Chapter 1
“Ma! Pwede bang maiwan nalang ako dito sa apartment? Kaya ko na ang sarili ko ma!” Reklamo ko kay mama nang sabihin nitong pinapalipat na raw siya sa bahay ni Sir Raymond Lopez. Ang boss ni mama na mayaman, matanda at ngayon ay step father ko na. Nasabi na ito ni mama sa akin noong nakaraang linggo ngunit hindi ko ito pinansin.
Napabuntong hininga si mama at nilapitan ako nito saka hinawakan sa braso. Medyo umangat pa ang tingin nito dahil mas matangkad ako sa kanya.
“Sapphire, anak. Alam kong mahirap tanggapin sa ngayon na may asawa na ako. Pero mas maganda ring doon na tayo tumira dahil iyon ang gusto ni Raymond at para na rin makilala mo siya.” Nakangiting sabi nito sakin.
“Ano ba kasing naisip mo at nagpakasal ka sa matandang yon ma?!” Inis parin na sabi ko sa kanya.
“Ops! Sapphire. Yang bibig mo. Hindi naman nalalayo ang edad namin ni Raymond a at mabait siya.”
“Anong hindi? Ma? Sampong taon ang agwat ninyo!”
“Pero hindi naman halata.” Nangingiting sabi nito sa akin. Totoo naman ang sinabi ni mama dahil hindi halata na matanda na si Sir Raymond sa kanya sa edad na 55 at si Mama naman ay 45. Sekretarya kasi ni Sir Raymond si mama kaya doon sila nagkadevelopan lalo at maagang nabiyudo si Sir Raymond.
Gwapo kasi ito at may lahing dugong bughaw. Parang si Papa, ang pagkakaiba lang ay purong Kano si papa. Yun nga lang ay sa litrato ko lang siya nakita dahil pagkatapos nitong buntisin si mama ay bumalik na rin ito sa bansang pinanggalingan niya.
Anak ako ni mama sa pagkadalaga at siya lang mag-isa ang nagtaguyod sa akin. Kaya galit ang nararamdaman ko ngayon sa aking ama na ultimo pangalan ay hindi ko alam at wala naman akong balak alamin. Pinapakita lang ni mama ang litrato nito sa akin pero kahit hindi ko ito tingnan ay makita ko palang ang sarili ko sa salamin ay parang nakikita ko na rin ito dahil kamukhang kamukha ko ito. Ni isa wala akong namana kay mama, p********e lang yata.
Mahaba at tuwid ang kulay tsokolate kong buhok, matangkad, maputi, matangos ang ilong at may halong kulay berde ang mga mata ko na talaga namang maraming nagsasabi na pwede akong maging modelo dahil sa aking mukha at hubog ng katawan. Hindi ko naman ikakaila dahil ito talaga ang itsura ko at wala na akong magagawa doon.
Mabait naman si Sir Raymond e pero hindi ko alam kung bakit ayaw kong magasawa si mama. Dahil siguro nasanay ako na kaming dalawa lang ang magkasama simula noong sanggol pa ako hanggang sa magpakasal ito noong nakaraang buwan kay Sir Raymond. Civil Wedding lang ang kasal nila dahil ayaw ni mama ng engrandeng kasal kaya ang witness lang sa kasal nila ay ako, ang ina ni Sir Raymond na matanda na rin at ang judge na nagkasal sa kanila. Sobrang simple. Walang media.
Gumawa din ako ng paraan para lang hindi ituloy ni mama ang pagpapakasal dito ngunit talagang nahumaling na si mama dito.
“Magempake ka na Sapphire. Maya-maya ay nandyan na sa baba ng apartment si Raymond.” Sabi ni mama nang makita niyang nakahiga parin ako sa kama at nakatingin sa kisame.
Ngayon palang ay nalulungkot na ako dahil lilisanin na namin ni mama ang kwarto kung saan kami tumira ng dalawang dekada at dito rin ako lumaki. Pinamigay na rin ni mama ang iba naming gamit sa mga kapitbahay namin kaya wala na kaming masyadong problema sa pagdidispose ng mga ito.
Mabigat ang mga paa kong nagtungo sa aparador kung saan nakalagay ang mga damit ko at isa isa itong inalis sa aparador at nilagay sa malaking traveling bag.
Nang maiayos ko lahat ng gamit ko ay excited na lumapit sa akin si Mama. “Anak, halika na, andyan na sila sa baba!”
Napabuntong hininga nalang ako sa masayang mukha ni mama. Ano pa nga bang magagawa ko? Andito na e. Talagang kita kong mahal na mahal nito si Sir Raymond.
Pagbaba namin ng apartment ay sinalubong kami ni Sir Raymond at ang driver nito. Agad nila kaming tinulungan sa mga dala naming mga gamit.
Mabilis akong umiwas ng tingin nang halikan ni Sir Raymond si Mama.
Maya-maya pa ay bumaling sa akin si Sir Raymond at nilapitan ako saka hinalikan ako sa noo. Nagulat ako sa ginawa nito at nahihiyang napaatras.
“Hello, Sapphire!” Bati nito sa akin nang makabawi.
“He-hello Sir Raymond.” Nahihiyang bati ko pabalik.
“Drop the ‘Sir’ iha. Call me Dad or Tito.” Nakangiting sabi nito. Napatitig ako sa mukha nito at talaga namang gwapo talaga ito at di ko masisisi si Mama kung nahulog siya dito.
“O-opo t-tito” Utal na sabi ko dito.
“Let’s go” Yaya nito at hawak kamay pa sila ni Mama na lumapit sa sasakyan. Pinagbuksan naman agad kami ng driver nila. Ako naman ay nahuling sumakay.
Muli kong tiningnan ang apartment na tinirhan namin at mapait na ngumiti.
‘Pag ako nakapag ipon, babalik ako dito at hihiwalay ako ng tirahan sa kanila.’ Ani ko sa isip.
Ayaw ko naman kasing ipagsiksikan ang sarili ko sa pamilya nila lalo na at si mama lang talaga dapat ang titira doon. Sabit lang ako.
“Sapphire, sakay na.” Tawag sakin ni Mama at natigil ako sa pagmumuni muni.
Mabilis akong sumakay sa loob at napatingin ako kay Sir Raymond na nakatingin sa akin.
“Sapphire, how old are you iha?” Tanong sa akin nito habang nasa biyahe kami papuntang bahay nila.
“20 po t-tito.” Utal na sabi ko dito.
“Same age with Riva. Bunso kong babae” Sabi nito na nakangiti. “I’m sure, makakasundo mo ang mga anak ko.” Sabi nito at nagtinginan sila ni Mama.
‘Mga? Ilan ba ang anak nito?’ Tanong ko sa isip.
Tila nabasa naman ni Tito Raymond ang nasa isip ko at nagsalita.
“I have 3 sons, and 1 daughter.” Nakangiti nitong sabi. Wala naman akong masabi kaya tango nalang ang nagawa ko.
“Tomorrow bibili tayo ng mga gamit mo for school.” Bigla ay sabi nito kaya napatingin kami ni Mama rito.
“B-bakit po?” Lakas loob na tanong ko rito. Dahil may mga gamit pa naman ako.
“Itatransfer na kita sa Saint Rose International iha.” Nakangiti paring sabi nito.
“Mon, that’s too much.” Kontra ni Mama dito.
‘Ayoko! Ayokong makisalamuha sa mga mayayaman!’ Sigaw ng isip ko.
Naririnig ko na kasi ang school na ito at talaga namang exclusive school talaga ito para sa mga elitista! At hindi ako kabilang doon!
“Tito, pwede ho bang sa school nalang po namin? Malapit lang naman po iyon sa bahay niyo ata mga 30 mins po ang biyahe kumpara sa school po na sinasabi niyo. Isa pa po, isang taon nalang po at gagraduate na po ako doon baka mahirapan po akong makahabol doon lalo pa at sure po ako na advance sila doon.” Mahabang paliwanag ko para hindi na niya ako ilipat pa. Tumingin din ako kay mama para pigilan ito sa desisyon nito. Kahit public school iyon ay maganda ang pakikitungo ng mga kapwa ko estudyante doon. Nasa 4th year college na ako at ang kinuha kong kurso ay Tourism. Gusto ko kasing maging flight attendant balang araw at makapagtravel ng libre sa iba’t ibang parte ng mundo.
Bumuntong hininga naman ito at wala nang nagawa nang kumbinsihin ito ni mama.
“Fine, pero ihahatid sundo ka ni Mang Jaime.” Sabi nito at umiling na naman ako.
“Tito, kaya ko po magcommute, no need po na ihatid sundo ako. Kaya ko po, hindi po kasi ako sanay na may naghihintay sa akin.” Sabi ko naman dito.
“Sapphire, hindi sa nanghihimasok pero gusto ko tulad ng mga anak ko ay mabigyan din kita ng magandang buhay. Nang pakasalan ko ang Mama mo ay kasama ka na sa priorities ko.” Sabi naman nito.
“Naiintindihan ko po, pero sana kahit ito nalang pong hiling kong ito ang pagbigyan ninyo.”
“Are you sure iha?” Tanong nito at mabilis akong tumango.
Ngumiti naman ito sa akin saka tumingin sa harap. Para naman akong nabunutan ng tinik nang pumayag ito sa gusto ko.
Lumipas pa ang ilang minuto at tumigil ang sasakyan sa isang gate. Ay mali! Sa isang malaki at malawak na gate!
“We’re here.” Mahinang sabi ni Tito Raymond at hinawakan nito ang kamay ni Mama ng mahigpit.
Napanganga ako habang binabagtas namin ang daan papasok sa bahay nila, ay mali! Mansion pala!
Alam kong malaki ang bahay nila ngunit hindi ko alam na Mansion pala ito.
Pinagmasdan ko ang harap ng bahay at sinilip ang loob ng nakabukas na pinto nang makarating kami sa harap mismo nito. Sobrang ganda! Talagang mayaman ang may-ari.
“Welcome home.” Sabi ni Sir Raymond sa amin ni mama at pilit ang ngiting binigay ko sa kanya.
Nang makapasok kami ay sinalubong agad kami ng isang matanda at kung iisipin ko ay mayordoma ito sa loob ng bahay dahil sa suot nitong uniporme kung ihahambing sa dalawang babae na nakauniporme rin.
“Nana Ines, ito si Sania, at ang anak nitong si Sapphire.” Pagpapakilala ni Tito Mon sa amin dito.
“Kinagagalak ko kayong makilala. Ako si Ines kung may kailangan kayo ay wag kayong mahihiyang tawagin ako.” Nakangiting sabi nito kaya nginitian rin namin ito at tinanguan.
“Lara, Maya ihatid niyo na ang mga gamit nila sa mga silid nila. Si Mam Sania sa kwarto ni Sir Mon at si Sapphire naman ay sa tapat ng kwarto ni Sir Radzkier.” Utos nito sa dalawang babae.
“A-ako na po” Pigil ko sa dalawa nang kukunin na nila ang mga gamit ko.
“Hayaan mo sila iha.” Sabi ni Tito Mon pero hindi ako nagpapigil.
“Ako nalang po, para po makita ko rin po ang magiging silid ko.” Sabi ko dito at nagaalangan namang tumango si Tito Mon.
Nginitian ko si Lara at Maya nang tumingin sila sa sa akin. “Ituro niyo nalang sa akin ang daan.” Sabi ko sa kanila at mabilis naman silang tumango habang ang mga gamit ni mama ang hinatid nalang nila sa kwarto nila ni Tito Mon.
Nang marating namin ang ikalawang palapag ay mas lalo akong namangha dahil para talaga akong nasa palasyo dahil sa disenyo nito at may anim na kwarto rito. Nagtaka naman ako nang maihatid ako ng dalawa sa tapat ng magiging sikid ko ay dire-diretsong naglakad ang mga ito at umakyat sa hagdan sa ikatlong palapag.
“S-saan kayo pupunta?” Habol na tanong ko sa kanila habang dala nila ang mga gamit ni mama.
“Dito po kasi sa ikatlong palapag ang kwarto ni Sir Mon, Mam Sapphire.” Sabi ni Maya. Nahiya naman ako sa tinawag nito sa akin. “Maya, Sapphire nalang ang itawag nyo sa akin, hindi ako Mam.” Nakangiting sabi ko sa mga ito at nagtinginan naman sila ni Lara saka todo ang ngiting bumaling sila sa akin.
“Naku, ang ganda ganda niyo na nga Mam, ang humble niyo pa!” Sabi ni Lara sa akin. Namula naman ako sa sinabi nito at ngumiti nalang.
“Sige, Sapphire, dalhin lang namin itong mga gamit ni Mam Sania sa kwarto ni Sir Mon.” Sabi ni Maya at tumango naman ako.
Hinatid ko muna sila ng tingin bago ako pumasok sa kwarto na tinuro nila sa akin.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay mas lalo na naman akong napanganga dahil parang kwarto ng prinsesa ang nakita ko. ‘Diyos ko! Totoo ba ito?’ Hindi makapaniwalang tanong ko sa isip.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kwarto at nilibot ko ang paningin ko rito.
“Did you like it?” Bigla ay may nagsalita sa likuran ko at nakita ko si Tito at Mama na nakangiting nakatingin sa akin sa pintuan ng kwarto.
Tango lang ang naisagot ko rito.
“Thank you.” Mahinang sambit ni Mama dito at nginitian lang din ito ni Tito Mon.
“Thank you po.” Nahihiyang sambit ko dito bago ko itinuloy na libutin ang kwartong binigay sa akin.
“Anything for you and your mom, Sapphire.” Sambit nito bago nila napagdesisyonang iwan ako sa kwarto ko.