CHAPTER 13 CASSY’S POV “SO, yun na nga ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit ni-relate niya sa Diversified ang gawa-gawa niyang company. Tapos isa pa, botong-boto na parents ko sa kaniya, binigyan pa niya ng business card si dad at nangako pa na siya ang kukunin na construction supply in the future. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Dylan, Charlene.” Biglang dumating ang waiter at nilagay ang coffee frap sa table pati ang slice ng cake, kaya kaagad kong kinuha ang coffee frap at mabilis kong hinigop iyon gamit ang straw. “Hoy Cassy! Dahan-dahan naman sa pag-inom at baka mag-palpitate ka niyan,” aniya sa akin kaya binalik ko sa lamesa ang kalahating coffee frap. “Kaya nga, Charlene, gusto nang mawala sa mundo dahil sa kagagawan ni Dylan.” “Mag-relax ka nga muna. Baka naman kasi yun