Prologue
Naglalakad ako palabas ng school nang may narinig akong babaeng sumisigaw sa medyo tagong parte ng department ng MedTech. Maputi siya, maganda, matangkad. She’s the type of girl that I wanted to date.
And she’s crying.
“Tell me, saan ako nagkulang, ha?” Muling sigaw ng babae na siyang nakapagpatigil sa akin ng tuluyan. “Ibinigay ko lahat ng pagmamahal na pwede kong ibigay sa ‘yo, pero nagawa mo pa rin akong lokohin?”
Mas lumapit ako sa kanila at nakita ko ang lalaking kausap niya na nakasandal lang sa concrete bench na inuupuan niya habang nakapikit, na para bang pagod na siya sa ganoong klaseng usapan; habang ang babae naman ay nakatayo sa harap ng lalaki at umiiyak, habang sumisigaw.
“Paul, will you please answer me?”
Dumilat ang lalaki at matalim na tumingin sa babae. “Will you please stop, Cassandra? Pagod na ako, okay?”
Umiling nang umiling ang babae. “Dahil ba hindi ko kayang pumayag sa kagustuhan mong may mangyari sa atin, lolokohin mo na lang ako? Pwede mo naman akong iwanan kung ayaw mo na, e!”
Padarag na tumayo ang lalaki. “O, eh ‘di mag-break! Tangina, pagod na pagod na ako sa pag-intindi sa ‘yo. Hindi lang ikaw ang dapat intindihin ko. Sana maintindihan mo rin ako!”
Aalis na sana ang lalaki ngunit pinigilan siya ng babae. Niyakap siya nito.
“No, Paul. Please, don’t do this to me. Paul, let’s do it. Payag na ako, huwag mo lang akong iiwanan. Paul, ‘di ko kaya! Ikaw na lang ang mayroon ako.”
The girl cried.
Napailing ako sa narinig ko. Very wrong, woman. Hindi mo dapat ibinababa ang worth mo para lang sa isang gago na tulad niya.
“No, Cassandra. I don’t love you anymore. I’m sorry.”
Inialis niya ang babaeng nakayakap sa kanya at tuluyan nang umalis.
“Paul!” Sigaw ng babae at hahabulin sana ang lalaki, pero hindi na nagawa. “Kean Paul Guttierez, no! 'Wag mo akong iwan!!!”
Humagulgol nang humagulgol ang babae at hindi na siya tuluyan pang nilingon ng lalaking hinahabol niya. Gusto ko na sanang umalis sa lugar na iyon, pero paano ko iiwanan ang babae sa ganitong sitwasyon? Every girl should be treated like a princess; anong klase ng lalaki ba iyong minahal niya? Is she blind? He’s a total asshole. Hindi dapat tinatalikuran at pinapaiyak ng ganito ang mga babae.
The girl sat on the concrete bench at kumuha ng salamin sa bag nito. Pinunasan niya ang pisngi niyang basa ng luha, pero kita pa rin sa namumugtong mga mata niya ang pag-iyak niya. Bumuntonghininga siya at ngumiti sa harap ng salamin na hawak niya.
“You’re a strong woman,” she said. “Nobody should see that you’re hurting. Okay?”
Muli siyang ngumiti, pero mabilis din iyong nabura nang muling tumulo nang tumulo ang mga luha niya. At isang beses pa, humagulgol ulit siya. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay at ipinatong ang siko sa concrete table, habang malakas na umiiyak. Napaiwas ako ng tingin sa nasaksihan.
I don’t really like seeing a girl like her in this kind of situation.
Napabuntonghininga ako bago naglakad papalapit sa kanya habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa pants ko. Naupo ako sa harap niya at pinanood siyang umiyak nang umiyak, ngunit parang napahinto nang maramdaman ang presensiya ko. Tumingin siya nang masama sa akin.
“Oh? Bakit tumigil ka? Sige, iyak ka lang.”
Mas lalong naningkit ang mga mata niya. “Sino ka ba, ha? Anong karapatan mong kausapin ako?”
“Wow! Wala akong karapatang kausapin ka, pero ‘yung gago mong ex, may karapatang saktan ka ng gan’yan?”
“So kanina mo pa pala kami pinapanood?”
“Yes. Ang ingay mo, e. Sigaw ka nang sigaw, sinong ‘di makukuha ang atensiyon dahil doon, hindi ba?” Simpleng sagot ko.
“Asshole.”
“Sa ex mo sabihin ‘yan, huwag sa akin.”
“Bakit ba ang pakialamero mo, ha?” Bulyaw niya. “Sino ka ba sa akala mo?”
“I’m Ford Isaiah.”
“I don’t care.”
“Tatanong mo kung sino ako tapos kapag sinagot ka, sasabihin mo, I don’t care? Ang labo mo naman.”
Nakita ko na parang nagulat siya sa sinabi ko at tumawa na parang hindi makapaniwala sa narinig sa akin.
“Alam mo? Ewan ko sa ‘yo. Pwede bang umalis ka na? ‘Di ko kailangan ng kasama dito!”
“Okay.” Nanatili akong nakaupo at siya naman ay nakatingin sa akin na nagtataka. “Bakit ba gan’yan ka makatingin?”
“I said get lost. Ano pang ginagawa mo dy’an? Can’t you see? I’m not in the mood to play with jerks like you. Iwan mo na nga ako!”
“Wala namang mababawas sa pagkatao mo kung makikita kitang magmukhang mahina. You can’t just pretend that you can do everything on your own. Just let me see you in your downest times, and after this, I won't bother you again. Let me be the person to console you.”
“You’re a stranger.”
“And so? Hindi ba mas mainam na ipakita mo sa strangers ang tunay na ikaw? Kasi wala akong karapatan na ipagkalat ang nakita ko. And I actually don’t care kahit na ‘di ako natuwa sa ginawa mong pagbaba ng pride mo para balikan ka niya. I’m just here so you won’t feel alone in this kind of situation. After this, you won’t see me anymore.”
And that’s when she cried again. Umiyak siya nang umiyak na para bang hindi na siya aabutan ng bukas. Umiyak siya nang umiyak sa harap ko na para bang ngayon niya lang nagawa ang bagay na ito.
“Bakit ba kayong mga lalaki, gan’yan ha? Ano bang problema niyo? Dahil ba hindi ko maibigay ‘yung s*x na inaasam niyo, lolokohin niyo na lang kami? Dahil ba hindi namin ma-satisfy ‘yung isa sa needs niyo, iiwan niyo na kami? Anong kagaguhan ‘yan, ha?”
Kahit na gusto kong kontrahin ang lahat ng sinabi niya sa akin, na hindi naman lahat ng lalaki ay ganoon, hindi na lang ako kumibo. She needs to let go of everything that’s keeping her in pain.
“Tang ina! Pinaglaban ko ‘yung gago na ‘yon sa pamilya ko! Pinalayas ako sa amin dahil ayaw sa kanya ng mga pamilya ko, tapos ganito iga-ganti niya sa akin? Wala nang natitira sa akin kung hindi siya na lang! Bakit iniwan niya pa ako?”
Napabuntonghininga ako.
Bakit ba may mga babaeng tulad niya? She looks badass. She looks like she can fight everyone, pero sa nakikita ko ngayon, konting pitik na lang ay mawawasak na ang buhay niya.
“At alam mo kung ano ang masakit? Tang ina, best friend ko ‘yung ginamit niya para gaguhin ako! Hindi niya lang ako tinanggalan ng boyfriend. Kinuha niya rin sa akin ‘yung best friend ko! Ano bang nagawa kong kasalanan sa past life ko para maranasan ko lahat ng ito, ha? Sabihin mo nga sa akin?”
Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ko nang dahan-dahan ang mukha niya na napupuno ng luha. Nakita ko na napatigil siya sa ginawa ko, pero hindi ko na iyon pinansin. Nasa mga luha niya lang ang atensiyon ko. Hindi dapat nagsasayang nang ganito karaming luha ang babaeng tulad niya na nagmamahal ng totoo.
“Hindi mo naman kasi kailangang manatili kung ang ibig sabihin nito ay kailangan mong isakripisyo ang lahat para sa kanya.” Panimula ko.
Nakita ko na hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng mga luha niya pero hindi rin ako tumitigil sa pagpunas ng mga ito. Nakatingin pa rin siya sa akin na parang hindi inaasahan ang lahat ng ginawa at sinabi ko.
“Ilang taon ka na ba? Bakit hinahayaan mong maranasan ang mga ganitong paghihirap? Sa nakikita ko sa ‘yo, bata ka pa. Hindi mo kailangang isakripisyo ang lahat, maging ang pamilya mo, para sa taong hindi ka pa naman sigurado na makakasama mo hanggang sa huli.”
Nag-iwas siya ng tingin sa akin, pero patuloy kong pinunasan ang mga luha niya.
“Mahal ko siya.”
“Pero may limitasyon ang pagmamahal, lalo na sa ganitong klaseng relasiyon.”
Muli siyang tumingin sa akin, nginitian ko siya nang tipid.
“Hindi mo kailangang gawin ‘yan. Hindi naman pagmamahal ‘yan, e. Pagpapakatanga. Nararamdaman kong hindi ito ang unang beses na nagawa ka niyang lokohin dahil sa mga nasaksihan ko kanina. Lalaki din ako, kaya kilala ko ang mga lalaking tulad niya.”
Inilagay ko sa kamay niya ang panyo ko at sumandal sa inuupuan ko.
“May girlfriend ka ba?” Tanong niya na nakapagpakunot ng noo ko.
“O-Oo.” Nag-aalangan kong sagot dahil hindi ko alam kung saan patungo ito.
“Gaano na kayo katagal?”
“Mahigit dalawang taon. Wait, saan ba patungo ang usapang ito?”
“Dumating na ba sa point na nagkaroon ka ng iba, habang kayo pa?”
Hindi ako nakasagot sa naging tanong niya. Hindi ko alam kung bakit biglang napunta sa akin ang usapan, samantala nandito ako para tulungan siya.
“Hindi ka nakasagot, ibig sabihin oo.” Nagbuntong-hininga siya. “Gusto ko lang malaman, gamit ang point of view mo. Bakit kailangan niyong lokohin ang babaeng mahal niyo? Bakit hindi niyo na lang iwanan kung hindi na kayo masaya? Bakit kailangan niyo pang patagalin? Bakit kailangan niyong maghanap ng iba habang nandito pa kami?”
Parang gusto kong magpakain sa lupa dahil sa mga tanong ng babaeng ito gamit ang maangas na boses. Pero kung makakatulong sa kanya ang mga sagot ko sa tanong niya, gagawin ko. Sasagutin ko ang mga tanong niya.
“Oo, may ilang beses na akong nagloko sa kanya, pero mahal ko siya. Mahal ko si Lexie. Sa unang beses, nagawa niya akong mapatawad kaagad kasi naiintindihan niyang nawawalan siya ng oras sa akin. Magkaiba kami ng university, e. Sa pangalawang pagkakataon, nakipag-hiwalay siya sa akin, pero ginawa ko ang lahat para balikan niya ako.
“At sa ikatlo at huling pagkakataon, nagawa niya akong burahin sa buhay niya pansamantala. Nagawa kong magmakaawa sa kanya na huwag akong iwanan, na balikan ako. Ginawa ko lahat, at ipinangako kong hindi na mauulit pa iyon. Ginagawa ko ang pangako ko sa kanya na iyon ngayon kasi gusto ko siyang pakasalan.”
Nakita ko ang pagiging seryoso niya base sa titig niya at sa pagkunot niya ng kaniyang noo habang nakikinig sa akin.
“You’re a cheater, still.” She said, which I expected.
I let a deep breath out.
“Oo, niloko ko na ng ilang beses ang girlfriend ko. Kasi kaming mga lalaki, gusto namin ng maraming oras ng mga girlfriend namin. Para kaming mababaliw kapag ‘di namin kayo nakikita at nakakasama. Kaya dumadating sa point na hinahanap namin sa iba ang oras na binibigay niyo sa amin.
“Hindi ko kayang iwanan na lang basta ‘yung girlfriend ko kasi ‘yung babaeng naging instrumento para lokohin ko siya, alam kong panandalian lang ‘yon. Iba pa rin kapag ‘yung taong mahal ko ang kasama ko. Nagawa ko lang naman ang mga bagay na iyon dahil sobrang miss ko siya, e. At hindi siya makahanap ng oras para sa aming dalawa.
“Pero noon lang ‘yon. Dahil ngayon, nagbago na ako. Nagbago na ako at hindi ko na nagawa pang maghanao ng iba kasi, nung huling beses na nakipag-break si Lexie sa akin, nung tinanggal niya ang lahat ng connection niya sa akin at hindi nagparamdam o nagpakita sa akin sa loob ng isang buwan, na-realize ko na hindi ko siya kayang mawala sa buhay ko. Na-realize ko na yung taong niloko ko ay sobrang mahal ko pala to the point na muntik nang masira ang buhay ko noong iniwan niya ako. At ipinangako ko mula noon sa sarili ko na hinding-hindi ko na siya lolokohin ulit kahit kailan.”
Nakita ko na nakinig siya sa lahat ng sinabi ko, at ang hinihiling ko lang, sana naintindihan niya ang gusto kong iparating.
“Whatever you say, whatever your reasons are, you’re still a cheater.”
“Was, and I admit it.”
She heaved a sigh.
“Gusto mo siyang pakasalan?” she asks.
“Oo.”
Ngumiti siya nang mapait.
“Kahit kailan hindi niya nasabi ‘yan. You maybe a cheater from the past, but, still, your mind, heart and soul is set to marrying her. Siguro nga, hindi lahat ng lalaki pare-pareho lang. Kasi habang pinapakinggan ko ang lahat ng sinabi mo, na-realize ko na iba si Paul sa ‘yo. Noong ako ang niloko ni Paul, ‘di pa siya nagso-sorry, pinatawad ko na siya. Hindi ko nagawa ‘yung ginawa ng girlfriend mo sa ‘yo kasi hindi ko kaya. Hindi niya nagawang magmakaawa sa akin tulad ng ginawa mo para sa kanya...kasi ako ang madalas na gumagawa no’n, ‘wag niya lang akong iwanan.”
Nagbuntonghininga siya. “Baka nga hindi pagmamahal ‘to? Baka nga pagpapakatanga lang?”
Nakita ko ang pait sa mga maliliit na ngiting ibinibigay niya sa akin.
“Miss, alam mo, hindi mo kailangang ibaba ang halaga mo para sa kanya. Babae ka, hayaan mong siya ang gumawa noon para sa ‘yo. At siguro, tama na ang ginawa mong pagpapatawad nang paulit-ulit para sa kanya. Tama na ang paghihirap na naranasan mo nang dahil sa kanya. Bumalik ka na sa pamilya mo at humingi ng tawad sa lahat ng nagawa mo. Kung sa ex mo nga, nagawa mong magmakaawa, e. Ano ba naman ‘yung mag-sorry ka lang sa mga magulang mo, hindi ba? Alam kong ikaw lang ang hinihintay nila.”
Nakita ko ang magagandang ngiti na sumilaw sa labi niyang nilagyan ng kulay violet na lipstick. “Ang swerte siguro ng girlfriend mo, kasi may isang tulad mo na nagmamahal sa kanya.”
Umiling ako.
“Mas maswerte ako, dahil sa kabila ng panloloko ko, nand’yan pa rin siya ngayon sa tabi ko.”
“May sasakyan ka ba?” Tanong niya kasabay ng pagtayo niya.
“Oo.”
“Good. Pwede mo ba akong ihatid sa apartment ko? Kukuhanin ko lang lahat ng gamit ko.”
At nang dahil sa sinabi niya, napangiti ako.