CHAPTER 2: The First Kiss

1859 Words
Pagbalik ni Kim sa office ni Marc ay nadatnan niya na wala pa ito. "Bakit kaya hindi pa bumabalik si Marc. Nauna pa ko sa kanya" naisip niya na halos 30 minutes silang nagkwentuhan ni Leslie expect niya na pagbalik sa office ay nandoon na si Marc pero wala ito. Nasa 8th floor sila kanina kaya magsasabay sa pagbaba sa elevator si Marc na bababa sa 7th floor at si Bea ay sa Ground floor. Hindi maiwasan ni Kim ang mag isip ng kung ano ano. "Hindi kaya magkasama pa din sila ngayon. Baka habang nasa elevator sila kanina bigla silang napatitig sa isa't isa tapos bigla silang nagkiss tapos narealize nila pareho na mahal pa nila yung isa't isa kaya ngayon magkasama sila sa hotel" biglang nataranta si Kim sa naisip. "Pero may kasama si Bea na assistant alangan maghalikan sila sa elevator na nandoon yun" "Baka pagkababa nila sa ground floor pinauna na ni Bea yung assistant na umalis tapos niyaya ni Bea si Marc na kumain sa labas at pumayag si Marc tapos nagpahatid si Bea kay Marc sa bahay niya kaya ngayon magkasama sila sa bahay ni Bea." Hindi uli mapakali si Kim sa naisip. Ilang minuto lang ay dumating na si Marc kasama si Darwin. Napatingin si Kim sa oras "5:30 na". Agad agad sumunod si Kim sa office ni Marc pagkakita na pumasok ang dalawa doon. Pagkahubad niya sa coat na suot ni Marc ay tinignan niya kung may bahid ng lipstick at inamoy amoy niya yun. Nang maisabit niya yun ay yung polo naman na suot ni Marc ang tinignan niya. Sinipat niya mabuti ang parteng kuwelyo nun maging sa balikat at likuran. Maya maya ay inamoy amoy niya si Marc sa leeg at batok. "Hon ano ba nandito si Darwin mamaya na yan sa bahay" bahagyang natawa si Marc ng makiliti sa ginagawa sa kanya ni Kim. Biglang natigilan si Kim sa ginagawa at napatingin sa paligid. Nakaupo si Marc sa upuan nito at nasa tapat naman si Darwin na parang natulala sa ginagawa niya. "Ay sorry inaamoy ko lang kung ano yung ginamit mong pabango kanina." Agad niyang sabi. Maya maya ay umalis si Marc at pumasok sa isang kwarto. Naisip niyang magtanong kay Darwin. "Darwin bat magkasama kayo ni Marc?" "Pumunta sya sa office ko tapos pumunta kami sa design team tinignan niya yung development nung architectural design sa bagong project" "Ah ganun anong oras sya nagpunta sa office mo". Kahit nagtataka sa tanong ni Kim ay sinagot na lang iyon ni Darwin. Napatingin siya sa oras. "Siguro around 4:20" Naisip ni Kim na 4pm natapos ang meeting nila kay Bea at may konting paguusap pa na nangyari kaya kung 4:20 pumunta si Marc sa office ni Darwin ay sakto lang sa oras na pagsakay nila ng elevator ay bumaba agad si Marc sa 5th floor para puntahan si Darwin. At walang nangyaring kakaiba. Maya maya ay may naisip naman sya "Syempre pagtatakpan ni Darwin si Marc baka dumiretso si Marc kay Darwin matapos na may gawin sila ni Bea tapos sinama niya dito si Darwin para hindi ako maghinala. Parang yung nangyari noon nung pumunta si Nicole sa office ni Darwin at papadating doon si Suzet. Pumunta agad si Marc sa office ni Darwin para sabihan ang dalawa na papunta si Suzet. Kinuha ni Marc si Nicole na kunyari ay kasama niya para hindi mahuli ni Suzet si Darwin." "Sinungaling ka" biglang sambit ni Kim. "What?" Nagtakang sabi ni Darwin. "Kayong magkaibigan huwag kayong magtakipan sa isa't isa ha huling huli na kayo eh". Inis na sabi ni Kim sabay labas niya sa office ni Marc. Napatingin na lang si Darwin kay Kim paglabas nito sa pinto. "Anong nangyari sa asawa mo sinabi ko lang kung anong oras ka pumunta sa office ko nagalit na" kuwento ni Darwin pagbalik ni Marc sa upuan. Pagbalik ni Kim sa pwesto niya ay hindi sya mapakali sa dami ng iniisip. "Hays pano kung balikan ni Marc yung ex niyang yun na mukhang kabit" Naisip niya yung kuwento ni Leslie na first love ni Marc si Bea. 5 years silang magkarelasyon at kahit alam ni Bea na engage na si Marc kay Samantha ay patuloy pa rin ang relasyon nila. At nung umalis si Bea papuntang US hinabol siya ni Marc para pigilan pero hindi umabot si Marc. Sinabi pa ni Leslie na nung time na nasa US si Bea ay dinadalaw ito ni Marc. Kasama noon si Darwin na dinadalaw naman ng palihim noon si Suzet nung time na nasa US din ito. Nahinto lang ang pagdalaw doon ni Marc ng maengage si Bea sa isang foreigner. "Kami 2 years pa lang ano laban ko sa 5 years" pakiramdam ni Kim ay bigla syang nanliit kay Bea. Habang pauwi at nakasakay sa kotse ay napansin ni Kim ang madalas na pagtingin ni Marc sa cellphone. Naisip niya na siguro ay nagpalitan sila ni Bea ng number kaya hinihintay niya na tumawag o magtext ito. "Bakit ba tingin ka ng tingin sa cellphone mo. Magfocus ka sa pagda drive" inis na sabi ni Kim. "May hinihintay akong text ni Darwin eh". "Darwin na naman" Iniisip niya na dinadahilan talaga ni Marc si Darwin. Maya maya ay bumaba sila sa isang restaurant. Pagkaupo sa isang table ay nakita ni Kim na may sinenyas si Marc sa waiter. Maya maya ay may bitbit na itong bulaklak. Kinuha iyon ni Marc at inabot sa kanya. "Happy 2nd anniversary" bati ni Marc sa kanya. "2nd anniversary" Biglang napaisip si Kim. "Hay oo nga Sorry hon nakalimutan ko. Happy 2 years" sa kaiisip niya ng kung ano ano ay nakalimutan niyang 2 years na nila bilang magbf at gf. Yun yung araw na sinagot nya noon si Marc. "Nakalimutan mo?? Diba kalendaryo ang kaharap mo dahil ikaw ang nag aayos ng schedule ko" "Nawala sa isip ko na anniversary natin ngayon." "Do you like this place? Si Darwin nagsuggest nito eh parang nadala na kasi kita sa lahat ng magagandang restaurant na alam ko wala nako maisip kaya nagtanong ako sa kanya" "Ah ganun ba kaya ba katext mo sya?" "Oo". Maya maya ay hinawakan ni Marc ang kamay niya. "2 years na tayong magkarelasyon. After 3 months 2nd wedding anniversary naman natin" "Parang kailan lang nung kailangan ko pang baguhin ang itsura ko para hindi mo makita ang kagandahan ko" natawang sabi ni Kim. "Ngayon hindi mo na yan magagawa kilalang kilala na kita." sabay halik ni Marc sa kamay niya. "I love you" "I love you too" naisip ni Kim na hindi pa din nagbabago sa kanya si Marc. Napaka sweet pa din nito at pinaparamdam talaga sa kanya na mahal sya. Biglang syang nakunsensya sa mga naiisip niya kanina. Matapos nilang kumain... "What would you like to do? Do you want to watch a movie? Kung ako tatanungin mo gusto ko dun". Sabay turo ni Marc sa hotel na nasa tapat. "Gusto ko yung masosolo kita eh nabitin ako sa ginawa natin kaninang umaga" napangiting sabi nito habang namumungay ang mga mata na nakatitig sa kanya. "Let's go" sabay hawak ni Marc sa kamay niya at umalis papunta sa tinurong hotel. "Kung umuwi na lang kaya tayo. Sa kwarto na lang natin gawin" sabi ni Kim pagka park nila ng kotse sa hotel. "Eh kapag naisipan na naman ni Dj na tumabi satin wala tayong magagawa. Gusto kitang masolo" "Executive" narinig ni Kim na sabi ni Marc pagdating sa front desk sabay abot ng card. Maya maya ay may inabot na keycard ang receptionist kay Marc. Umalis sila doon at sumakay sa elevator. Biglang naalala ni Kim yung naisip niya kanina na dadalhin ni Marc si Bea sa hotel. Pero ngayon ay sya ang kasama nito. Hindi na naman niya mapigilan ang makunsensya sa naisip kanina. Sa sobrang pagmamahal niya kay Marc ay napapraning na sya na mawala at maagaw ito sa kanya. Pagdating sa kwarto... "Ang ganda" sabi ni Kim pagpasok sa loob. Nakita niya na may jacuzzi sa loob nun. "Nagustuhan mo" "Oo. Tara dun" sabay turo ni Kim sa jacuzzi. Agad agad syang naghubad ng saplot at lumusong doon. Maya maya ay sumunod sa kanya si Marc pagkakuha ng bote ng wine at glasses. "I love you" sabi ni Marc nang tumabi kay Kim at hinaplos haplos ang balikat nito. "I love you too" sabi din ni Kim na napatingin kay Marc. Inilapit ni Marc ang mukha niya kay Kim at hinalikan ito sa labi. Maya maya ay biglang bumitiw si Kim sa paghalik kay Marc at umalis sa jacuzzi. Hinawakan naman siya ni Marc sa kamay. "San ka pupunta?" Tanong ni Marc ng mabitin sa kiss ni Kim. "Wait lang naiihi na ko eh" sabay hila sa kamay niyang hawak ni Marc at pumunta sa toilet. Habang umiihi ay biglang naalala ni Kim yung first kiss niya na tinakasan nya noon dahil sa biglang tawag ng kalikasan. Hindi niya mapigilan ang matawa ng maalala yun. "Bakit ka tumatawa" sabi ni Marc pagbalik ni Kim. "May naalala kasi ko sa first kiss ko" sabi ni Kim habang pumupuwesto sa tabi ni Marc. "Ako kasama mo first kiss mo nasa isip mo" sabi ni Marc na napainom ng wine sa inis. "Sorry na. Hindi ko lang mapigilan na hindi maalala" bahagyang natawa uli si Kim. "Bakit ano bang meron sa first kiss mo na hindi mo makalimutan" inis na tanong ni Marc. "Nangyari kasi yun sa kissing booth sa school ni Leslie nung foundation day nila. Eh may pakulo sila na papatayin yung ilaw tapos hahanap ka ng ikikiss mo for 100 seconds. Sa kalagitnaan ng kiss namin bigla akong umalis kasi naihi ako sa kilig kaya...." Hindi niya naituloy ang sasabihin ng magsalita si Marc. "Foundation day. Kissing booth. Kasama mo si Leslie. Si Dexter si Leslie ang hinalikan niya nun. Yung hinalikan ko biglang umalis. Sabi mo umalis ka. Teka naka red ponytail ka ba nun?" Tanong ni Marc ng maalala ang pangyayaring yun. "Bakit? Naka ponytail ako pero hindi ko na matandaan ang kulay. Nandun ka rin?" "Oo biglang umalis yung babaeng hinalikan ko nun. So ikaw yun?" natuwa bigla si Marc sa nalaman. "Talaga nandoon ka rin. Ikaw yun? Nakakatuwa naman ikaw yun. Ikaw yung first kiss ko." Biglang napayakap si Kim kay Marc. "Bakit ka kasi umalis hinanap kita nun eh hindi na kita nakita?" "Naihi nga ko bigla. Ang sarap mo kasi humalik eh kinilig tuloy ako" "Sana pinigilan mo. Nanghinayang ako nun hindi na kita nakita. Bakit ba sa tuwing nakikita kita without knowing na ikaw yun naiinlove ako sayo. Pauli ulit tayong nagtatagpo paulit ulit din kitang minamahal." Hinapit niya si Kim at inupo sa kandungan niya. Maya maya ay hinalikan niya to sa labi na ginantihan naman ni Kim. Naging maalab ang halikan na yun. Hinimas himas ni Marc ang mga dibdib ni Kim at maya maya ay hinalik halikan ito. Tumayo si Marc buhat buhat si Kim at umalis sa jacuzzi. Dadalhin niya sana ito sa kama pero hindi na kinaya ang namuong pag aalab kaya inilapag na lang niya ito sa bathroom sa gawing lavatory "Hon i can't help it!" ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD