After na malaman nila ang kanyang pagbubuntis ay naging mas maingat pa lalo sa kanya ang asawa. They still do it daily, the intimacy but not the way it does before. Mas maingat na ang asawa at super protective. Ngayon ay isinama siya nito sa opisina nito, nagreklamo kasi siyang na bo bored na sya sa bahay lang. Although minsan nandun naman ang kanyang mga bayaw at byenan ay nahihiya parin siyang makipag usap sa mga ito lalo at lalaki ang mga ito. Ang mga kasambahay naman ay medyo hesitant sa pakikipag usap sa kanya. Tanging si Yaya Rosing lang ang kanyang nakakausap kaya lang ang dami din nitong ganap. Kaya ito nagpasya na lamang na isama siya. "If you need something just ask Miss. Jo okay?" Sabi nito na tila ba ay nag aalangan pang iwanan siya sa labas. Gusto kasi talaga nito na sa loo