Lalaya na siya today, pwede na daw siyang i discharge ayon sa doctor. Sa halip na masaya siya ay di niya maiwasang di malungkot lalo na ng maalalang wala na pala siyang uuwian ngayon. Napahaplos siya sa kanyang tiyan at napatingala sa langit. Nasa baba ang mga kasama niya maliban kay Jhai na siyang nag aasekaso ng kanyang pinagkainan. 'Paano na tayo ngayon anak? Saan tayo pupunta?' di niya maiwasang di mapahikbi. "Hey, Raya what's wrong may masakit ba sayo? Dapat sinabi mo kaagad." Nag aalalang tanong nito, umiling ako at parang baliw lang na ngumiti. "Wala, naiiyak lang ako sa sitwasyon ko ngayon. Saan na ako nito pupunta?" Sabi niya dito. Walang wala siya, tila siyang isang batang naliligaw sa ngayon. Di niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya pagkalabas niya sa lugar na iyon. Ma