"Working on your book ?" tanong ng kaniyang ama ng ito ay lumabas mula sa bungalow na bahay kung saan nakatira ang kaniyang mga magulang sa Mandaue Cebu . Ang kaniyang Daddy ay katatapos lang mag shower , Amoy Irish spring pa nga ito . Sinara Niya ang kaniyang notebook at pinaglaruan ang ballpen . "Nag scribble lang ako ng konti , habang hinihintay ka na dumating . Kamusta naman ang paglalaro mo ng golf ?" Tama lang ang dating ni Emma sa kanilang bahay . Dumating siya bago pa umuwi ang kaniyang ama mula sa pglalaro ng golf . Simula ng mag retire na ito ay palagi na itong naglalaro ng golf tuwing weekdays - umuulan man o umaraw. "Hindi masyadong maganda . Siguro dahil sa lamig ng panahon . Kamusta naman ang libro mo ?" Sinulyapan ni Emma ang kaniyang ama . Inisip Niya na ang nakat