Chapter 3

1072 Words
Angelie Princess William POV... Maaga akong nagising kasi excited ako sa pasukan mga alas kwatro ang gising ko. Bumaba ako papuntang kusina at nagluto ng almusal may mga katulong naman kami pero gusto ko ako ang magluto eh. Masaya akong hinahanda ang pagkain at ng matapos na pumunta ako sa kwarto ni Mel. Binuksan ko ang pinto tulog mantika eh di agad magising kahit anong katok ko jan kaya pumasok ako at ayun nakita ko tumutulo pa ang laway. Natatawa ako sa itsura niya ngayon kaya kinuha ko ang cellphone ko at kinuwaan siya ng litrato. Ah nakalimutan ko siya pala si Meldonna Santiago same age saakin. Simula bata kami magkasama kami. May mansyon naman sila pero sabi ng mama niya na dito muna siya para may bumantay saakin. I'm so thankful dahil nakakilala ako ng kagaya niya. Balik tayo sa dati. "Mel! gising na." sabi ko. Paulit ulit ko siyang niyugyug pero tulog mantika padin eh. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at pinindot ang video. "Waaaaa!!! inaatake tayo ng mga Kalahi ni Vegeta!" sigaw ko kaya biglang napatayo si Mel at nagkaluhod luhod siya sa kakatakbo. Nagpipigil ako ng tawa pero... "Hahahaha!!! Epic fail!" tawa ko. "Asan na si Vegeta.... Wait... El!!!!" galit niyang sabi. Gulp! "waaaa!!! gusto lang kita gisingin pero ang tagal mong gumising! Si Pareng Vegeta lang pala ang makakagising sayo eh." pagpapaliwanag ko. Kumunot naman noo niya at tiningnan ako ng masama. Anong kasalanan ko?! "Tsk. Bakit mo ko ginising ha!" galit niyang sabi. Tinuro ko naman ang alarm clock sa gilid ng higaan niya at nakalagay doon. "Waaaa!!! Bakit ngayon mo lang ako ginising?! 6:30 na 7 ang klase natin. Pambihira naman oh!" sigaw niya at dmiretso sa cr. Napakamot nalang ako sa ulo ko bakit ganun reaktion niya. Forward.... Papuntang school... "Wonder pets, wonder pets kikilos na papunta na kami sa skwelahan ng sama sama! hindi malalaki at hindi malalakas pero pagnagtulungan lahat malulutas. Go wonder pets yehey!" sinasabayan ko ang sounds sa phone ko. bigla nalang ako binatukan ni Mel. "Aray! Mel ano nanaman kasalanan ko?" maiyak iyak kong sabi. Sakit kaya! "El! Mag labingwalong taong gulang ka na tapos yan ang kinakanta mo! Isip bata talaga." sabi niya napa pout ako sa sinabi niya. Eh sa favorite ko eh! Ah may naisip ako! hinalukat ko ang cellphone ko. "Come on bamonos! everybody lets go!.... *Boink!*" binatukan nanaman ako! Waaaa nakakailang batok natoh ha! "Bully ka masyado Mel!" sabi ko. "Shut up." sabi niya napapout ako. ~I'm a barbie girl! we are barbie world! life is plastic is fantastic! you can brush my hair and fix me everywhere....~ Napatingin si Mel saakin at nanlaki ang mata niya. "El!!!" sigaw ni Mel. Ano nanaman! "Bakit ganito ringtone ko!" inis niyang sabi. "Cute kaya." sabi ko. "Aish!" sabi niya. Tumahimik nalang ako. Di nako mag iingay. Sarap pa naman inisin ang isang toh. Hanggang makarating na kami sa school na papasukan namin at yun ang Sandford Academy. "Wow!" manghang sabi ko at tumingala ako ang laki! "Mel! ang ganda diba?!" sabi ko at hinawakan ang braso niya. "Yeah." sabi niya. Sa excited namin patakbo kaming papasok sa loob. "Ang cute ng uniforms nila!" sabi ko. Naka sevillan pa kasi kami. Tumakbo ako.. "El! wag masyadong tumakbo baka...." bigla nalang may nabangga ako na isang tao. "Aray!" daing ko. Napatingin naman ako sa nakabangga saakin. Wow gwapo! "Oh I'm sorry, Miss. Are you okey?" sabi niya habang nakalahad ang kamay niya. Tumango ako at tinanggap ang kamay niya. "Okey ka lang El?! ikaw lalaki di ka nag iingat eh!" sigaw ni Mel. "Mel, okey lang ako. Nagsorry siya kasalanan ko naman kasi di ako tumingin sa dinadaanan ko." sabi ko. At mukhang maghahasik ng digmaan ang mukha ni Mel eh. "Tsk! mag iingat ka sa susunod." sabi niya tsaka pinapagpag ang damit ko. "Opo." sabi ko at tumingin sa lalaki. "Uhmm sorry po." sabi ko ngumiti siya at tumango. Ang wafu niya! Oh my Goodness! "Tayo na. El." sabi ni Mel. "Uhmm ako po si Angelie Princess William at eto ang bestfriend ko na si Meldonna Santiago. Ikaw anong name mo kuya?" sabi ko sa kanya. "Jeson Red Sandford, call me Red para madali." sabi niya at ngumiti. ding dong Bell na! di pa namin alam ang room namin! "Saan ang room niyo?" tanong ni red. Napatingin ako sa paper na hinahawakan ko. "321" sabi ko. Mukhang nabigla naman si Red. "Tamang tama magkaklase tayo. Lets go." sabi niya at sumunod nakami sa kaniya. "Sigurado kaba na pinagkakatiwalaan mo yang lalaking yan?" sabi ni Mel. Napangiti ako tsaka tumango. Alam kong makakatiwalaan siya. Sumunod kami sa kanya habang naglalakad may mga bubuyog sa gilid ko. 'Sino ba yang dalawang nakasunod kay Prince Jeson.' 'Feeling masyado huh.' 'Mga malalandi!' Nabigla ako kasi biglang nasa harapan na nila si Mel. Kaya agad ko siyang hinawakan sa braso. "Mel, wag mo ng patulan." sabi ko. Naiinis talaga siya sa mga bullying na estudyante. Tumalikod nalang siya ng... 'Tsk.... Mahinang...." bigla nalang sinuntok ni Mel yung babae. Nako naman oh. "You b*tch!" sigaw nung babae at ayun nagsuntukan na sila. "Tama na yan." sabi ni red at pilit na punaghihiwalay ang dalawang yun. Anong gagawin ko? Di padin sila nakikinig ng nagpalabas yung babae ng ballpen mukhang yun ang gagamitin niyang atake. Kaya bago pa niya sasaksakin si Mel nahawakan ko kamay niya at malamig syang tinitingnan. At bigla kong inikot ang kamay niya at jinudo ko siya na kinatili niya sa sakit. "Try to do that again, baka mawalan ka ng braso." malamig na sabi ko at binitawan siya. Pagkaharap ko kay Mel. Bigla akong nagworry sa kanya at siya naman gulat na gulat nakita nanaman niya ang other side ko. -3- "Okey ka lang Mel? masakit pa ba ang ulo mo?" sabi ko. "H-Hindi naaaa!!!" bigla kasing binuhat ni Red si Mel kaya si ako kilig na kilig dito sa gilid. At dinala papuntang clinic. "Ibaba mo ko!" yan lang parating sabi ni Mel. "Hay alam mo Mel ayaw mo ding bumaba eh." sabi ko. Napatingin siya saakin. "What do you mean?" sabi niya. "Red, example mo nga." sabi ko at bibitawan sana ni Red ng napakapit ito ng maigi sa leeg ni Red. "waaa!!! oh di nako bababa!" sabi niya napangiti nalang ako at pumasok na kami sa clinic. "Diyan ka muna Mel ha! Babalik lang ako mamaya." sabi ko at tumango nalang siya. Pinapalabas kasi kami ng nurse eh. "I'm sorry dahil saakin. May gumulo agad sa inyo." paumanhin ni Red. Napailing naman ako. "Wala ka namang kasalanan. Okey lang yun. Try lang nila saktan ang bestfriend ko hihingi ako ng tulong sa Teen Titans!" napatawa nalang siya. "Favorite ko din ang teen titans nung bata pa ako." sabi niya. Mukhang magkakasundo kami neto. "Really?" sabi ko. Tumango naman siya. "Halika libre nalang kita. Di muna tayo papasok late na tayo eh." sabi niya. Tumango nalang ako. Sayang ang Grasya ********************************** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD