bc

The Mermaid Princess

book_age12+
714
FOLLOW
1.8K
READ
HE
bxg
lighthearted
bold
highschool
superpower
like
intro-logo
Blurb

Did you ever notice na meron ding nakatira sa ilalim ng dagat maliban sa mga isda at iba pang lamang dagat? Sila ay mga extra ordinaring creature.

Hindi mo inaasahan ang mga kakayahan nila.

Kalahating tao, kalahating isda ang best description sa mga nilalang na ito. Sila ang mga sirena. Ang mga taga-alaga sa karagatan.

Pero pano kung one day ma-in love ang isang serena sa tao? Gagayahin kaya ng bida ang naging disisyon ng ama niya noon na pinili ang tinitibok ng puso? O mas pipiliin niyang mamuno sa kaharian nila?

At dahil na rin sa misyon na naibigay sa kanya kaya niya nakikilala si Luke na unang magpapatibok ng puso niya

Sabayan natin ang journey ni Ellaine The Mermaid Princess

chap-preview
Free preview
Prologue
"Mommy bakit po tayo nag-eempake?" tanong ng 8 years old na batang babae na nagngangalang Lena. "Lilipat na tayo baby." Nakaupo lang ang bata sa gilid ng kanyang kama habang ang mommy naman niya magkatapat sila ng mukha ni Lena. "Sinabi ko na ngang im not a baby anymore eh," pagrereklamo ng bata na nagkamot pa sa likod ng ulo. Ayaw niya kasing matawagan ng baby dahil big girl na raw siya. "Kahit lumaki ka na. Ikaw pa rin ang tanging baby ko." Pinisil pa konti ng mommy niya ang matabang pisngi ng bata. "Pero bakit po tayo lilipat?" Nang napalitan na ng pagtataka ang mukha ng bata. Nagtataka pa rin kasi siya kung bakit sila lilipat eh maayos naman ang pamamalagi nila sa dati nilang bahay. Hindi pa kasi nila naipapaliwanag kay Lena ang balak nila kasi biglaan din ang paglisan nila sa kanilang lugar. Nakabili kasi ang ama ng bata ng magandang bahay at lupa sa kabilang isla. Kailangan din nilang lumisan kaagad para sa pag-aaral ng bata. Si Lena ay nasa pangalawang baitang pa lamang ngunit napakabibo na. Parang gusto niyang walang gabay ang kanyang mga magulang. Independence kumbaga. "Meron kasing nabili ang daddy mo na bahay 'dun. Pero sa kabilang isla pa yun kaya sasakay tayo sa barko," nakangiting salaysay ng ina at nakahawak pa ang kamay niya sa lap ng bata. Kita mo naman sa mukha ng bata ang excitement ng marinig niya ang salitang barko. "Barko? Ito po ba yung sasakyan that crosses the ocean?" Mababakas sa nakangiting mukha ng bata ang pagkasabik dahil sa wakas ay makakasakay na rin siya sa tinatawag na barko na sa tv niya lang nakikita. "You're absolutely right baby," her mommy said in an amusing tone. Hindi niya alam na sa murang edad ng anak ay alam na niya ang mga bagay na ganun. Ang matured na ng isip nito. Napapanuod din naman kasi niya sa mga DVD na inuuwi ng daddy niya. Ang daddy niya kasi noon ay isang marine pero nagresign siya kasi nawawalan na siya ng oras sa kanyang pamilya. Kaya mas maganda na humanap na lang siya ng trabaho na hindi magugugol ang lahat ng oras niya. "Sabi ko na ngang I'm not a baby any more," pabulong na sabi niya dahil ayaw niya talagang nasasabihan ng baby at hindi naman yata narinig ng mommy niya 'yun. "Ano? Ready na ba kayo?" tanong ng daddy ng bata na kararating lang sa kwarto kung nasaan sila. Sabay namang lumingon ang dalawang nasa loob ng kwarto. "Oo, ready na rin 'yung mga bagahe," sabi ng mommy niya na lumabas na sa kwarto. Sumunod naman ito sa mommy niya. "Get in the car now baby." Naglean pa konti ang mommy niya sabay g**o ng buhok nito bago bumalik sa loob at may nakalimutan daw. Padabog na naglakad si Lena papunta sa sasakyan kasi nga ayaw niyang matawag na baby. Nanatili lang si Lena sa kotse ng ilang minuto hanggang sa dumating na ang mga magulang niya. Nagsimula nang magpaandar ng sasakyan ang daddy ni Lena. Nasa likod naman ng driver's seat sina Lena at ang mommy niya. "I'm sure that you will love our new house baby." Nagsmile lang si Lena as a way of response sa sinabi ng kanyang ina. At maya-maya pa ay nakarating na nga sila sa pier. Hindi naman kalayuan ang bahay nila sa daungan ng barko kaya mabilis silang nakarating. Nauna nang pumunta sa loob ng barko ang mag-ina at may inasikaso lang ang daddy ni Lena. Nakuha na rin nila ang susi ng magiging kwarto nila sa barko. Namangha pa si Lena sa mga nakikita niya. Kasi ang kwarto nila ay ang wall niya ay gawa sa matibay na salamin kaya nakikita mo ang kabuoan ng dagat. "Wow, ang ganda rito mommy!" manghang sabi ng bata na nakatingin sa glass wall sa kwarto nila. Nakangiti lang ang mommy ni Lena na nakaupo na sa higaan na nakatingin sa kanya. "Mamaya lang baby ha? Magccr lang si mommy." tumango lang si Lena sa sinabi ng kanyang ina at pumunta na nga ang kanyang mommy sa cr ng kanilang kwarto. Umupo muna ang bata sa gilid ng higaan nila nang may kumatok sa pinto ng kwarto nila. Pumunta naman siya sa may pintuan para pagbuksan kung sino ang kumatok. "Ano pong kailangan niyo?" tanong ni Lena sa batang lalaki na kasing edad lang niya. "Sorry, akala ko kasi room number 120 kami. Pero nagkamali yata ako," paliwanag ng batang lalaki sa kanya sabay kamot sa likod ng ulo. Sandali lang ay meron nang dumating na hindi naman katandaan na babae na kaedad lang din ng mommy ni Lena. "Kenneth, kanina ka pa namin hinahanap," nag-aalalang sabi ng babae sa anak nito. "Nawala po kasi ako mommy. Akala ko po kasi kung room 120 tayo," paliwanag ng bata sa kanyang ina. Nang naibaling kay Lena na ulit ang atensyon ng babae. "Sorry iha kung nagambala ka ng anak ko," paumanhin niya. "Ah. Okay lang po," sagot naman ng bata at umalis na nga ang mag-ina sa karapan ng batang si Lena. Nang meron naman siyang naalala. Sa mga napapanood kasi niya merong magandang view sa harapan o likod ng ship. Sinara na niya ang pinto sa likod niya at nagsimula ng maglakad papunta sa likuran ng barko. "Wow! Totoo pa lang maganda rito!" sabi ni Lena na palapit ng palapit sa pinakagilid ng barko. Kitang-kita ni Lena ang madilim na kalangitan dahil gabi na. At sa kalangitang iyon ay makikita niya ang buwan na bilog na bilog. *ppprrriiittt* Napalingon si Lena dahil sa narinig na pagsipol. Nakita niya ang security guard na ilang metro ang layo sa kanya. "Bawal ang bata rito." Nakaturo pa ang security guard habang papalapit ito kay Lena. Hindi niya alam ang gagawin niya that time kaya tumakbo na lang siya palayo sa guard. "Bumalik ka rito bata ka!" sigaw ng guard na hinahabol na ang bata. Imiikot-ikot lang sila na naghahabulan. Lumulusot lusot kasi si Lena sa mga maliliit na tunnels na 'dun pa rin sa likod ng barko. Pero nacorner na siya sa gilid ng ship kung saan nakikita na niya ang malawak na karagatan. "Huwag kang gagalaw bata. Mahuhulog ka riyan." Dinadahan-dahan na ng guard ang paglapit kay Lena para hindi siya mahulog. Inabot pa ng guard ang kamay niya para abutin naman ito ng bata. "Abutin mo ang kamay ko." Hindi naman yun ginawa ni Lena kahit na nanginginig na ang mga tuhod niya sa takot dahil sa kung ano ang nasa likod niya na konting galaw mo lang ay pwede kang mahulog. "Ayoko. Baka ipakulong mo ako." Nakahawak pa rin si Lena sa may railings ng barko na halatang natatakot na. "Hindi ko gagawin yun. Ihahatid lang kita sa mga magulang mo." At dahil sa naging sagot ng guard ay biglang nakampante si Lena at dahan-dahang inaabot ang kamay niya sa guard pero bago pa niya tuluyang maiabot ang kamay niya ay nadulas siya kaya dahil dun ay nahulog siya sa dagat. "Aaaaaahhhhhhhh!" "Bataaaaa!" Hindi niya alam na merong nagmamasid sa kanya kanina pa. Isa siyang sireno na kasing edad lang din ni Lena. At ang sereno na yun ang sumagip sa kanya. Dinala niya ang batang babae sa Blue sea. Binantayan lang ng batang sireno si Lena hanggang sa ito'y magkamalay. Nagmulat na siya ng mata pero nang makita niya si Edo ay nagsimula na siyang magpanic. "S-sireno!" natatarantang sabi niya at dahan-dahan siyang umaatras sa kanyang kinauupuan. "Huwag kang matakot bata, mabait ako," paliwanag naman ni Edo habang nakahawak pa ito sa dibdib niya. "Pero ang mga nababalitaan ko sa sirena ay puro masasama," sabi naman ng batang babae. "Huwag kang maniwala dun." Unti-unting nilibot ni Lena ang paningin. Nasa tabing dagat pa rin kasi sila. "Nasaan ako?" tanong niya habang nililibot pa rin ang paningin sa paligid ng dagat. "Nahulog ka sa sinasakyan niyong barko," paliwanag naman nito kay Lena. Napansin din ni Edo ang panlalaki ng mata ng batang babae. "Nahulog ako sa barko?" Nakahawak pa siya sa bibig niya dahil sa gulat. "Oo," sagot naman ng sireno. "Pero paano? Siguro nag-aalala na sila mommy ngayon. Saan ko na sila hahanapin ngayon?" Maluha-luhang sabi ni Lena. "May mabuting tao rin na kukupkop sa'yo rito," sabi nito sa batang babae. "Pano mo alam? Manghuhula ka ba?" Bakas ang pagtataka sa expresyon ng batang babae. "Isa akong sireno kaya hindi imposibleng makakakita ako ng future ng isang tao." Sa murang edad kasi ni Lena ay marami na rin siyang napapanood na mermaid stories kaya hindi siya makapaniwalang totoo pala ang mga ito. "Pero anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa sireno na matamang nakatingin lang sa kanya. "Hindi mo ba alam na ako ang nagligtas sa'yo. Matapos kang mahulog sa barko," proud na paliwanag nito kaya biglang napatahimik si Lena. Pero maya maya lang ay hinawakan ni Edo ang tenga niya na wari bang meron siyang pinapakinggan. "Bakit?" tanong naman ni Lena kay Edo dahil sa inakto nito. "Kailangan ko ng umalis. Tinatawag na kasi ako." Paalis na sana siya sa pampang nang pinigilan siya ni Lena. "Sandali." Tumigil muna sandali si Edo at hinarap muli si Lena. "Bakit?" Tinignan ni Lena ang bracelet na nakasuot sa right hand niya na binigay pa ito ng mga magulang niya. At maya maya pa ay tinanggal niya ito at isinuot kay Edo "Para saan 'to?" tanong ni Edo na nakatingin sa kamay niya na pinaglagyan ni Lena ng bracelet. "Yan ang simbolo na nagkakilala tayo, kaya huwag mo 'yang wawalain ha? At sana..." Pagkasabi ni Lena yun ay hinawakan niya ang kamay ni Edo na kung saan nakasuot ang bracelet, "ingatan mo 'yan." Matagal din sila nagtitigan hanggang sa maalala ni Edo na tinatawag na pala siya ng kanyang ama. "Oh sige, punta na ako." Nagpatuloy na nga siya sa paglangoy. Tinitigan lang ni Lena ang nanggalingan ni Edo. Kinapa niya ang tapat ng puso nito para damhin ang t***k. Ngayon pa lang niya naramdaman ang ganung saya ng nakaharap niya ang sireno. Inaamin niyang nagulat siya nung malamang totoo pala ang mga sireno. Sa kalalim ng iniisip niya ay nabanggit niya ang mga katagang "Sa muli nating pagkikita."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Barely Heiresses: Amira

read
16.6K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
285.5K
bc

Loving the Nation's Idol

read
5.1K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
483.1K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
303.3K
bc

Two Bad Boys Beside me (Tagalog) COMPLETED

read
275.5K
bc

Withholding Love

read
62.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook