Kabanata 1
"Let's break. Wala na tayong panahon sa isa't isa. Isa pa… Hindi talaga kita ginusto. Isa lamang iyong laro na kailangan kong panindigan,"
"Pero ang totoo ay hindi talaga kita tipo. Hinding hindi ako magkakagusto sa wala pangarap na katulad mo.. I know this truth hurts. Ngunit pwede ba.. huwag kana lumapit o mag punta sa school ko para lang sunduin ako ng bulok na kotse na mimana mo pa yata sa nununuo mo." Segunda ni Isabella sa walang emosyon na si Caleb.
Humilig ang binatang si Caleb sa upuan ng resto na napili niyang kainan nila ni Isabella. Para na rin sana icelebrate ang third anniversary nila. Ngunit hindi nito inaasahan na kasabay ng selebrasyon na iyon. Ay ang pamamaalam ng babaeng labis niyang minahal at inalayan ng husto.
"Bakit hindi mo na lang aminin na may nahanap kanang iba. Mayaman na kayang sabayan ang karangyaan ng buhay mo."
Bumilog kaagad ang mapulang labi ni Isabella. At pinulot ang sarili dahil sa naging paratang ni Caleb sa kanya. Dedepensahan pa niya sana ang sarili niya. Ngunit huli na iyon. Dinukot ni Caleb ang kanyang luma at medyo sira nang touch screen na phone, mula sa kanyang bulsa.
"One of your friends sent that to me. Humanap ka ng ibang rason para lang iwanan mo ako. At ang napili mong rason ay wala tayong oras sa isa't isa." Umiling si Caleb. At nag tapon ng tingin sa dalaga. Kita niya ang pamumutla ng itsura ni Isabella.
"K-kung itatanong mo sa akin ang rason kung bakit ginagawa ko ang bagay na iyan. Alam mo na siguro ang dahilan ko." Si Isabella na matapang na nakipag tagisan sa binatang kaharap niya.
Ngunit binigyan lamang si ni Caleb ng buntong hininga. At padarag na ibinagsak ang cellphone sa table kung nasaan nandun ang lahat ng pagkain na order ni Caleb para sana sa kanilang dalawa.
"Yeah I know. I know the reason behind this stupid picture Isabel!"
"Pero hindi iyon rason para lokohin mo ako! Hindi rason ang pagiging mahirap ko para lang lokohin mo ako!" Si Caleb. Puno ng sakit na segunda ng binata.
Halos mapatingin ang lahat sa kanilang dalawa sa loob ng resto. na kinakaininan nila ng bitawan ni Caleb ang salitang iyon kay Isabella. Ngunit pinal na ang desisyon ni Isabella. Tapos na ang laro sa kanilang dalawa. At hindi na siya nasisiyahan sa binata. Kaya’t iiwan na niya ito.
“Sapat na rason na ang pagiging mahirap mo Caleb. Sapat na iyon para iwan ka. Isa pa,Oo’t aaminin ko na. Nakipag halikan ako kay Harris sinadya ko iyon para ipahiwatig na rin sayo na sawa na ako.” Pinal na sabi ni Isabella. kita niya sa binata ang pagkadismaya ni sa mga mata.
Ngunit kapag lalong niyang titigan ang binatang si Caleb, lalo lang si Isabella na iinis. Hindi dahil sa itsura nito. Kundi dahil sa pag porma at ang malaking salamin sa mga mata ni Caleb na halos sakupin na ang mukha ng binata dahil sa laki.
“Ayusin natin to Isabel, hindi ko matatanggap ang rason mo na iyon. I don't want to waste three years, just because of that stupid kiss.” Biglang lambot ng boses ni Caleb, Hindi nito maunawaan ang biglang pagdedesisyon ng girlfriend niyang si Isabella.
Alam nyang para kay Isabella isa lamang laro ang relasyon nila. Alam ni Caleb iyon ngunit mas nananaig ang pagmamahal niya kay Isabella. Kaya’t kahit na sinabi ng mga kaibigan niya na isang laro lamang ang sa kanila. Binaliwala niya iyon.
Bahagyang natawa si Isabella, bago itong muling nag salita. “ Harris was a good kisser better than you. He's good in any other way.” Pang iinis ni Isabella kay Caleb. Kita niya sa mga mata ng binata ang inis, galit at pagkamuhi.
“If he’s better than me, why are you always begging for more to me?” Puno ng sarkasmong sabi ng binata kay Isabella.
“Gag*! binabastos mo ako!” sigaw ni Isabella, napatayo pa ito sa lamesa. Dahil sa sinabi ng binata. Ngunit patuloy lang ang tamad na titig ni Caleb sa kanya. Tila ba napuno na ito sa maruming lumalabas sa bibig ni Isabella.
“Ikaw ang bumabastos sa akin. What am I to you?”
“A boytoy of yours? Ganun ba iyon Isabel?”
“Isa lamang ba akong pampalipas oras ng mayaman na katulad mo?” Tatlong magkasunod na tanong ni Caleb.
Nanlilisik ang mata na tumayo ang dalaga at malakas niyang sinapak nito. Halos lumikha iyon ng malakas na ingay sa loob ng resto. Tila ba napatigil ang mundo ni Caleb dahil sa ginawa ng dalaga. Ngunit pinanatili niyang kalmado ang sarili niya.
“H’wag na huwag kanang mag papakita pa sa akin kahit na kailan! Tinatanong mo kung ano ka para sa akin?”
“You're such a fool! I've never, ever honestly loved you. You're nothing but a poor rat so called boyfriend.” Singhal ni Isabella. Bago niya kunin ang mamahalin niya bag sa table at umakma ng alis.
“Sit.” Maikli ngunit puno ng Diin na sabi ni Caleb. Yuon lamang ang tanging lumabas sa bibig ng binata matapos ang masasakit na salitang binitawan ni Isabella sa kanya.
“Huwag tayong mag talo sa hapag ng pagkain.”
Sinimulan ni Caleb ang pagkain, nanatiling nakatayo si Isabella sa kanya at di makapaniwala sa inaasal nito. Naupong muli si Isabella. Inisip niyang ito na ang huling pagkakataon na makakasabay niya itong kumain.
Kaya't naupo niya muli. Pero isang subo pa lang ang nagagawa niya ay pakiramdam. Pumait ang main course na kinakain niya.
“Mag tutungo ako ng manila ngayong linggo. Nakatanggap ako roon ng trabaho at tingin ko ay buwanan ang magiging uwi ko.” Casual na paninimula ni Caleb. Matapos ang pagtatalo nila.
Napapikit na lang si Isabella ng simulan na naman siya ng binata. Wala siyang alam sa buhay na mayroon si Caleb. Ni hindi niya inalam kahit pa ang kursong tinapos nito. O ang hanap buhay ng pamilya niya. Ang tanging alam lang niya ay mahirap lang ito at laki sa normal na pangkaraniwang pamilya.
“Hindi muna kailangan sabihin sa akin ang lahat ng iyan. Dahil ito na ang huli nating pagsasaluhan ng oras na ito.” Pinal na sabi ni Isabella at kinuha ang table napkin.
Ipinunas niya iyon sa kanyang mapulang labi. At padarag na itinapon iyon sa lamesa.