Pero ayaw ko rin naman siyang mapahiya kaya sumakay na lang ako sa kaniyang sinabi. "A--Actually, it started just recently, Mama. Pero huwag po kayong mag-aalala, may gamot naman na po ako." I tried to sound convincing para wala ng maraming tanong. "Rius, thank you for the gift. I really appreciate it. Ipapalagay ko nalang iyang mga bulaklak sa vase sa living room. "You're welcome, Toni. And again, I'm really sorry." "Not a problem, Rius." "Sige na, anak. Maupo ka na sa tabi ni Rius at nang makakain ka na," saad ni Papa. "Sige po, Papa." Tumayo si Rius at inilipat ang mga regalo niya sa ibang upuan. "Here, Toni. Dito ka na maupo," nakangiting saad nito, offering the chair next to him. "Thank you, Rius." Bago ako humarap sa pagkain ay sinulyapan ko muna si Ali. Biglang sinalakay ng matinding kaba ang dibdib ko nang makita ko siyang mariing nakatitig sa akin. Bakas sa kaniyang mga mata ang... pagbabanta? Galit? Hindi ko matukoy. Teka, nagseselos ba siya kay Rius?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD