KABANATA 6

1722 Words
(Waking up with someone else) MASAKIT ANG ULO NI Fortney nang magising. Naparami yata ang nainom niyang wine kagabi. Ang buong akala pa naman niya ay parang ladies drink lang ang wine ngunit totoo nga pa la na nasa huli rin ang tama niyon. Mabilis niyang tiningnan ang relo niya at saka muling napahawak sa sentido. Masakit talaga. Sanay siyang nagigising ng maaga dahil iyon ang kanyang daily routine sa araw-araw na buhay niya. Bigla siyang bumalikwas ng bangon. Nasaan si Karen? Hindi niya man lang nakausap ang kaibigan bago siya natulog. Teka, paano nga ba siya napunta sa silid niya? Wala na siyang maalala bukod sa naging ka-date niya ang ipinakilalang manager ng VHR o Villaruel’s Hotel and Resort. Ang huling naalala niya ay inaya niya itong sumayaw sa maliit na stage hanggang sa magkalapit ang mga mukha nila. Ang sunod na natandaan niya ay ang pagdiin ng bawat haplos nito sa maliit niyang baywang. Pagkatapos ‘nun ay wala na. Ilang beses niyang mahinang tinampal ang noo. Nagbabakasakaling may maalala ngunit bigo siya. Akma na siyang tatayo upang magbanyo nang may kung anong nakadagan sa kanya sa bandang ibaba ng kanyang katawan. Mayamaya pa ay bigla itong gumalaw! Parang kamay iyon! Dahan-dahan niyang hinawakan ang laylayan ng comforter na nakabalot sa ibaba niya upang masiguro siya sa kanyang hinala. “Ah! Ah! Ah! Sino ka?!” sigaw niya nang makita ang isang bulto ng lalaki sa ilalim ng comforter. “Ano ang ginagawa mo rito?!” Hinablot niya ang nakatakip sa lalaki saka mabilis na tumayo hawak-hawak iyon. “Ano ba ang problema mo? Ang aga pa, o!” Tinapunan siya nito ng tingin ngunit tila hindi man lang bumukas ang mata dahil sa kasingkitan niyon. “Matulog pa tayo, please? We need to sleep more.” “Si-sino ka?! Bakit ka nasa silid ko? Ano ang ginawa mo sa akin?!” malakas niyang tanong. “Seriously? Seryoso ka talaga sa tanong mong iyan?” Napako ang mata niya sa hubad na katawan nito. Pang-itaas pa lang iyon, paano pa kung ang ibaba? Aatakehin yata siya sa puso ng wala sa oras! “Magkasama tayo buong magdamag tapos iyan ang itatanong mo sa akin? Don’t tell me hindi mo na matandaan ang pangalan ko?” “Ano ang sinasabi mong magkasama tayo magdamag? Tingnan mo nga ang itsura mo, Mister? Hindi ako sumasama kung kani-kanino langa a!” “Come on, Fortney. Ako ito,si Garette. Now, naaalala mo na ba?” Unti-unti itong umaahon sa kama. Napapikit siya ng mga mata. “Huwag! Please, diyan ka lang!” Hindi niya nakita kung paano nagkibit balikat ang lalaki. “Kung anuman ang nangyari sa sinasabi mong magdamag, please huwag mo ng ipaalam sa iba! Nagmamakaawa ako sa iyo! Please.” Narinig niya ang malakas na pagtawa nito. Bakit tila masaya pa ito? “Fortney, it’s not what you think, okay? I’m your date last night kaya tayo magkasama. Nang magsayaw tayo ay nakatulog ka kaya dinala na kita rito sa silid mo. Nagpaalam ako na aalis ngunit hindi mo ako pinayagan. Ang sabi mo ay gusto mo akong makasama, tutal birthday mo naman.” “Iyon lang ba talaga ang nangyari?” Kinakabahan siya sa susunod nitong sasabihin. Kahit anong pilit niya ay hindi niya maalala kung paano sila nakarating sa silid niya. “Lasing tayo pareho at – “ “At ano?” “Pwede ba, buksan mo ang mga mata mo? Bakit ka ba ganyan makipag-usap sa akin?” May inis sa tinig nito. “Siguruduhin mo muna na hindi ka nakahubad bago ko imulat ang mga mata ko.” Napasinghap siya ng malakas nang maamoy niya ang isang klase ng mamahaling pabango. “I’m not naked,” bulong nito sa kanya. “Ano ba? Bakit ka ba bumubulong diyan?!” Doon ko natitigan sa malapitan ang kabuuan ng mukha nito. “See?” Itinaas nito ang dalawang kamay. “Hindi naman ako hubad katulad ng iniisip mo.” “Pa-paanong may suot ka ng shorts?” “Inisip mo bang wala akong saplot na kahit ano?” Ngumiti ito. My God! Perfect smile with perfect teeth! “So-sorry. Bakit ba kasi nasa bandang ibaba kita ng higaan?” “A-ang sabi mo kasi ay nanakit ang paa mo kaya minasahe ko iyon hanggang sa doon na ako nakatulog.” Nakagat niya ang ibabang labi. Masyado yata siyang advance na nag-isip sa lalaki. Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo. Gusto niyang magmura at tumakbo dahil sa katawan nitong nagmamalaki. Halatang alaga ang mga iyon ni Garette. What a good sight! “Masaya ka ba sa nakikita mo?” tanong nito habang nakangisi. “A-ano ang sinasabi mo? Magsuot ka ng pang-itaas na damit!” aniya saka tumalikod. “Hindi ka ba nakakita ng ganitong katawan ng lalaki?” She rolled her eyes. Hindi na maganda ang tinutungo ng usapan nila ni Garette dahil wala siyang kaalam-alam sa bagay na ganoon. Usang lalaki is her forte.Mabuti pang bigyan siya ng mga papeles o di kaya ay ibang mga dokumento at sigurado mapag-aaralan pa niya. “Pwede bang iwan mo na ako? Gusto ko pang matulog ka-kaya lang ay – “ “Naiilang ka na sa akin ngayon, ganoon ba?” Ang mga kamay nito ay nasa balikat na niya kaya naman napaharap siya upang sawayin ito. “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Garette?” “Wow, I really like it when you call my name. Parang may kakaibang dating.” Maluwang na ngumiti ito. ”Gusto ko lang ipaalala sa iyo na may ipinangako ka sa akin na dapat kong makuha.” “Wala akong alam sa sinasabi mo, Garette.” “Don’t worry, ipapaalala ko sa iyo,” anito saka siya hinawakan sa mukha. Nanlaki ang mga mata niya ngunit huli na para magprotesta dahil mabilis na nitong tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi. Ang halik na sa una ay magaan waring hinihinitay ang magiging tugon niya. Bilog na bilog pa rin ang mga mata siya sa bilis ng pangyayari kaya naman huli na para itulak ito dahil palalim na ng palalim ang paggalugad ng labi nito sa kanya. Pinipilit siyang rumesponde. But how she will do it? Wala siyang kaalam-alam sa bagay na ganoon. Lalo lamang itong naging agresibo na pasukin ang bibig niya. Kusa namang ipinalibot niya ang dalawang kamay sa hubad pa rin nitong itaas na bahagi ng katawan haggang sa unti-unti ng gumagalaw ang labi niya. Umungol ito. Ginagaya lang niya ang ginagawa nito. Libu-libong boltahe ng kuryente ang naglalakbay sa kabuuan niya at mayamaya pa naramdaman niya ang malamig na pader. Itinulak siya roon ni Garette ng hindi niya namamalayan. Patuloy pa ito sa paggalugad ng bibig niya tila may hinahanap na kung ano sa loob niyon. “My God, you’re so sweet,” ani nito sa pagitan ng paghalik. THE KISS they shared was so breathtaking. Matapos ang halik na pinagsaluhan nila ay nagpaalam ang lalaki na kukuha ng damit sa inookupa nitong silid. Para naman siyang natulala sa nangyari. Hindi pa niya gaanong kilala si Garette pero hinayaan na nitong halikan siya. Baka kung ano ang isipin ng lalaki dahil sa pagpapaubaya niya. She never had a man before marahil iyon ang nag-udyok sa kanya na namnamin ang halik na iginagawad ni Garette. Magsisinungaling siya sa sarili kung sasabihin niyang hindi niya iyon nagustuhan. Malambot ang labi nito at napakainit ng dila nitong sinisipsip ang loob ng bibig niya. God, ano ba ang iniisip niya? Pumasok siya sa loob ng banyo at binuksan ang shower. Kailangan niyang maibsan ang init na pinukaw ng lalaki. Nang dahil sa isang halik ay halos hindi na mapalagay ang isip niya. Ganoon pala ang mahalikan. Masarap sa pakiramdam parang may kung ano nais abutin. Ano ba ang sinasabi mo, Fortney? It’s just a kiss, come on! Napaghahalata ka talagang old maid e! Paano pa kaya kung – napailing – iling siya habang nasa ilalim ng dutsa. Yes, maybe wala siyang alam sa mga ganoong bagay pero sapat ba na dahilan iyon para maging matayog pa ang kanyang iniisip? Hanggang doon lang iyon. Tama na ang isang beses baka sa huli ay siya rin ang masaktan. She needs to call Karen. Gusto niyang maintindihan pa ang nangyari kagabi. Binilisan na niya ang pagligo. Kailangan maging malinaw sa kanya ang lahat. Matapos niyang ibalot sa katawan ang tuwalya ay lumabas na siya ng banyo. Rumaragasang damdamin ang sumalubong sa kanya nang datnan itong nakaupo sa gilid ng kama at bahagyang nakayuko. Tila may iniisip ito dahil hindi agad napansin ang presensiya niya. Doon niya napagmasdan ang gwapo nitong mukha. Malayo ang itsura nito sa mga tipo niyang lalaki pero lalo pa yatang nakadagdag ng pagiging gwapo nito ang pagkakaroon ng singkit na mga mata na binagayan ng matangos na ilong at ang – nakakagigil na mala-puso nitong labi. “Tapos ka na pala maligo,” sabi nito habang naglalakbay ang mga mata mula sa kanyang paa patungo sa kanyang mukha. “Ako naman ang maliligo.” Tumayo na ito ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang sunud-sunod na paglunok nito. “Bakit? I mean, bakit dito ka maliligo? May silid ka naman hindi ba?” Kahit na may halik na namagitan sa kanila ay hinding-hindi magiging passes iyon para tuluyang i-invade ng lalaki ang privacy niya. She’s a woman after all. “Gusto ko ditong maligo, period.” Dumiretso na ito sa banyo. “So, ganoon pala?” May nabuo siyang plano. Binilisan niya ang pagbibihis saka kinuha ang maliit na bag na may lamang wallet, mobile phone at iba pang importanteng gamit niya. “Kung siya ang magpupumilit dito, ako naman ang aalis.” Hindi pa siya nakakapagsuklay ng buhok ay dahan-dahan na siyang lumabas ng pinto. Nang makasakay siya ng lift ay tinawagan niya si Karen. Hindi nito sinasagot ang tawag niya. Maglilibut-libot na muna siya. Marahil ay tulog pa si Karen. Napabuga siya ng hangin. Tunay ngang tanyag na ang VHR. Marami siyang nakakasalubong na mga foreigners na naglalakad. Sa resort na muna siya magpapalipas ng oras. Siguradong magsasawa rin ang Garette na iyon sa kakahintay sa kanya at sa oras na bumalik siya sa silid niya ay tiyak na wala na ito roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD