"I'm just doing the roof ." Sabi ni Mark . Ano man ang nangyayari ay ayaw niyang magkaroon ng bahagi . "At ano naman ang ginagawa mo , lalo na riyan sa bubong ?' Isang tinig ng babae ang nagsalita . Tumayo ng tuwid si Mark . Nakita Niya ang Isang babae na nakatayo malapit sa kaniya , red lipstick , polished nails , at Isang mapangahas na tingin ang binigay sa kaniya . Naaalala ni Mark ang babae , si Christy Arindon. Hindi sukat akalain Ni Mark na mas maliit ang tv newscaster sa kaniyang harapan . Ikumpara ng makita Niya ito sa tv . Maliit na beywang , malalagong buhok , maputing ngipin . Nakasuot ng tight na dressing at high heels , nagmukha siyang executive gamit ang scarf sa kaniyang leeg . May inilagay sa kaniyang buhok kung kaya hindi ito nasira kahit gaano pa kalakas ang ihi