bc

(Filipino) I'm The Boss

book_age16+
14.7K
FOLLOW
114.0K
READ
possessive
sex
others
submissive
sensitive
kickass heroine
brave
bxg
lighthearted
first love
like
intro-logo
Blurb

Limang buwan na simula ng mawalan ng trabaho si Pixel Miranda. Paulit-ulit itong binubulabog ng land lady ng tinutuluyan niyang apartment kaya naman lahat ng trabaho'y papasukin na nito para lang hindi masipa paalis ng inuupahan. Wala namang kaso sa kanya ang manirahan sa kalsada, ang problema'y, may anak siyang inaalagaan. Bilang ina'y wala siyang ibang hinangad kundi ang makakabuti rito. Kaya naman noong nagkatagpong muli ang landas nila ng dating kaibigan, hindi na nito tinanggihan pa ang trabahong inaalok.

Maganda naman ang trabaho, yun nga la'y pinagsabihan siya nitong mag-ingat dahil kilala ang kanilang boss sa kalupitan nito.

Unang araw pa lang ay nakitaan na ito ni Pixel ng ka-weirduhan. May kutob man'g may mangyayaring hindi maganda, pinagpatuloy pa rin niya ang pagtatrabaho dito bilang sekretarya. Hindi inaasahan ni Pixel, na sa desisyong iyun ay dahan-dahang magbabago ang kanyang buhay...

chap-preview
Free preview
One
                "KAILAN KA NA NAMAN MAGBABAYAD NG UPA MO???" sigaw ni aling Isay.                 Napakamot ako ng ulo. Ganito na lang lagi ang eksena araw-araw. Naging immune na nga ata ako sa kahihiyan.                 Paano ba naman? Limang buwan na simula nang mapaalis ako sa dati kong trabaho. Limang buwan na rin akong naghahanap ng mapagtatrabahuan. Kahit sideline lang. Tatanggapin ko ata kahit ano basta hindi illegal o nagbebenta ng katawan. Kailangan ko talaga ng pera ngayon kung hindi baka sa tabi ng kalsada na ako pupulitin sa mga susunod na araw.                 "Aling Isay, naghahanap po ako ng trabaho. Promise po, pag nakahanap ako ng trabaho... Babayaran ko kayo agad." binigyan ko ito ng malapad na ngiti.                 "Pang ilang promise mo na ba yan, Pixel?? Aba't apat na buwan ka ng di nagbabayad ng upa mo! Kailangan ko rin kumita!" singhal niya. "Babalikan kita dito bukas at pag wala ka pang maibabayad sa akin, mas mabuti pang iligpit mo na yang gamit mo kung ayaw mong itapon ko yan palabas." wika nito.                 Magsasalita pa sana ako para mapakiusapan ito pero huli na at umalis na ito sa harap ko. Nag-init ang gilid ng mata ko pero pilit kong pinigilang kumawala ang luhang nais pumatak. Eto na nga ba ang kinatatakot ko. Mukhang sa tabi ng kalsada na nga ako maninirahan simula bukas. Buti sana kung ako lang eh. Kaya lang...-- Napabuntonghininga ako habang nakatingin sa batang mahimbing na natutulog sa kama. I really need to find a job. Ayoko namang matulog kami ng anak ko sa malamig na kalsada bukas.                 Hays, ewan ko ba. Nakatapos naman ako ng college pero walang gustong tumanggap sa akin. Aba! Nagsikap ako nun ah. Ilang taon din akong naglingkod sa pamilyang yun. Ako ang nag-alaga sa anak nila ng mga 5 taon kaya lang, lumaki na kasi yung bata. Hindi na kailangan ng yaya kaya ayun! I'm out. Tsk. Ilang kompanya na rin ang sinubukan kong pag-applyan kaya lang lahat ata yung may experience ang hinahanap. Kung hindi naman ay mga fresh graduate.                 Pero kahit na ganun man ay naniniwala pa rin ako na makakahanap ako ng trabaho. Alam kong malalampasan ko rin ito lahat. Push lang ng push. Wag na wag mag-pull. Kaya toh!!! Fighting!!!                 Inayos ko ang sarili ko at pinulot ang mga applications ko na kakailanganin sa paghahanap ng trabaho. Hays, halos na ubos na nga ata ang natira kong pera sa pamasahi ko araw at pa-print ng resume. Kung tutunganga lang naman ako sa bahay, parang ganun na rin yun. Mas mabuting mamatay ng ginawa mo ang best mo kesa mamatay ng walang ginagawa.                 Naglalakad ako sa kahabaan ng manila. Palinga-linga. Baka sakaling makahanap ng mga wanted katulong etc. Nagtatanong-tanong na rin kahit sa mga maliit na kompanya lang kung may hiring sila. Si Ice naman, yung anak ko ay iniwan ko muna sa kapitbahay namin. Tsk. Naaawa ako sa anak ko. Kailangang pagdaan ang hirap sa buhay. Kung sana lang ay dumating na ang swerte ko.                 Hindi ako malas! Hindi ako naniniwala sa malas Kahit ilang beses pang isampal ni Aling Isay na puno ng kamalasan ang buhay ko. Siguro.... Tine-test lang ako ni God? Alam ko, darating yung araw ng swerte ko. Di ako naniniwala sa malas pero naniniwala ako sa swerte.                 Busy ako kakatingin sa paligid ko at hindi ko na namalayan ang mga nakakasalubong kong tao. Hanggang sa di inaasahang may mabangga ako. Napaawang ang bibig ko ng muntik na itong matumba sa pagkakabangga naming dalawa. Nakasuot ito ng mataas na takong kaya naman nahirapan itong bumalanse.                 Pinagmasdab ko ang suot niya. Mula dibdib hanggang paa. She's wearing a formal attire. Bigla akong kinabahan. Yumuko ako sa harapan niya. "Naku, pasensya na. Hindi ko sinasadya." paghinging paumanhin ko.                 "No it's okey." aniya.                 Inasahan kong sisigawan niya ako't ipapahiya pero imbes ay ngumiti siya sa akin. Kumunot ang noo ko ng mapagmasdan mabuti ang kanyang mukha. "Sapphire???" napatakip ako ng bibig.                 Hindi ko inasahan ang pagtatagpo naming dalawa. Magkaklase kami nung college. No, actually she was like a sister to me.                 "Ikaw na ba yan Pixel?? OMG!!!!" nakilala rin pala ako nito. Excited siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Nakaramdam ako ng pagkaasiwa. Paano ba nama'y napakaganda ng suot nito habang ako'y parang basahan lang pag katabi niya.                 "Ibang iba ka na ngayon!" sambit ko.                 She chuckled. "Ganun talaga. People change. Eh ikaw? Kumusta ka na nga ba? Teka, pumasok muna nga tayo doon sa karendirya. Manananghalian na rin ako. Kumain ka na ba?" yaya nito.                 Gusto ko sana humindi pero bago pa man ako makapagsalita ay hinila na niya ako papunta sa loob. Napakagat-labi ako. Nakakahiya. Wala akong pera para bumili ng makakain. Sakto lang ang barya ko pamasahe sa jeep.                 "Ano na nga bang ginagawa mo ngayon? I'm sure you're very successful." inosente niyang wika.                 Napayuko ako. Hindi alam ang sasabihin. Successful? Mukha ba tong successful? Kulang na lang magsukbit ako ng sako sa balikat at magmumukha na akong manlilimos.                 "Sa totoo lang, kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho. Kaya nga't heto, tinitiis ang init."                 Tumingin siya sa akin. "You're looking for a job?"                 Tumango ako. "Limang buwan na rin."                 Sandali siyang tumigil. She looked at me na parang may iniisip. "Alam mo, kasalukuyang naghahanap ng sekretarya ang boss namin. I mean, I know malayo yun sa course mo pero malaki yung sweldo."                 Nabuhayan ako sa sinabi niya. "T-talaga?"                 "Yeah. But medyo malupit yun sa mga nagiging sekretarya niya so I don't really recommend you to get the job. But if may magbukas na posisyon sa--"                 "Wala na akong pakialam kung mas malupit pa siya kesa sa terror nating math professor noong college. Kailangan ko talaga ng trabaho ngayon. Nakakahiya pero lulunukin ko na ang pride ko. Please, tulungan mo akong makapasok." pagmamakaawa ko.                 Bakas ang pagkahabag nito sa mukha. Alam ko, nakakahiya pero eto na lang ang pag-asa ko. Kahit gaano pa siya kalupit, titiisin ko para sa anak ko.                 Huminga siyang malalim. Tila nag-iisip muna bago siya magsalita. "Let's eat first. Samahan na kita sa opisina." she smiled.                 Sinamahan nga ako ni Sapphire sa kompanyang pinagtatrabahuan niya. Hindi ko inasahang nalaking kompanya pala ang pinagtatrabahuan niya. Nakakahiya ngang umapak sa loob. Ang gara kasi tingnan ng paligid.                 Sumakay kami ng elevator. Ngayong andito na kami ay saka ako nakaramdam ng kaba. She pressed the 20th floor. It's the last floor ng building.                 Giniya niya ako palabas ng elevator. Nanliit ako habang nakatingin sa mga empleyado ng kompanya. Pormadong pormado ang mga ito. Napaka-sopistikado tingnan samantalang ako'y napakaluma na ng suot. Malaking factor pa naman ang first impression sa interviews.                 "Pixel, wait here. I'll just talk to the HR manager." aniya.                 Tumango ako. Pinaupo niya ako sa mga nakahilerang upuan sa harap ng isang opisina. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa glass door. Nakasuot lang ako ng simpleng dress. Eto lang ang kaisa-isang dress ko. Ito ang sinusuot ko tuwing may interview ako. Nabili ko nga lang toh sa ukay-ukay.                 Ilang minuto lang ay bumalik si Sapphire kasama ang isang babae. Agad akong tumayo at binati ito. "You're the first applicant for today. Akala ko talaga wala ng maga-apply for this job." she smiled.               "By the way, I'm Claire Mallari. I'm the CEO's sister-in-law. I work here as the HR manager. You can call me Mrs. Mallari." pakilala niya sa sarili.                 Nilahad niya ang kamay at malugod ko iyung tinanggap. "Pixel Miranda po." pakilala ko naman.                 "Anyway, let's go inside the CEO's office. Siya ang magi-interview sayo. Medyo pihikan kasi iyun pagdating sa secretary niya."                 Napalunok ako. "H-hindi po ba ako dadaan muna sa-"                 "Nah! No need. Just enter his office and answer his questions honestly. Just a piece of advice, He doesn't like liars."                 Kinakabahan man dahil ang CEO agad ang haharapin ko'y tinatagan ko ang loob. Chance ko na toh para magkatrabaho. I will not waste this chance. I bumped to Sapphire for a reason and this is the reason.                 Inalalayan ako ni Mrs. Mallari papasok. Ngumiti si Sapphire sa akin at sinenyasan akong galingan ko sa interview. Tumango naman ako sa kanya bago pumasok.                 Sandali akong natigil pagkarating sa loob. Ang ganda ng opisina. Napakaaliwalas. Sobrang laki pa. Mas malaki pa ata ito sa apartment na tinutuluyan ko. Sa sobrang paghanga sa paligid ay hindi ko na napansin ang pag-ikot ng swivel chair na kanina ay nakaharap sa malaking bintana.                 Tumikhim ito kaya naman nabaling ang atensyon ko sa nakaupo dito. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nahulog ang panga ko ng mapagmasdan ang lalaking nasa harapan. Omg, siya ba ang boss ko? Teka-- ba't parang ang bata pa niya para maging CEO? Saka gwapo masyado. Ang naiisip ko kasi pag naririnig ang word na CEO eh matanda na panot... Yung mga ganun? Yun madalas ang napapanuod ko sa tv. Pero! Sobrang baliktad ata sa expectation ko ang taong nasa harapan ko ngayon.                 "Pixel Miranda." saka lang ako nagising sa iniisip ng magsalita ito. He looked at me from head to toe. May sumilay na pilyong ngiti sa mga labi nito. I thought he doesn't know how to smile. "Take a seat." aniya. "You have no experience sa job na pinapasukan mo?" tumaas ang kilay nito. Sabi na. Yan lagi ang napupuna nila. Di pa nga ako nakakapagsalita yun na ang tanong.                 "Ganun na nga po." paano ba naman kasi ako magkaka-experience kung lahat na lang ng a-applyan ko ayaw akong tanggapin dahil wala akong experience? Ang gulo noh? Why not give us a chance? Malay niyo naman mas magaling kami kesa sa mga eksperyinsyado na sa field na toh. Di kasi dapat hinuhusgahan ang tao base sa resume nila. Charot.                 "Tumayo ka nga." aniya bigla.                 "P-po?" naguguluhan kong sambit.                 "I said tumayo ka." ulit niya.                 Hindi ko alam kung para saan ito. Pero sinunod ko na lang ang inutos nito.                 "Talikod."                 Nalilito talaga ako kung para saan ito. Physical examination ba ito? Provided naman lahat sa application ko. Yung medical record at kung anu-ano pa.                Matapos akong iksamenin ay sinabihan niya akong umupo ulit. "Pwede na. You can start tomorrow." aniya.                 Napanganga ako. Ano daw? Tama ba yung narinig ko? "I'm hired?"                 "Yes." simple nitong sagot.                 "No questions? No interviews?"                 Ngumiti ito. "Well, why do you want me to hire you then, Ms. Miranda?"                 Napaubo ako. Gaga. Bakit ba kasi ang dami kong tanong. Tinanong nga tuloy ako. Di magawa sa biruan ang lalaking toh.                 Huminga akong malalim and I gave him my sweetest smile. "Because I desperately need a job. You know when people are desperate, ginagawa nila ang lahat para makuha ang gusto nila. That means, I will do my best para maging mabuting empleyado."                 "I like you. Akala ko maga-apply kang model." tumawa ito.                 Napakunot-noo ako. "P-po?"                 Imbes na sumagot ay tumawa lang ito ng malakas. Umalis ito sa pagkakaupo at tumayo sa likod ko. Dinutdot niya ang sarili niya sa akin. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa likod ng tenga ko. Hinawakan niya ako sa beywang dahilan ng aking pagpitlag. Kinabahan ako bigla. Anong ginagawa niya??                 For a second, parang gusto kong mag-back out. Umalis at wag na tanggapin ang trabaho. But... What about Ace?                 "See you tomorrow." bulong niya that sent shivers down my spine.                 Mabilis akong umurong palayo sa kanya. He smirked at bumalik sa swivel chair niya. Gusto ko magtanong kung para saan yun but he is my boss. I don't think may karapatan akong itanong yun. Huminga akong malalim. Wala lang yun. Maybe he's just testing me kung gaano nga ba ako kadeterminado sa trabahong toh. Yeah, that's right. It was just a test. I need this job. May anak akong kailangang buhayin. Kailangan ko ng pera.                 Wala na akong pakialam kung anong klaseng tao nga ba siya. Hindi naman siguro niya magagawang saktan o bastusin ang empleyado niya diba?                 Whatever he is, I can take care of myself. Kakayanin ko lahat for my son's future.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
557.1K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
630.4K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
432.4K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.9K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
198.0K
bc

His Property

read
947.1K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook