CHAPTER 27 CASSY’S POV “TAMA NA PLEASE,” pag-aawat ko kay Charlene nang muling itungga ang bote ng soju. Paborito niya kasing iniinom ang soju dahil gusto niyang ma-Korean ang dating. Hindi na ako nakatiis sa kaniya kaya kaagad kong kinuha ang bote mula sa kamay niya bago pa niya muling ininom iyon. “Wag mo na ako pakialaman, Cassy,” aniya habang inuunat ang kamay para abutin ang soju na inangat ko mula sa kaniya. “Tama na kasi, Charlene. Ang dami mo nang ininom,” wika ko sa kaniya nang ginala ng mata ko at binilang sa lamesa ang anim na boteng soju na tantya kong inubos na niya lahat at pang-pito ang hawak ko ngayon. “Gusto ko lang naman maging masaya, Cassy,” mangiyak-ngiyak niyang sambit sa akin na halatang lasing na ito dahil sa paraan ng kaniyang pagsasalita. “Eh, bakit naman