THIRD PERSON POV
Palinga-linga sa paligid si Elizabeth habang nakatayo sa labas ng pintuan ng home library ng mansyon ng Familia Guerrero.
Kanina ay nakita ni Elizabeth na pumasok ang kanyang amang si Sebastian at ang kanyang Kuya Arthur sa loob ng malaking home library kaya naman naisipan niyang pakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito.
Dahil sa soundproof ang lahat ng kwarto sa loob ng malaking mansyon ng pamilya Guerrero kaya imposibleng marinig ni Elizabeth ang pinag-uusapan nina Sebastian at Arthur sa loob ng home library.
Ang balak ni Elizabeth ay buksan ng bahagya ang pintuan ng home library.
Kaya naman palinga-linga si Elizabeth sa paligid ngayon para masigurong walang makakakita sa gagawin niyang pang-i-eavesdrop sa pag-uusap ng kanyang ama at ng kanyang panganay na kapatid.
Nakasarado ang lahat ng kwartong malapit sa home library. Wala ring umaakyat sa grand staircase ng mansyon.
Nang masigurong wala ng magiging sagabal sa kanyang gagawin ay dahan-dahan nang binuksan ni Elizabeth ang pintuan ng home library.
Bahagya lamang ang pagkakabukas ni Elizabeth sa pintuan para hindi iyon makaagaw ng atensyon ng mga taong nasa loob ng home library.
Nakararamdam ng kaba si Elizabeth ngunit nilalakasan niya ang kanyang loob dahil may pakiramdam siyang mahalaga ang pag-uusapan ng amang si Sebastian at ng kapatid na si Arthur.
Sebastian: Wala ka na bang balak bumalik sa company natin, Arthur? Sa tingin ko ay mas mapapamahalaan mo ng maayos iyon kaysa kay Theo.
Nanlaki ang mga mata ni Elizabeth sa narinig na iyon na sinabi ng kanyang ama.
Mula nang nilisan ni Arthur ang mansyon ilang taon na ang nakararaan ay ang kapatid na niyang si Theo ang humawak sa mga responsibilidad sa company ng kanilang pamilya na iniwan ni Arthur.
Nagkaroon ng hinanakit si Elizabeth sa kanyang amang si Sebastian nang dahil doon dahil siya ang pangalawang anak nito ngunit ang pangatlong anak nitong si Theo ang sumalo sa mga iniwang responsibilidad ng panganay nitong anak na si Arthur.
Ilang beses inilaban ni Elizabeth kay Sebastian na sa kanya rapat ibinigay ang posisyon sa company na iniwan ni Arthur ngunit ilang beses din siyang tinanggihan ng ama at lagi nitong sinasabi na mas makabubuti kung lalaki ang mamahala ng kanilang company.
Matagal na panahong dinamdam iyon ni Elizabeth dahil hindi niya matanggap ang rasong ibinigay sa kanya ng ama.
Nakasisiguro si Elizabeth na may mas malalim pang dahilan ang kanyang ama kung bakit hindi nito gustong siya ang mamahala ng company na itinatag ng kanyang abuelo at abuela.
At ngayong nagbabalik nga sa mansyon ang kapatid ni Elizabeth na si Arthur ay iniaalok dito ng kanilang ama na bumalik ito sa kanilang company para muli iyong pamahalaan.
Humigpit ang kapit ng kaliwang kamay ni Elizabeth sa seradura ng pintuan ng home library at ikinuyom niya ang kanyang kanang palad dahil sa panibughong kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.
Ilang taong inilaban ni Elizabeth sa kanyang amang si Sebastian ang posisyong iyon sa company ngunit ilang beses din siyang tinanggihan.
Pero ngayon ay napakadali para kay Sebastian na ialok ang posisyong iyon kay Arthur.
Si Arthur na matagal na nawala matapos nitong lisanin ang mansyon kasama ang dati nitong kasintahan na ngayon ay misis na nitong si Mildred.
Ikinasasama ng loob ni Elizabeth iyon.
Kung ialok ng ama ni Elizabeth kay Arthur ang posisyong iyon ay para bang hindi nawala si Arthur nang napakahabang panahon.
Na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.
Arthur: Papa, kung gusto pa ninyo ng isang mamamahala sa company ay nandiyan naman si Elizabeth. Ang plano namin ngayon ni Mildred ay magtayo ng sarili naming maliit na negosyo sa bayan mula sa aming sariling ipon.
Narinig ni Elizabeth na malakas na tumikhim ang kanyang ama.
Sebastian: Kung pamamahala lang din naman sa company ay tingin kong kayang-kaya ni Elizabeth iyon. Pero ang hindi ko pinagkakatiwalaan ay 'yang Ryan Almazan na iyan na kanyang asawa.
Nanlaki ang mga mata ni Elizabeth sa sinabing iyon ni Sebastian.
Arthur: Trust me, Papa, when I say I also don't trust that man. I'm not even sure why Ryan married Elizabeth.
Parang itinulos si Elizabeth sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang mga sinabi ni Arthur.
Arthur: Sana lang talaga ay mali ang aking hinala na habol ni Ryan ang yaman ng ating pamilya.
Hindi makapaniwala si Elizabeth sa kanyang naririnig ngayon.
Wala palang tiwala sa asawa ni Elizabeth na si Ryan ang kanyang ama at ang kanyang kapatid.
Sebastian: Ryan is a manipulative person. Ano ang aking malay kung manipulahin niya ang isipan ni Elizabeth oras na iatang ko kay Elizabeth ang napakalaking responsibilidad sa company?
Hindi alam ni Elizabeth kung ano ang kanyang dapat na maramdaman ngayong alam na niya ang totoong dahilan ng kanyang ama kung bakit hindi nito ibinibigay sa kanya ang napakabigat na posisyon sa company ng kanilang pamilya.
Dapat bang hiwalayan ni Elizabeth ang kanyang asawang si Ryan para ipagkatiwala na sa kanya ni Sebastian ang pamamahala sa company ng Familia Guerrero?
Mabilis na iwinaksi ni Elizabeth sa kanyang isipan ang ideyang iyon.
Kung hihiwalayan ni Elizabeth si Ryan ay siguradong madadawit ang kanilang pamilya sa isang scandal at hindi iyon kakayanin ni Elizabeth.
Siguro ay kailangan lamang makita ng ama ni Elizabeth na mapagkakatiwalaang tao si Ryan para pumayag na itong ibigay sa kanya ang pamamahala sa company.
Siguro ay dapat makuha ng mister ni Elizabeth na si Ryan ang loob ng kanyang ama.
Napangiti si Elizabeth sa kanyang isipan.
Ngayong alam na ni Elizabeth ang totoong dahilan kung bakit lagi siyang tinatanggihan ng kanyang ama sa tuwing ipinapahiwatig niya rito ang kanyang kagustuhan na pamahalaan ang company ng kanilang pamilya ay madali na para kay Elizabeth ang maimpluwensyahan ang desisyon ng ama kung magiging matalino lamang siya sa kanyang mga magiging hakbang.
Sinigurado ni Elizabeth sa kanyang isipan na hindi magtatagal ay siya na ang mamamahala sa company ng Familia Guerrero.
----------
Isang malalim na halik ang iginawad ni Helena sa asawang si Theo nang nasa loob na sila ng kotse.
Ngumiti si Theo kay Helena matapos namnamin ang halik ng kanyang misis.
Theo: Happy ka ba sa bago mong filigree silver jewelry set, hon?
Nagniningning ang mga mata ni Helena na ngumiti sa asawa.
Helena: You have no idea, hon. May maidadagdag na naman ako sa aking jewelry set collection. You really are the best husband in the world.
Mahigpit na yumakap si Helena kay Theo.
Nang bumitiw sa pagkakayakap ni Helena ay sinimulan na ni Theo na paandarin ang kotse habang isang ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi.
Alam na alam ni Theo kung paano mapapanatili ang pagsasama nila ng kanyang asawa.
Hindi hahayaan ni Theo na mauwi sa wala ang kanyang pagsasakripisyo para lamang maitago ang kanyang sikreto.
----------
Isang malakas na kinikilig na tili ang pinakawalan ni Anastasia nang pumasok si Oscar sa loob ng kusina ng mansyon ng Familia Guerrero.
Pabiro namang hinampas ni Mildred si Anastasia.
Nasa loob ng kusina ngayon si Mildred dahil tumutulong siya sa resident cook ng pamilya Guerrero sa pagluluto ng pagkain para sa lunch.
Katulad nang madalas mangyari ay kasama na naman ni Mildred si Anastasia rahil gustung-gusto nitong nakikipagkwentuhan sa kanya.
Anastasia: Ang hot mo talaga, Oscar. Kapag ganyang nakasuot ka ng sando ay parang gusto kitang lawayan.
Lumingon si Oscar kay Anastasia at ngumiti.
Oscar: Hindi magugustuhan ni Charlotte kapag narinig niya 'yang mga sinasabi mo.
Nakangiting umiling si Oscar at kumuha ng pitcher sa loob ng refrigerator at nagsalin ng tubig sa isang baso.
Anastasia: Huwag kang mag-alala, Oscar. Hindi malalaman ni Charlotte. Magaling akong magtago ng secret.
Muntik nang maibuga ni Oscar ang iniinom na tubig nang biglang pumasok sa loob ng kusina ang misis nitong si Charlotte.
Charlotte: Really, Anastasia? How desperate can you get? Nakikipag-flirt ka sa asawa ng half-sister mo. Hindi magandang pag-uugali iyan.
Mapang-asar na tumawa si Anastasia.
Anastasia: At least ako nagpapakatotoo. Hindi nagbabait-baitan sa harapan ng maraming tao.
Napataas ang dalawang kilay ni Charlotte sa sinabing iyon ni Anastasia.
Pakiramdam ni Charlotte ay ito ang pinatatamaan ni Anastasia sa sinasabi nito.
Bago pa makapagsalita si Charlotte ay malakas na tumikhim na si Mildred.
Mildred: Ah, Charlotte, nandito ka ba para i-check kung ready na ang mga pagkain para sa lunch?
Matalim na tinitigan ni Charlotte si Anastasia bago tumingin kay Mildred.
Charlotte: Hi, Mildred. Yes, thank you for your help. You don't have to do that.
Ngumiti si Mildred kay Charlotte.
Mildred: Naku, Charlotte, okay lang. Sanay ako sa pagluluto. Ito ang paborito kong gawain. Gustung-gusto ko kapag ipinagluluto ko ang aking mag-amang sina Arthur at Stephanie sa rati naming bahay.
Sinundan ng marahang tawa ni Mildred ang kanyang sinabi.
Lumapit si Oscar kay Charlotte at umakbay.
Oscar: Sana, hon, matikman ko rin ang luto mo. Tingnan mo si bayaw, laging ipinagluluto ng misis niyang si Mildred.
Ngumiti si Mildred kay Oscar nang makita niyang nakatingin ito sa kanya.
Charlotte: Hon, ipagawa mo na sa akin ang lahat, huwag lang ang pagluluto.
Malambing na pinisil ni Charlotte ang tungki ng ilong ni Oscar.
Charlotte: Ikaw, ah. Naglalambing ka na naman.
Malakas na tumawa si Oscar at muling tumingin kay Mildred.
Si Anastasia ay malakas na tumikhim.
Anastasia: Basta ako ay gustong makatikim ng matabang karne.
Isang malagkit na titig ang ipinukol ni Anastasia kay Oscar na ikinangisi lamang nito.
Si Charlotte ay pinipilit na pakalmahin ang sarili kahit nagpupuyos ang kalooban nito rahil sa pang-aakit ni Anastasia sa mister nito.
Isang nang-aasar na ngisi ang pinakawalan ni Anastasia sa direksyon ni Charlotte.
----------
Tinitingnan ni Stephanie ang pinsang si Louise na nakaupo sa isa sa mga upuang nasa hardin habang nagbabasa ito ng isang English novel.
Si Stephanie ay kasama ang mga pinsang sina Amethyst at Eugenie sa isang table na nasa hardin. Nakaupo silang tatlo sa palibot niyon.
Eugenie: Gustung-gusto niya talagang nag-iisa. Palibhasa weird siya.
Tumingin si Stephanie kay Eugenie.
Nakita ni Stephanie na nakatingin ang kanyang pinsang si Eugenie kay Louise.
Eugenie: I really don't like her vibe. Masyadong mabigat.
Muling tumingin si Stephanie kay Louise.
Seryosong-seryoso si Louise sa binabasa nitong libro.
Amethyst: Me too. For sure act niya lang 'yang pagiging weird para magpapansin sa ating lahat.
Lumingon si Stephanie kay Amethyst at nakita niya ang inis sa mukha nito habang nakatingin sa pinsan nilang si Louise.
Eugenie: You know what, Steph? Lagi kaming nagko-compete nitong si Amethyst sa lahat ng bagay, but when it comes to Louise ay nagkakasundo kami.
Tumango si Amethyst sa sinabing iyon ni Eugenie.
Amethyst: True. We both dislike her.
Nag-high five pa sina Amethyst at Eugenie.
Eugenie: Hindi na nakakadudang walang lalaking nanliligaw sa kanya. Kasi nga she's weird. Too weird. Minsan ay kung anu-ano pa ang mga sinasabi.
Umiling si Eugenie na may kasama pang pagtirik ng mga mata nito.
Amethyst: Kaya ikaw, Steph, umiwas ka kay Louise. Baka iwasan ka rin ng boys kapag nakipag-close ka sa kanya? That would be so heartbreaking dahil hindi masaya kapag walang boys sa buhay natin.
Exaggerated na tumango-tango si Eugenie sa harapan ni Stephanie.
Eugenie: But umaasa kami ni Amethyst na magka-boyfriend si Louise pero hindi rahil gusto namin siya maging happy.
Nagkatinginan muna sina Amethyst at Eugenie bago muling tumingin kay Stephanie.
Amethyst: Gusto namin ni Eugenie na magka-boyfriend si Louise para may bago kaming pag-aagawan na guy. Isn't it exciting? Ang agawin ang syota ng pinsan mo.
Malanding tumawa si Eugenie.
Eugenie: At sana super hot ang maging first boyfriend ni Louise para worth it ang pang-aagaw.
Sabay na nagtawanan ang magpinsang Amethyst at Eugenie.
Hindi makapaniwala si Stephanie sa kanyang naririnig. Parang gusto niyang maawa sa pinsang si Louise.
Maya-maya ay may naramdamang presensya si Stephanie sa kanyang gilid.
Nang lingunin ni Stephanie ang presensyang iyon ay nakita niyang nakatayo sa kanyang gilid si Louise.
Louise: Hi, Steph. Mahilig ka bang magbasa ng mga novel? Kung oo, I'll let you borrow mine.
Sandaling lumingon si Stephanie kina Amethyst at Eugenie.
Kitang-kita ni Stephanie ang pagpipigil ng tawa nina Amethyst at Eugenie habang nagsasalita si Louise.
Muling tumingin si Stephanie kay Louise.
Stephanie: Hindi ako masyadong mahilig magbasa pero kung may mga isa-suggest kang libro ay maaaring basahin ko rin.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Louise.
Louise: Okay. I'll go to my room and I'll show you some novels later.
Iyon lang at pumasok na sa loob ng mansyon si Louise.
Sina Amethyst at Eugenie ay tuluyan nang pinakawalan ang tawang kanina pa nilang pinipigilan.
Natatawang ginaya ni Amethyst ang pagsasalita ni Louise.
Amethyst: Hi, Steph. Mahilig ka bang magbasa ng mga novel? Kung oo, I'll let you borrow mine. Nye, nye, nye, nye, nye.
Sa ginawang iyon ni Amethyst ay lalong bumunghalit ng tawa si Eugenie.
Hindi pa nakuntento si Amethyst at muling ginaya ang pagsasalita ni Louise.
Amethyst: Okay. I'll go to my room and I'll show you some novels later. Blah, blah, blah, blah, blah.
Pagkatapos gayahin ni Amethyst ang pagsasalita ni Louise ay nakisabay na ito sa malakas na pagtawa ni Eugenie.
Si Stephanie ay napailing na lamang sa ginagawa ng kanyang mga pinsan.
Hindi na magtataka si Stephanie kung ginagawa rin ito sa kanya nina Amethyst at Eugenie sa kanyang likuran.
----------
Pagkapasok ni Louise sa loob ng mansyon ay nakasalubong niya sa foyer ang kanyang Tito Ryan.
Ngumiti si Ryan nang makita ang English novel na hawak ni Louise sa kanyang kanang kamay.
Ryan: Glad to see you're reading it.
Isang ngiti ng pasasalamat ang iginawad ni Louise kay Ryan nang tumingin ito sa kanyang mga mata.
Louise: Thank you for the gift, Tito Ryan.
Ngumiti si Ryan at umiling.
Ryan: Don't mention it. I know you love reading romance novels.
Namula ang magkabilang pisngi ni Louise nang sabihin iyon ni Ryan.
Louise: Thank you ulit.
Iyon lang at nagmamadali nang umakyat ng grand staircase ng mansyon si Louise.
Si Ryan ay nakangiting sinusundan ng tingin ang pag-akyat ni Louise sa grand staircase.
----------
Naningkit ang mga mata ni Edward nang mabasa ang mensahe sa kanyang phone.
"Don't use my wife for your sick revenge on me. Move on, Edward. I don't love you anymore."
Bumulong sa hangin si Edward.
Edward: You'll see. Gagapang ka rin pabalik sa akin at magmamakaawang muli akong tikman.
----------
Isang malakas na sampal ang tumama sa kaliwang pisngi ni Jomari mula sa kanyang girlfriend na si Pamela.
Nanlaki ang mga mata ni Jomari. Gulat na gulat sa ginawang iyon ni Pamela.
Pinipigilan ni Jomari ang sariling saktan pabalik ang kasintahan.
Jomari: Para saan iyon?
Hinihimas ni Jomari ang kanyang kaliwang pisngi na namumula pa rin dahil sa pagkakasampal doon ni Pamela.
Naniningkit ang mga matang nagsalita si Pamela.
Pamela: Kalat na sa bayan na palagi ka raw may kasamang babae. May nakakita rin daw sa inyo na naghahalikan.
Galit na galit ang mukha ni Pamela habang nakatitig kay Jomari.
Pamela: Pinagtataksilan mo ba ako, Jomari? Sumagot ka!
Hindi alam ni Jomari kung ano ang isasagot sa kanyang girlfriend.
Ang pinsang si Stephanie ang madalas na kasama ni Jomari nitong mga nakaraang araw.
Wala namang problema roon.
Ang problema ay ang paghalik ni Jomari kay Stephanie sa bawat pagkakataong pwede niya itong halikan.
Ayaw ni Jomari na mapahamak si Stephanie kaya naman hindi niya ito inilaglag sa kanyang girlfriend na si Pamela.
Jomari: S-si Hope, 'yong best friend mo. S-siya ang madalas kong kasama nitong mga nakaraang araw.
Bahala na. Kakausapin ko na lang si Hope. Kung kailangang maglabas ng pera ay gagawin ko. Basta hindi pwedeng madamay si Stephanie rito.
Iyon ang tumatakbo sa isipan ni Jomari nang mga sandaling iyon.
----------
to be continued...