Isang araw sa lugar ng mahika may nakatira doon na isang Prinsipeng walang puso at walang kahit isang emosyon ang makikita sa mukha niya. Wala siyang mapatawad sa mga nagkakamali at lalo na sa mga kumakalaban sa kanya. May isa siyang kapatid pero hindi doon nakatira sa palasyo naglilibot ito kahit saan.
Ang Prinsipe ay maraming humahanga dahil sa pamumuno nito ganun din ang perpektong mukha at katawan na pinapangarap ng karamihan sa isang lalaki at mukhang isa siya sa mga perpektong ginawa ng kanilang diyos.
May mga babaeng lumalapit sa kanya di naman niya pinapansin dahil sa di niya gusto ang mga ito. Dahil sa wala siyang interest sa mga babae kahit maghubad pa ito sa harapan niya.
Nang isang araw madali niyang nalaman ang pag atake ng mga kalaban nila sa palasyo niya dahil sa marami siyang espiya na nagmamatyag kahit saang lugar.
Mabilis siyang gumawa ng plano para sa pag atake at pagsakop sa kanyang kaharian.
"Tapusin natin ang labang ito!" sigaw ng Binatang Prinsipe.
At dahil sa magaling sa labanan ang Binatang prinsipe madali nilang napugsa ang mga kalaban.
Pauwi na ang lahat sa palasyo nang may nakita ang Binatang prinsipe sa kanyang paglalakad na isang babaeng nahihirapang huminga at tinamaan iyon ng espada at mukhang nadamay iyon sa labanan nila.
Di niya maalis ang paningin niya sa dalaga at biglang nagkaroon siya ng interest dito at ito ang unang pangyayari na nagkainterest siya sa isang babae.
Dinala ng prinsipe ang dalaga sa palasyo at pinahiga niya ito sa higaan sa isa sa mga guest room sa palasyo. Pinagamot niya ang dalaga sa manggagamot nila sa palasyo dahil sa mga natamong sugat nito.
Hindi alam ng prinsepe kung bakit ganun nalang ang pagkainterest niya sa dalagang babae at ngayon niya pa iyon nakita.
Nakita niya na gumalaw ang babae at napamulat ang kanyang magagandang mata at di iyon maalis ang mata ng binata sa kakagising lang na dalaga.
"Ayos ka na ba? May masakit pa ba sayo?" tanong ng prinsepe pero kahit di niya ipahalata napansin parin iyon ng dalaga na parang nag aalala ang binata sa kanya. At di niya inaasahan na ang kumausap sa kanya ngayon ay ang lalaking matagal na niyang pinapangarap at tinitingnan sa malayo.
Biglang namula ang dalaga at napaiwas ng tingin.
"B-bakit ka namumula?" nagpapanik na sabi ng prinsipe. Natatakot siya baka di pa magaling ang dalaga.
"Ah eh, okey lang ako. Salamat mahal na prinsipe dahil tinulungan niyo po ako." sabi ng babae.
"*cough* W-wala yun.... Magbihis ka at sumabay ka na saakin kumain." Malamig na sabi ng prinsipe sa dalaga.
Kahit nagdadalawang isip wala siyang magawa ta tumango nalang ang dalaga.
Dito na tumira ang dalaga dahil sa utos ng prinsipe. Hiniling niya na maging alipin siya ng Prinsipe pero di pumayag ang binata dahil para sa kanya babae ang tingin niya sa dalaga at hindi isang alipin lamang.
Matagal tagal nang nakatira ang dalaga hanggang sa mapansin niya na kakaiba na ang mga galaw ng prinsipe at nagpapakita na ito ng motibo na parehas sila ng nararamdaman.
At marami ang nasiyahan dahil sa pagbabago ng Binatang Prinsipe. Hindi na iyon ang mahigpit na prinsipe na kilala nila.
Hanggang sa isang araw nagkaaminan sila at masaya sila dahil parehas ang kanilang nararamdaman.
Dumaan ang ilang buwan at nagpakasal sila at imbitado ang lahat ng mamamayan sa lugar nila.At naging Hari at Reyna na sila sa lugar nila.
Hanggang isang araw may isang problema ang gumambala sa kanila. Nagkasakit bigla ang Reyna. At palala ito ng palala hanggang sa isang araw nag aagaw buhay na siya sa higaan niya at nasa tabi pa din niya ang kanyang asawa.
"Mahal... Babalik ako at tandaan mo mahal na mahal kita." sabi ng Reyna at ngumiti ito sa prinsipe na umiiyak at umiling iling dahil di niya matanggap ang pangyayari sa asawa niya.
Pero wala naman siyang magagawa.
"P-pangako mo yan, mahal." sabi ng prinsipe. Tumango ang babae bago ngumiti at pumikit na.
Tahimik na umiiyak ang prinsipe hanggang naging abo na ito sa kamay niya.
'Hihintayin kita mahal kahit ilang taon kapa dadating.'
Yan ang pangako ng prinsipe sa sarili niya. Di naman siya mamamatay dahil siya ay isang Immortal na Prinsipe ng mga Good Wizard at namumuno sa skwelahang Wizard Academy.
*******
Naglalakad ang Hari sa kagubatan di niya alam kung paano siya napunta doon at parang nawawala siya.
Hanggang may nakita siyang matanda na naglalakad. Kulubot ang mukha nito, may maputing buhok at sira sira ang damit at may dala din itong sungkod upang di matumba sa kanyang paglalakad.
"Paumanhin po kung naabala ko po kayo. Saan po ba ang palabas dito sa kagubatan nawawala po ako?" Tanong ng Hari sa matanda.
"Ah iho, dumiretso ka lang sa daang iyan." sabi ng matanda.
"Ah salamat po." sabi niya at ngumiti ang matanda lalakad sana siya ng....
"Mahal na Hari, ang buhay ng isang tao ay parang isang lotus flower, kahit mamamatay ito mabubuhay din ito pagkalipas ng ilang araw. Kaya wag kang mag aalala kasi babalik siya sa pagkabuhay. Isisilang siya sa ibang tao doon sa mundo ng mga tao." Nabigyan ng pag asa ang Hari dahil sa sinabi ng Matanda.
"May mga kasabihan noon na kapag Wizard ka noon, magiging tao ka sa susunod na buhay mo at kung tao ka magiging hayop ka sa susunod na buhay mo. Kaya wag kang mag alala nararamdaman ko magkikita pa kayo. Doon sa mundo ng mga tao kayo magtatagpo." sabi ng matanda.
Ngumiti ang Hari dahil sa balita sa kanya ng matanda.
"Salamat po!" masaya na sabi ng Hari na di mababayaran ang kanyang kasayahan sa narinig.
Maghihintay ako sa pagdating mo. Mahal ko.
**********************************
LMCD