(Butterflies) TUNAY NGANG pinangatawanan ni Garette ang panliligaw sa kanya. Segu-segundo yata itong nakabantay sa kanya dahil bigla na lang itong lumilitaw kung nasaan siya. Tatanungin siya kung okay lang ba siya, kung may kailangan siya o kung may nais siyang ipagawa. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Hindi na nawala ang mga paru-parong lumilipad sa tiyan niya at ang pabigla-biglang pagkabog ng dibdib niya. “Ano ang ginagawa mo?” Napapitlag siya nang marinig ang boses mula sa kanyang likuran. Kasalukuyan niyang hinuhugasan ang mga baso na nasa lababo. “A-ah, na-naghuhugas. Hindi mo ba nakikita?” Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil na mapangiti. Unti-unto na nagiging alerto ang katawan niya dahil sa presensiya ng binata. “Ay!” malakas na sabi niya nang pumalibot ang dala