Tumigil sa pagsusulat si Emma , naisip Niya na puntahan si Joyce ang kaniyang hairdresser , ang nagmamay-ari ng Paradise barber , ang babaeng hindi nagsasawa sa pakikinig sa trouble na kinkaharap Niya tungkol sa aksidente . Pwede rin na ang una niyang bisitahin ay si Barbara Santiago . Naisip Niya na unahin si Barbara . Nang mag doorbell si Emma ay narinig Niya sa loob ang mga tinig na nagsasabing " Ako ang magbubukas." Nang bumukas ang pintuan ay nakangisi na lumantad sa kaniya ang apat na batang lalaki . " Hello , Albert , Bob Christian , Dalton ," Sabi ni Emma . Pinangalanan Niya ang mga bata ayon sa kanilang height . "Pwede ba akong pumasok , kahit na babae ako? " tanong ni Emma , base sa nakasulat sa kanilang pintuan na 'No girl's allowed..' " Yep," binigyan siya nito ng daa