Chapter 15 KATRINA ACE'S POV Hindi ko mapigilan na mapa- ngiti ng makita ko ang repleksyon sa salamin. Tanging bestidang puti ang aking suot at hinayaan ko na lamang naka- lugay ang aking mahaba at magandang buhok. Nag- lagay din ako ng pulbos sa mukha at liptint sa labi, para itago ang pagka- haggard ng aking itsura. "Gusto mo bang ihatid na kita? " Napa- tigil ako sa pag- aayos ng marinig ang britonong boses ni Don. Umanggat ako ng tingin at nakita ko ang repleksyon ni Don sa salamin, na naka- tayo sa aking likuran, na pinag-mamasdan ang aking pag-aayos. Naka- suot ito ng black pants, navy blue polo, at bahagyang naka- alis ang dalawang butones ng suot nito na sanhi tumambad sa akin ang kaaya-aya nitong kakisigan. Kinagat ko ang ibabang labi habang napa- dako ang aking paningin sa