BW6

1552 Words
"Raya,ano nakausap nyo?", usisa ni Kuya Jim, nasa palengke si Ate Gina, wala paring ideya ang asawa nito sa kalagayan ni Kuya Jim. "Pumayag na ako kuya," sabi ko, nakayoko, pumayag na ako, tenext ko na kagabi ang lalaki, bahala na si batman, crush niya naman ito, kaya okay na din. "Ano?? nababaliw kaba, matanda na si sir Enrico, bata kapa," himutok nito. "Tungak, sa anak niya ako ikakasal, hindi sa kanya," sabi ko dito. "Sino sa tatlo?" tanong nito. "Kay Dos," sagot ko, natigilan naman ito. "Baka kay si Sir Eric." sabi nito. "Dos nga kasi," sabi ko dito. "May nobya na si Sir Dos, yung maarteng naging dahilan ng pagkakasali ko sa kaso." sabi nito, na ikinatigagal ko. "Pero di talaga ako maaring magkamali kuya, Dos ang pakilala sa kanya ni Sir Rico e." sabi ko. "Hay ano ba naman to, so okay lang ba talaga Ray?, may sakit ka paano yan." nag aalala na sabi nito. "Syempre sinabi namin, kaya lang di naman umepekto ang sakit ko Kuya, di ako hinimatay sa hawak niya." sabi ko dito. "Raya anak, di mo kailangang gawin to, nandito kami kung anuman ang hatol kay Kuya mo, di ko pababayaan ang mag iina niya." sabi ni Tita. "Naka oo na ako Tita, ang totoo nga niyan mamamanhikan na sila mamaya." nakangiwi kung sabi dito. "Ay susmaryusep kaya pala panay ang walis ng dalawang baliw sa labas." si Kuya Jim. "Hoy Kuya Jim, nadinig namin yun, naku napaka bully mo talaga." si Heather na piningot si Kuya Jim, saktong dating ni Ate Gina. "Ate Gina, sawayin mo nga tong gurang na ito, kuhh binu bully kami, aba aba, buti di nagmana sayo ang mga anak mo." si Gela, natatawa naman kami ni Tita. "O siya, kilos na magpalit tayo ng mga kurtina kung ganun," si Tita. "Oy besh, psst Raya, paturo kana kay Ate Gina, para naman may alam ka sa ano, alam mo na." Si Heather nang matanto ang iniisip nito, ay binato niya ng tsinelas ang kaibigan. "Alam mo Raya anak, natutuwa ako na nandito kayong tatlo, instant apat ang anak ko, di man natin kadugo yang dalawa e daig pa ang anak kung mag alaga sa akin." si Tita na nakamasid sa dalawang makulit. "Say Tita Ganda", turo ni Heather sa bata ang anak ni Kuya na si Gigi. "Kuh ,tuturoan mo pa na magsinungaling ang anak ko," pang aasar ni Kuya. "Tita oh, si Kuya Jim, " sumbong nito, ang dalawa talaga ang madalas mag asaran next to Gela. "Ikaw naman Gela, kumusta di paba nauuntog si Mr.Hunk?", untag nito sa tulalang si Gela. "Baka ako ang mauntog, ganun ba talaga kayong mga lalaki Kuya?", tanong nito. "Ano kaming mga lalaki?," si Kuya. "Masungit, moody tapos magugulat nalang ako, e manghahalik na." reklamo nito. "Ayee kunyari ayaw i kiss pero, nakuu", panunukso ni Tita. "Tita!, naman e, e sa kinikilig ako, o ayan umamin na ako, isasama niya ako sa singapore next week, anong gusto mong pasalubong Ta?" baling nito kay Tita. "Sapat na sa akin na ligtas kang makabalik, " sabi naman ng ginang. "Ayee kinikilig ako kay Tita, may pa ganern, dahil diyan ako ang cooker nyo ngayon," sabi ni Heather, mabilis namang nakatayo si Kuya Jim. "Ako na Hej, ayokong kumain ng maalat ngayon," sabi ni Kuya na natatawang pumasok sa kusina, sumimangot naman si Heather, na ikinatawa namin. Minsan na silang nakapag ulam ng maalat na adobo, o kaya naman maalat na afritada, kaya naman sumuko na ito sa kaka practice sa kusina. Saktong alas singko ng hapon ng dumating ang anim na sasakyan, van to be exact. "Good afternoon Sir," bati ni Kuya Jim, siya nasa sulok lang nakamasid, ganun din ang dalawa. "It's Tito Hijo, anyway you can go back to work, tommorow, the investigation is now over." sabi ng matanda. "Yes T-tito." sabi ni Kuya. "Hello po, Tito." bati ko naman, di na bumeso, kasi malamang baka di matuloy ang pamamanhikan kung mahimatay ako. "Hello, Dear Fiancee." bati ni Dos, na lumapit at yumakap sa akin, humalik pa sa pisngi, hinintay niyang matumba siya, pero lumipas ng isang minuto, gising siya, omg di nga tumatalab dito. "Di ako, hinimatay?", taka kung naisatinig. "Yes, Baby," sabi nito, nag si upo na ang lahat, siya di siya mapakali, lalo at inakbayan siya ni Dos. "Calm yourself, I won't bite." bulong nito, na nagdulot ng kilabot sa kanyang kaibuturan. "Sa sunod na araw ang kasal sa Judge lang muna, then after four months ang sa simbahan, okay lang ba yun Raya?" baling ng Future father in law ko. "Sa sunod na araw po?, e sa sabado pa po ang off ko e." nakangiwi kung sagot. "I aldeady talk to Simon, you will be a full time wife." sabi ng damulag sa tabi ko. "Ay teka di ata ako na inform, paano ako mabubuhay kung di ako magtatrabaho?," nalilito kung tanong. "Simple lang friendship, huminga ka lang palagi para mabuhay ka." mahinang pamemelosopo ni Heather na ikinatawa namin lahat, teka nasabi ko naba na dala niya ang boung barangay, ganun sila ka dami at napuno ang sala nila Tita. "I'll provide everything you need since you are my wife." sabi ni Dos, na mahigpit na ang hawak sa beywang niya. "Teka may hiling sana ako, bago tayo ikasal." sabi ko sa mga ito. "Gusto kung pumerma ng prenuptial agreement, para alam nyo na, lalo at mahirap lang kami." sabi ko. "Sure, besides pag nagkaanak na tayo, I don't think kailangan pa natin ng prenup." sabi ng lalaki. "A-anak?" gagad ko sa sinabi nito, god umalsa yata lahat ng kailangang umalsa sa akin. "Yes, anak ,children, to be exact, gusto ko ng maraming anak." sabi nito, na ikinalunok ko ng maraming beses. "Gagawin natin yung ganun??", nanlalaki ang mata kung baling dito, pabulong lang, kasi nagkanya kanyang kwentohan na ang mga ito, nasa silid na ang mga anak ni kuya, good thing at sound proof, kaya kahit maingay ay okay lang. "Yes of course." sabi nito. "Sugurado kaba?, di ako marunong sa ganun, tsaka may sakit ako panu kung himatayin ako kung gawin ang ganun?" mahina ko paring tanong, tumawa naman ito na bumaling sa kanya. "Don't worry, mag pa practice tayo, hanggang sa matuto ka," sabi nito, sabay nakaw ng halik sa labi niya, lumingon lingon siya kung may nakakita, nanlaki ang mata niya ng mapansing lahat sila ay nakatingin, pulang pula ang mukha kung napayoko nalang. "Kasi naman e, magnanakaw ka." singhal ko dito. "What's wrong, naiintindihan nila yan, we are getting married soon, so it's just normal." sabi nito na balewalang sinandala ako sa balikat niya. "Kahit na." angal ko. "Nga pala Tita, isasama ko si Raya sa Palawan tommorow, we have to invite our relatives their personaly," paalam nito sa Tita ko, nanlaki na naman ang mga mata ko. "Diba, bawal magkita bago ang kasal ang dalawang ikakasal kasi ma dedesgrasya?", sabi ko dito. "Tama ang asawa mo Hijo, pagpaliban nyo muna maybe after the civil wedding." si Tito. "Magiging busy na ang mga bata kumpadre sa kanilang honemoon," sabat naman ng Tita niya. "Tama po si Tita, sige tamang tama, okay lang ba sayo kung one month lang ang honeymoon natin?," malakas na ang boses nito, kaya naman lalo akong nailang, jezzz ayoko na sa earth talaga. "Bakit ba honeymoon ang pinag uusapan natin, nakakainis ka, di kaya ako komportable sa mga ganyang topic." singhal ko dito, na umani ng pang aasar sa mga kaibigan nito. "Naku Raya, si Sitty ganyan din noong una, pero nasanay na din." sabi nung si Reeve. "Ayaw pumayag ng isang buwan lang, sige mga tatlong buwan nalang siguro." biglang sabi nito, na nakatikim ng hampas mula sa kanya. "Ouch, binibiro ka lang e." nakangising sabi nito. "Naku Raya, iiwasan mong bumarkada kay Yumi, Trina, Gayle at Ally ha, mga asawa ng aming mga kaibigan, baka turoan kang mag judo, taekwando at muay thai, kawawa si Pareng Dos." pang aalaska ni Gio. "Si Lira,Sitty,Lyka at Rich lang ang kaibiganin mo," dagdag ni Lyndon. "Sumbong kita kay Yumi." si Damon. "Friend kami nun oy," si Gio. "Sus, nga pala Heather, prangkahan na to, single kaba?, pinapatanong ni Eric." si Yael na nakangisi. Namula naman ang mukha ng kaibigan niya. "Pabebe to, single yarn, type mo?,"si Gela na tinanong si Eric mismo. "Yeah,"sagot naman ng huli na nakatikim ng panunukso mula sa mga kasama. "Babalaan na kita habang maaga palang, mag hire ka ng cook, bago mo asawahin to, kung ayaw mong magkasakit sa bato." si Gela, na nakatikim ng kurot kay Heather. "Okay lang yan, Gel chief naman yan si Pareng Eric," si Gab na umaper pa kay Kairo. "I'll pick you up tommorow." sabi nito sa kaibigan. "How about you Gela?" tanong ni Jhai. "Pass, haha I'm gonna say I do next month." sabi nito na itinaas ang palasingsingan. Naramdaman niya ang malamig na dumampi sa kamay niya, isang engagement ring, di niya masyadong makita kasi nga nakaupo kami. "It's getting late na Rowi, tutuloy na kami ng mga bata, o paano see you on the weeding day." sabi nito na bumeso sa Tita niya, na tila ilang na ilang. Di niya napaghandaan ang pag beso ni Jhai, pagdampi sa kanyang pisngi ng pisngi nito, ay nawalan na siya ng malay. "Raya!" yun nalang ang narinig niya. itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD