PROLOGUE

906 Words
THIRD PERSON POV Malalim na ang gabi. Madilim na sa buong paligid. Sa loob at labas ng malaking bahay ng Familia Guerrero. Walang ingay na maririnig maliban sa mga insektong panggabi. Isang miyembro ng angkan ang dahan-dahang naglalakad palabas ng kwarto niya. Ingat na ingat na hindi makagawa ng ingay. Maingat na inilapat pasara ang pinto ng kanyang kwarto. Sa kadiliman ng buong bahay ay sinanay niya ang mga mata. Ilang minuto siyang nakatayo sa labas ng kanyang kwarto. Wari ay inaalam kung saang direksyon tutungo. Pero matagal na siyang nakatira sa malaking bahay na iyon. Alam na niya ang bawat kanto at pasikot-sikot ng mansyon na iyon. Nagsimula siyang maglakad patungo sa kwartong hindi niya rapat puntahan sa ganoong disoras ng gabi. Pero siya ay mapusok. Ang kapusukan ng kanyang damdamin ang nagtutulak sa kanyang gawin ang bagay na iyon. Ilang pinto ng kwarto ang mararaanan bago makarating sa silid na kanyang paroroonan. Pigil na pigil niya ang sariling makagawa ng anumang ingay. Halos hindi siya humihinga habang dahan-dahang naglalakad patungo sa kwartong magiging saksi ng bawal na pagmamahalan. Pagmamahalang hindi katanggap-tanggap sa lipunan. Paniguradong sisiklab ang gulo sa buong angkan oras na maibulgar ang lihim niyang pagmamahal para sa taong kanyang sinisinta. Pero rahil siya ay likas na mapusok, wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Ang tanging mahalaga sa kanya ay ang sasabihin ng kanyang mahal. Ang kanyang mahal na binalaan siyang hindi rapat malaman ng sinuman sa miyembro ng angkan ang kanilang lihim na ugnayan. At dahil mahal niya ito, lahat ng sinasabi nito ay kanyang sinusunod. Kahit gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano niya ito kamahal. Ilang sandali pa ay nasa tapat na siya ng pinto ng kwarto ng taong isinisigaw ng kanyang puso. Hindi kailangang kumatok. Inaasahan siya nito. Dahan-dahang binuksan ng taong mapusok ang pinto ng kwartong kanyang tinungo. Halos mawalan siya ng hininga sa sobrang pagpipigil na makalikha ng anumang ingay. Nang makapasok sa loob ng kwarto ay dahan-dahan niyang inilapat pasara ang pinto. Napabuga siya ng hangin nang masigurong tuluyan nang nakalapat ang pinto. Pikit-matang umikot siya paharap sa kama sa loob ng kwartong iyon. Naroon ang kasabikan na makita ang taong mahal niya. Naroon ang mahal niya. Nakaupo sa kama. Naghihintay sa kanya. Unti-unting sumilay sa mga labi niya ang kasiyahan nang makita sa dilim ang bulto ng taong iniibig. Hindi man niya maaninag ang mukha nito sa kadilimang bumabalot sa buong kwarto ay sigurado siyang ito ang taong pakay niya. Ang natural na amoy nito. Ito ang nagsasabi na hindi siya rapat mag-alinlangan. At ang t***k ng kanyang puso sa mga oras na iyon na nagsasabing nasa harap siya ng taong sinisinta. Unti-unti siyang naglakad palapit ng kama. Sinasamantala ang paglanghap sa mabangong amoy ng kwartong iyon. Amoy na humahalo sa pabangong ginamit nito para sa espesyal na gabing iyon. Nang makalapit sa kama ay inabot niya ang kamay nitong nakalahad. Hinila siya nito ng dahan-dahan hanggang makubabawan niya ito sa ibabaw ng malambot na kama. Ang kamang iyon ang naging saksi ng maalab na pagsasalubong ng kanilang mga labi. Ng marahang pagtatanggal ng kanilang mga saplot sa isa't isa. Ng masuyong paghaplos na ginagawa nila sa bawat parte ng katawan ng bawat isa. Ang kwartong iyon ang naging saksi ng kanilang pananabik sa isa't isa. Ng paghuhugpong ng kanilang mga bibig. Ng pagsasalikop ng kanilang mga daliri. Ng pagbubungguan ng kanilang mga pawisang katawan. Ang kadilimang bumabalot sa buong kwarto ang tumatanglaw sa mga katawan nilang walang saplot habang tuluy-tuloy ang pagsasalpukan ng mga ito. Bawat halik, bawat kagat, bawat haplos, bawat himas, bawat kurot, bawat kalmot, bawat piga, bawat sipsip, bawat subo, bawat dila, bawat sundot, at bawat tikim ay nailarawang mabuti sa apat na sulok ng kwartong iyon. Sa pagniniig na iyon naibulalas ng dalawa ang gustong isigaw ng kanilang mga puso. Sa pag-iisa ng kanilang mga katawan ay naipadama nila kung gaano kahalaga para sa kanila ang isa't isa. Sa pagtatalik na iyon ipinaranas ng dalawa sa isa't isa ang pag-ibig nilang hindi matutumbasan ng yaman at reputasyon ng angkan. Hindi kailangang magsalita. Tanging mga katawan nila ang nag-uusap. Ang t***k ng kanilang mga puso na sumasabay sa pag-indayog ng kanilang mga katawan. Sa kailaliman ng gabi ay sabay na narating ng dalawa ang tuktok ng katiwasayan matapos pagsaluhan ang nagraragasang damdamin para sa isa't isa. Pagod na pagod sila. Hingal na hingal. Magkadikit ang mga namamasa sa pawis na katawan. Matiwasay ang pakiramdam. Ngumiti ang taong mapusok habang nakatingin sa kisame. Naririnig niya sa kanyang tabi ang malalim na paghinga ng taong katalik kanina. Sa madilim na kwartong iyon ay nilingon niya ang katabi. Sinusubukang aninagin sa mga mata nito ang gustong sabihin. Wala siyang mabasa. Itinaas niya ang isang kamay at inihaplos sa mukha ng taong kaharap. May naramdaman siyang parang tubig sa pisngi nito. Naiintindihan niya. Marahil ay nagsisimula nang isipin nito ang sasabihin ng ibang tao. Pinunasan niya ang mga tubig na dumadaloy sa pisngi nito. Ipinaparamdam ng mga haplos na iyon na wala rapat itong ipag-alala. Tumigil ang pagdaloy ng tubig at pareho silang umayos ng pagkakahiga. Nakatingin sa kisame. Wari ay makikita roon ang solusyon sa mga iniisip ng isa sa kanila. Maya-maya ay humugot ng malalim na paghinga ang taong mapusok. Bumulong ito. "Huwag kang mag-alala." Inabot niya ang kamay ng katabi at pinisil ito. "Hindi lang tayo ang may lihim na relasyon sa malaking bahay na ito ng Familia Guerrero." ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD