Nag aagaw ang dilim at liwanag ng dumating sina Maxine at Denver sa baryo . Ilang kabahayan pa ang kanilang madadaanan bago makarating sa mismong bahay ng kanilang abuela. Sa isang maliit na tindahan nakaupo doon ang ilang kadalagahan kasama si Marco na matalim ang tingin kay Denver. Napansin naman iyon ni Denver kaya sisitahin sana niya ito pero humigpit ang hawak ni Maxine sa braso niya tanda na pinipigilan siya nito. Hindi naman magkamayaw ang mga kadalagahang nagpapacute kay Denver. Nginitian sila ng binata at walang humpay na tilian ang isinukli ng mga ito. Napadako naman ang tingin ni Maxine kay Marco na noo'y nakangisi sa kanya pero mapapansin ang talim ng titig nito sa kanya. Kinilabutan si Maxine sa paraan ng pagtitig nito kaya minadali niya ang kanyang kuya sa paglalakad