CHAPTER 10

2419 Words
THIRD PERSON POV Nakataas ang kanang kilay ni Elizabeth habang nakahalukipkip sa likuran ng kanyang asawang si Ryan sa loob ng kanilang kwarto. Naghahanda na si Ryan para sa pagpasok nito sa opisina sa kompanya ng Familia Guerrero ngunit si Elizabeth ay hindi pa rin ito tinatantanan tungkol sa ginawa nitong parusa sa anak nilang si Eugenie. Elizabeth: You don't have the right to treat my son like that, Ryan. How ruthless of you to punish our son by making him sleep in one of the rooms at the servant's quarter! Tumataas na ang tono ng boses ni Elizabeth dahil simula pa kagabi ay nagpupuyos na ang kanyang kalooban nang malamang natutulog sa loob ng isa sa mga kwarto ng servant's quarter ang anak niyang si Eugenie. Agad tumungo ng servant's quarter si Elizabeth para puntahan sa isa sa mga kwarto roon si Eugenie at palipatin ito sa sarili nitong kwarto. Elizabeth: I've been protecting our sons since time immemorial, Ryan. You can't humiliate them just because of a worthless car tire damage. Umikot si Ryan mula sa pagtingin sa sariling reflection sa salamin para harapin si Elizabeth habang inaayos ang suot nitong kurbata. Elizabeth: Even Edward. Even though he's not--- Hindi itinuloy ni Elizabeth ang kanyang sasabihin at iniwas ang mga mata mula sa pagkakatitig kay Ryan. Elizabeth: Still, I will also protect Edward like how I protect Jomari and Eugenie. Naningkit ang mga mata ni Ryan kay Elizabeth. Ryan: Diyan! Diyan ka magaling. Ang kunsintihin ang bunso mo. Sinadya nilang sirain ni Amethyst ang mga gulong ng kotse ni Louise. Pinarusahan ko lang si Eugenie para--- Hindi natapos ni Ryan ang sasabihin nito rahil biglang nagsalita si Elizabeth. Elizabeth: And so? Louise is not a Guerrero for Pete's sake, Ryan. Ang kotseng ginagamit niya ay mula sa pera ng company ng pamilya rahil sa kapatid kong si Charlotte. Hindi niya pinaghirapan ang kotseng iyon. Dinuro ni Elizabeth si Ryan. Elizabeth: Of all people, you're the one who should be taking our son's side! Not punishing him just because of a parasite who is lucky enough to breathe the same air that we, Guerreros, have been breathing! Nag-igting ang panga ni Ryan dahil sa sinabing iyon ni Elizabeth. Ryan: You're unbelievable! Ikinuyom ni Ryan ang dalawang palad nito rahil sa nararamdamang galit para sa asawang si Elizabeth. ---------- Nanginginig ang mga kamay ni Helena habang tinitingnan mula sa screen ng kanyang phone ang larawan ng hubad na katawan ng kanyang asawang si Theo habang may nakayakap na bisig ng lalaki sa baywang nito. Helena: Hindi. Hindi totoo ito. Sa larawang iyon ay kitang-kita ni Helena na nakahiga sa ibabaw ng isang hotel bed ang kanyang asawang si Theo habang nakasandal ito sa dibdib ng isang lalaking mukhang nakahubad din. Hindi kita ang mukha ng kasamang lalaki ni Theo sa larawan. Hindi makapaniwala si Helena sa natuklasan niyang tunay na pagkatao ng kanyang asawa. All these years ay itinatago ni Theo mula sa kanya ang totoo nitong pagkatao. Isang anonymous sender ang nagpadala kay Helena ng larawang iyon na ngayon ay tinitingnan na rin ng kanyang kalaguyong si Edward dahil kasama niya ito ngayon sa loob ng kanilang kwarto ni Theo. Edward: Hindi ako makapaniwalang magagawa ito sa iyo ni Tito Theo, Helena. Hayop siya. Makikita ang galit sa mga mata ni Edward habang tinitingnan ang larawan sa phone ni Helena. Nanghihina ang mga tuhod ni Helena at dahan-dahan siyang napaupo sa ibabaw ng kama. Marahang ibinaba ni Helena sa kanyang tabi ang kanyang cellphone. Idinantay ni Edward ang kanang kamay nito sa kaliwang balikat ni Helena at pinisil iyon. Edward: Huwag kang malungkot, Helena. Hindi mo ba naisip na maaari natin itong magamit kay Tito Theo para tuluyan mo na siyang iwan at sumamang makipagtanan sa akin? Naguguluhang tumingala si Helena kay Edward. Edward: Pwede nating gamitin ang ebidensyang ito para i-blackmail at hingian ng pera si Tito Theo. At pagkatapos ay gagamitin natin ang pera para sa pagsisimula natin ng panibagong buhay sa ibang lugar. Kumunot ang noo ni Helena. Lalong naguluhan si Helena rahil sa sinabi ni Edward. Pakiramdam ni Helena ay may kakaibang nangyayari rito. Maraming pumapasok sa isipan ni Helena nang mga sandaling iyon at isa na roon ay ang posibilidad na itakwil si Theo ng pamilya nito lalo na ng ama nitong si Sebastian kapag nalaman ang katotohanan tungkol sa totoong pagkatao nito. ---------- Halos hindi na makaraan ang hangin sa pagitan ng magkahugpong na mga labi ni Sebastian at ng babaeng kahalikan niya ngayon sa loob ng home library. Nakapikit ang babae habang ninanamnam nito ang mga halik ng isang Sebastian Guerrero. Tuluyan nang nabalot ng apoy ng pagnanasa ang buong sistema ni Sebastian habang nakikipagpalitan ng laway sa babaeng kasama niya ngayon. Akmang huhubaran na ni Sebastian ang babae nang biglang marinig niya ang malakas na pagsinghap mula sa direksyon ng pintuan ng home library. Agad na nilingon ni Sebastian kung sino ang taong nakatayo sa bungad ng home library. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Sebastian at ng babaeng kanyang kasama nang mapagsino ang taong naging dahilan para maudlot ang pakikipagtalik ni Sebastian sa kasamang babae. Ang taong nakatayo sa tabi ng pintuan ay hindi makapaniwala sa nasaksihan nito at dahan-dahang umatras palabas ng home library kasabay nang dahan-dahang pagpihit ng pintuan pasara. Nagkatinginan si Sebastian at ang kanyang babaeng kasama. Kitang-kita sa mga mata ni Sebastian ang kaba. Sebastian: Kailangan ko siyang pigilan. ---------- Napakagat-labi si Eugenie matapos niyang mai-send kay Oscar ang panibago na namang larawan ng butas ng kanyang pang-upo na kuha pa mula sa kanyang pagsha-shower kanina. Eugenie: Mabaliw ka sa alindog ng isang Eugenie Guerrero Almazan, Tito Oscar. Malandi pang tumawa si Eugenie habang iniisip kung paanong isusubo ang malaking alaga ni Oscar oras na dumating na ang tamang panahon. Eugenie: Hay. Ang laki-laki. Ang tigas-tigas. Tumili pa si Eugenie matapos banggitin ang mga salitang iyon. Kahit papaano ay nababawasan ang nararamdamang stress ni Eugenie rahil sa ginawang parusa sa kanya ng amang si Ryan sa pamamagitan ng pagpapadala ng nakakaakit na larawan kay Oscar. Si Oscar ay nagsusuot na ng shorts sa loob ng kwarto ni Anastasia nang marinig ang pagtunog ng cellphone nito. Sigurado si Oscar na isa na naman kina Eugenie at Amethyst ang nagpadala ng mahalay na larawan dito. Pinasadahan ng tingin ni Oscar ang hubad at pawisang seksing katawan ni Anastasia habang nakadapa ito sa ibabaw ng kama nito. Tulad kahapon ay muli na namang pinagod nina Oscar at Anastasia ang isa't isa ngayong gabi. Dahan-dahang iminulat ni Anastasia ang mga mata nito at pa-cute itong ngumuso kay Oscar nang makitang nakabihis na ang lalaki. Anastasia: Balik ka na sa asawa mo? Iwan mo na ako? Nakangiting napailing na lang si Oscar nang marinig ang parang batang pagsasalita ni Anastasia. Malakas na hinampas ni Oscar ang pang-upo ni Anastasia at inalog-alog pa ito na naging dahilan para mapatili si Anastasia at hindi matigil ang maharot na pagtawa nito. Anastasia: Tama na, Oscy. Pinagod mo na nga ako, eh. Niyuko ni Oscar si Anastasia at kinagat ang kanang tainga nito. Oscar: Next time ulit. Sa hotel naman tayo. Kinikilig na tumawa si Anastasia hanggang sa ihatid nito ng tanaw ang papalabas ng kwarto nito na si Oscar. Pagkasara ng pintuan ng kwarto ni Anastasia ay isang ngisi ang sumilay sa mga labi ni Oscar bago bumulong sa hangin. Oscar: Pasalamat ka, Anastasia, at kailangan kita para makuha ang atensyon ni Charlotte. ---------- Ang pakiramdam ni Charlotte ay may hindi sinasabi sa kanya ang kanyang anak na si Louise. Nang huling kausapin ni Charlotte ang kanyang anak ay sinabi lamang ni Louise na marahil pagod ito nang araw na nakita niya itong parang kinakabahan. Alam ni Charlotte na hindi nagsasabi ng totoo sa kanya si Louise. Kaya naman pasimple siyang pumasok sa loob ng kwarto ng kanyang anak ngayon para i-check kung may itinatago ba ito sa kanya. Alam ni Charlotte na mali itong ginagawa niyang pangingialam sa mga gamit ni Louise pero isa siyang ina na nag-alala para sa kanyang anak. Biglang kinabahan si Charlotte nang makita ang pamilyar na gamot ng pampakalma sa loob ng medicine cabinet na nasa loob ng en suite bathroom ng kwarto ni Louise. Charlotte: Iniinom pa rin ba ito ni Louise? Pagkatapos bumulong sa hangin ay biglang may pumasok sa isipan ni Charlotte na isang tinig ng boses mula sa nakaraan. "Charlotte! Tulungan mo ako, Charlotte! Hindi ako makalabas! Nasaan ka, Charlotte?" Dahil sa pagkabigla na muling narinig sa isipan ang sumisigaw na taong iyon ay nabitiwan ni Charlotte ang maliit na botelya na naglalaman ng mga gamot ng pampakalma. Pinagmasdan ni Charlotte kung paanong kumalat sa sahig ng banyo ang mga gamot. Charlotte: No. Matagal na iyon. Tapos na. ---------- Malakas na inihagis ni Theo ang flower vase na nasa ibabaw ng kanyang office table sa dingding ng kanyang opisina matapos mabasa ang isang mensahe mula kay Edward. "Alam na ng asawa mong may lalaki ka. Humanda ka na sa pagbagsak mo, Theo Guerrero." Halos madurog ang cellphone ni Theo sa kanyang kamay nang muli niyang basahin ang mensahe ni Edward. Theo: Hayop ka, Edward. You're gonna pay for this. Halos madurog ang mga ngipin ni Theo rahil sa tindi ng pagkikiskisan ng mga iyon habang galit siyang bumubulong sa hangin. ---------- Nakangisi si Amethyst matapos i-send kay Oscar ang larawan ng kanyang basang hiyas habang malaki ang pagkakabukaka ng kanyang mga hita sa ibabaw ng kanyang kama. Ang larawang iyon ay kuha ni Amethyst sa loob ng kanyang kwarto kaninang umaga. Amethyst: I don't know until when should I keep this act. Umiling pa si Amethyst pagkatapos bumulong sa hangin. Amethyst: Kailangan kong paglaruan si Tito Oscar para magawa ang aming mga plano. Nasa ganoong pag-iisip si Amethyst nang bigla niyang maramdaman ang pagpulupot ng dalawang matigas na bisig sa kanyang baywang at ang paghalik ng mga labi sa kanyang leeg. Napapikit si Amethyst at mahinang umungol. Amethyst: What took you so long? Lumakas ang ungol ni Amethyst nang maglandas ang dila ng lalaki sa kanyang leeg. Hindi sinagot ng lalaki ang tanong ni Amethyst at ganoon na lamang ang kanyang pagkabigla nang bigla siyang buhatin ng lalaki at ihagis sa ibabaw ng hotel bed. Ilang sandali pa ay napuno ng mga ungol at halinghing ang bawat sulok ng hotel room na iyon. ---------- Kumunot ang noo ni Mildred nang makitang parang hindi mapakali ang asawang si Arthur. Si Arthur ay kanina pang may gustong sabihin kay Mildred ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan. Kahapon nang kumandong sa hita ni Arthur ang anak niyang si Stephanie ay napansin niyang parang kakaiba ang mga kilos nito at may binanggit pa ito na may kinalaman sa halik. Iniisip ni Arthur na baka may kasintahan na ang kanyang anak. Nasa tamang edad na si Stephanie para sa pakikipagrelasyon pero hanggang maaari ay gustong protektahan ni Arthur mula sa sakit ng puso ang kanyang anak dahil sa kondisyon nito sa mata. Mildred: Mahal, may gusto ka bang sabihin sa akin? Ilang beses na umiwas ng tingin si Arthur mula kay Mildred at nagbuntung-hininga bago naisipang sabihin na sa asawa ang bumabagabag sa kanyang isipan. Arthur: Hindi ko alam kung paano ito sasabihin, mahal. Pero ang tingin ko ay m-may boyfriend na si Stephanie. Hindi napigilan ni Mildred ang sariling mapasinghap sa sinabing iyon ni Arthur. Mildred: Posible ba 'yon, mahal? Ma-makikipag-boyfriend ang anak natin nang hindi sinasabi sa atin? Parang hindi naman ganoon ang pagpapalaki ko kay Stephanie. Muling nagbuntung-hininga si Arthur bago nagsalita. Arthur: Sa tingin ko ay may hindi sinasabi sa atin si Stephanie. At iyon ang aking aalamin. Bumalatay sa mukha ni Arthur ang determinasyong alamin kung mayroon bang itinatago si Stephanie sa kanilang dalawa ni Mildred. ---------- Hinihingal si Louise matapos maibaba sa ibabaw ng kitchen island ang baso ng ininumang tubig. Hindi makapaniwala si Louise sa kanyang narinig kanina. Ngunit mas nagulat siya sa taong lumabas ng mansyon ng Familia Guerrero para pumunta sa lugar na sinabi ng kausap nito sa phone kanina. Louise: The narrative just keeps getting better and better. Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Louise matapos bumulong sa hangin. ---------- Nakangiting pinagmamasdan ni Jomari si Stephanie habang pilit nitong inaaninag ang mga bituin sa kalangitan. Mula nang dumating si Stephanie sa mansyon ng mga Guerrero kasama ang Tito Arthur at Tita Mildred ni Jomari ay hindi na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Tingin ni Jomari ay nahulog ang kanyang loob kay Stephanie sa unang pagkakita pa lamang niya rito. Pakiramdam ni Jomari ay si Stephanie na ang pinakamagandang babae sa buong mundo. At nang makilala nang lubusan ni Jomari si Stephanie sa tuwing ipinapasyal niya ito sa iba't ibang lugar sa bayan ay mas lalo pa siyang nabighani rito. Nakalupagi sa may talampas sina Jomari at Stephanie habang tinitingnan ang nagniningning na mga tala sa madilim na gabi. Jomari: Nakikita mo ba kung gaano kaganda ang mga bituin sa langit, Stephanie? Tumigil sa pilit na pag-aninag sa mga bituin sa kalangitan si Stephanie at nilingon si Jomari. Parang gustong mailang ni Stephanie sa sobrang lapit ng distansya ng mukha ni Jomari sa mukha nito. Malaki ang ngiti sa mga labi ni Jomari habang nakatunghay siya sa magandang mukha ni Stephanie na ngayon ay namumula na. Jomari: Alam mo bang napakaganda mo? Nahihiyang ngumiti si Stephanie at nagyuko ng ulo. Inilapat ni Jomari ang isa niyang daliri sa baba ni Stephanie at dahan-dahang iniangat ang mukha nito paharap sa kanya. Jomari: Katulad ng mga talang nasa kalangitan ay nagniningning din ang iyong mga mata, Stephanie. Matiim na tinitigan ni Jomari si Stephanie na parang tatagos na sa kaluluwa ng babae ang kanyang titig na iyon. Jomari: Kung sakali mang hindi mo maaninag ang mga bituin ay huwag kang mag-alala rahil nasa mga mata mo mismo nagmumula ang kinang at liwanag na tumatanglaw sa aking puso. Parang nanigas ang katawan ni Stephanie rahil sa sinabing iyon ni Jomari. Kahit si Jomari ay hindi alam kung bakit nasabi ang bagay na iyon. Ang alam lamang niya ay sinusunod niya ang sinasabi ng kanyang puso. Stephanie: J-Jomari? Ipinatong ni Jomari ang isa niyang daliri sa ibabaw ng mga labi ni Stephanie. Jomari: Ssshhh. Just feel the moment while it lasts. Halo-halong emosyon ang makikita sa mga mata ni Jomari nang mga sandaling iyon. Ngunit si Stephanie ay kinakabahan dahil sa mga emosyong nababasa nito sa mga mata ni Jomari. At alam na alam ni Stephanie kung bakit ito kinakabahan. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD