KABANATA 20

1210 Words

(Sharing Thoughts) HINDI MAWALA-WALA ANG ngiti sa labi ni Garette habang hinihintay si Fortney. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya at ang dalaga lang ang tanging dahilan niyon. Nahiling niya na sana ay huwag na matapos ang mga araw na kasama niya ito. Parang gusto na niyang mamuhay na lang sa VHR basta kasama ang dalaga. Makita niya lang ang magandang mukha nito ay buo na ang araw niya. Nangako siya sa sarili na gagawin ang lahat upang maging masaya ang pananatili ni Fortney sa VHR. Siyempre, kasama na roon na dapat lagi siya nitong kasama. Sa ilang araw pa lang na nakilala niya ang dalaga ay ramdam niya ang mabilis na t***k at kabog ng dibdib niya sa tuwing makikita ito. Kahit nga buhok lang nito na nililipad ng hangin o di kaya ay kahit makita lang niya ang likuran ni Fortney ay sumis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD